KABANATA 22

5.9K 353 23
                                    

Kabanata 22. 

NEVIE'S POINT OF VIEW

Naalimpungatan ako ng may biglang bumuhos sa katawan ko. Agad akong napamulat at agad kong narinig ang iyak ng mga bata sa aking paligid.

"Maligo muna kayo," saad ng isang babae. Sa tingin ko ay nasa late 20's na siya.

Nakita kong may hawak siya ng balde at tabo. Naglalakad siya paikot sa loob ng silid na ito at nagsasaboy ng tubig na para bang nagdidilig lang siya ng mga halaman.

Halos manginig naman ang ilan sa mga bata. Napatingin ako sa nag-iisang bintana sa silid na ito at napansin kong medyo madilim pa rin ang langit sa labas. Bukod don ay sobrang lamig din sa lugar na 'to.

Maging ako ay nangangatal na rin.

Nang matapos kaming paliguan ng malamig na tubig ng babaeng iyon ay lumabas na siya ng silid na 'to. Napalingon ako kay Jinjin ng bigla niya akong yakapin.

"Nilalamig ako Nevie!" naiiyak niyang saad sa akin.

"Tumakas tayo," bulong ko kay Jinjin.

Ilang minuto akong niyakap ni Jinjin bago siya humiwalay. Magkasalubong ang kilay niyang tiningnan ako.

"Paano tayo tatakas?" tanong niya sa akin.

"Duon sa may bintana," turo ko sa may maliit na bintana. Kapag binuhat ako ni Jinjin ay sigurado akong maabot ko 'yon.

"Paano kung may bantay sa labas ng bintana na 'yon? tanong pa niya sa akin. Napangisi naman ako.

"Syempre, sisilipin ko muna. Kapag wala ay tsaka lang tayo tatakas." paliwanag ko sa kaniya.

Magaling umakyat si Jinjin at malakas ang loob ko na kayang-kaya niyang akyatin ang bintana na iyon kahit wala ang tulong ko.

"Paano ang ibang bata?" tanong pa niya sa akin.

"Kapag nakatakas tayo, kailangan natin tandaan lahat ng lugar na madadaanan natin. Tapos dederetso tayo kay Commander Garkin," paliwanag ko.

Mabilis naman na tumango si Jinjin.

"Oo nga, siguradong tutulong si Commander Garkin kapag sinabi natin kung saan tayo kinulong ng mga bandits."

Matapos namin mag-usap ni Jinjin ay muli akong napatingin sa mga batang kasama namin. Ang iba sa kanila ay nakatulala lang at ang iba ay hindi tumitigil sa pag-iyak.

Hindi ko sigurado kung kami lang ba ang mga bata sa lugar na ito o kung meron pa bang iba. Pakiramdam ko ay hindi normal na kidnapping ito.

Makalipas ang ilang oras ay napansin kong muling nakatulog ang mga bata. Ilan nalang ang mga gising at abala pa ang iba sa pag-iyak.

"Tingnan na natin," saad ko kay Jinjin.

Tumayo kaming dalawa ni Jinjin at naglakad kami malapit sa may bintana. Inisod ko muna sa isang gilid ang natutulog na bata sa tapat ng bintana bago ko tiningnan si Jinjin.

"Kaya mo ba akong buhatin?" tanong ko kay Jinjin.

"Oo naman," sagot niya sa akin.

"Tumuntong ka sa balikat ko ha, tas kumapit ka sa pader."

Ginawa ko ang sinabi ni Jinjin. Halos manginig ang tuhod ko ng tumayo ako habang nakatapak ang aking paa sa balikat ni Jinjin. Pakiramdam ko ay mahuhulog ako kapag tumingin ako sa baba.

"Lumapit ka pa ng konti sa pader," saad ko kay Jinjin.

Mas lalong nanginig ang binti ko ng maglakad si Jinjin. Nang makalapit ako sa may bintana ay agad akong kumapit sa may railings.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon