Kabanata 26.
Trigger Warning: SUICIDE
NEVIE'S POINT OF VIEW
Ngumiti sa akin si Archangel bago niya ako sinenyasan na tumingin sa aking harapan. Napatitig ako sa puting pader sa aking harapan at nakita kong bigla iyong naglaho.
"Instead of telling you, I want to show you everything about him."
Matapos magsalita ni Archangel ay nagkaroon ng mga imahe sa aking harapan.
Hindi ako nakapagsalita nang bumungad sa aking paningin ang isang batang binubugbog. Sa tingin ko ay nasa apat o limang taong gulang palang ang bata na iyon.
"Pagkain namin 'to! Humanap ka ng sarili mong teritoryo!"
Pinanood ko ang limang bata habang binubugbog ang isang napakapayat na batang lalaki. Walang nagawa ang maliit na bata kung hindi ang tanggapin ang mga sipa at suntok mula sa mga batang bumubugbog sa kaniya.
Nang mawalan ang maliit na bata ay tsaka lamang nagsitakbuhan palayo ang bumugbog dito. Nasa aking harapan ay naiwan na lamang ang isang maliit at walang malay na bata.
Napakurap ako at napatitig ako ngayon sa batang walang malay. Gusto kong tumayo at tulungan siya ngunit alam kong imposible ang bagay na iyon. Ang tanging magagawa ko lang ay manood.
"His name is Soran. This is his first life."
Napatango lang ako ng marinig ko ang sinabi ni Archangel. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa maliit at napakapayat na bata sa aking harapan.
Nagbago ang imahe sa aking harapan. Pero nakikita ko pa rin ang batang si Soran. Ibang-iba ang itsura niya sa kaniyang first life. Sobrang payat niya at kumpara sa ibang bata ay napakaliit niya.
Tahimik ko lang pinanood ang buhay ni Soran. Halos manikip ang dibdib ko habang pinapanood kung paano siya bugbugin at saktan ng ibang mga kalalakihan at ng ibang matatanda.
Kahit natutunan na niyang lumaban ay lagi pa rin siyang natatalo dahil mag-isa lang siya. Ilang beses na din siyang nasaksak at ilang beses na siyang nakaligtas mula sa bingit ng kamatayan.
He's a strong minded kid. Iyon ang napansin ko sa kaniya. Kahit anong pagdaanan niya ay nagagawa pa rin niyang bumangon. Hindi siya sumusuko.
His life isn't wonderful compared to others. Tuwing gabi ay lagi siyang umiiyak sa isang sulok sa tabi ng basurahan. Malayo sa mga taong laging humahanap ng gulo.
He's alone in a big world. There's no one beside him. He must have been really scared.
He looks like 8-10 years old.
Lahat ng pagkain niya ay galing lang sa basurahan. May mga pagkakataon na nagnanakaw siya dahil sa sobrang gutom.
He's clearly a beggar.
Napatitig ako sa imahe sa aking harapan nang makita kong may isang batang babae ang nadapa sa harap ng natutulog na si Soran.
Nakaharang si Soran sa daan at mukhang hindi iyon nakita ng batang babae na may hawak ng stick.
"Ah, pasensya na! Hindi ko po alam na may tao pala!" Natatarantang sabi ng batang babae.
Nagsalubong ang kilay ko ng mapansin kong diretso lang ang tingin ng batang babae. Mukhang hindi siya nakakakita.
She looks normal. Hindi ko napansin na bulag pala siya.
Kahit nagsalita ang batang babae ay hindi pa rin nagigising si Soran, mukhang tulog na tulog ito.
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomanceNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022