Chapter 17 - Dreams

707 27 0
                                    

Chapter 17 - Dreams

Tricia's Pov

"Hi ma!" bati ko kay Mama na nasa study room nya. Bihira ko na kasing nakikita si Mama dahil bihira nalang ito lumabas ng study room nito dahil sa dami ng trabaho. Kaya naisipan kong ipagbake ng cookies si Mama at dalhan siya sa study room.

"Oh Tricia.. Anong kailangan mo? Medyo maraming trabaho ngayon si Mama." sagot nito na patuloy parin sa pagpirma at pagbasa ng mga papeles na nasa table nya.

"Gusto nyo po ba ng cookies? Nagbake po kasi ako ngayon. Mukhang hindi pa po kasi kayo nakain." at pinatong ko sa table nya yung cookies.

"Oh. Thank you Tricia."

"Welcome Ma!" at lumabas na ako ng study room niya. After nun ay pumunta na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Ilang araw na kasi akong puyat dahil kung anu-ano pangyayari ang pumapasok sa utak ko. At ilang araw narin sumasakit ang ulo ko at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Tricia.. Tricia.. Wag mo ng isipin yun! Hindi totoo yun!" At sinampal - sampal ko ang sarili ko sa salamin. After kong makapaghilamos ay humiga na ako sa kama ko para makatulog. Sana naman hindi na ako gambalain pa ng mga panaginip na yan!

---

"Mahal na mahal kita Tricia.."

"Mahal na mahal din kita. Huwag mo akong iiwan ah. At huwag na huwag mo ang sasaktan."

"Oo hinding - hindi. Dahil hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Kaya hindi kita sasaktan. Pangako yan!"

"Pangako?" at nilapit ko sa kanya ang darili ko para magpinky swear.

"Pangako!" at nagpinky swear sya sakin.

At unti - unti nyang nilapit ang mukha nya sakin at marahan nya akong hinalikan.

---

"Hulaan mo kung sino ito?"

"Ano ba? Hahaha. Kahit takpan mo pa ang mata ko alam kong ikaw parin yan. Ang lalaking mahal na mahal ko."

"Sus. Hahaha Mahal na mahal din kita" at bigla nya akong hinalikan sa pisngi.

"Ikaw ah! Magnanakaw ka ng halik!" nakasimangot ko sabi.

"Bakit ikaw hindi? Hahahaha"

"Hindi kaya!"

"Hindi daw.. Kaya pala hinalikan mo ako kanina sa pisngi nung nakaiglip ako."

"H-hindi kaya!"

"Hindi daw.. Hahahaha"

"Hindi nga!"

"Okay lang naman na pagnakawan mo ako ng halik.. Dahil asawa mo naman ako.."

"Asawa ka dyan!"

"Hahahaha i love you asawa ko.."

"I-i love you too.. Asawa k- Waaah ang corny!"

"Hahahahaha"

---

"Tricia.. "

"Hmmmm"

"I Love You."

"I Love You Too "

---

"Tricia! Umuwi na tayo. Umalis na siya. Iniwan ka na niya!"

"Hindi Best! Nangako siya! Nangako siya na hindi nya ako iiwan at sasaktan! Nangako siya! Nangako siya... *sniff* nangako siya eh.. *sniff* Bakit... Bakit..."

--
"Bakit!" whoaa!

Ano yun?

Teka? Umiiyak ba ako? Oo umiiyak ako. Bakit? Bakit ang sakit din ng puso ko? Ano yung mga panaginip na yun? Bakit sobra akong nasasaktan? Bakit hanggang ngayon nararamdaman ko parin yung sakit na yun? *sniff* Bakit nga nya ba ako iniwan? At sino siya? Bakit kahit anong alala ko hindi ko maalala. Bakit?

Bakit???

**********

A/N: A short update guys. Sorry kung medyo lame na naman yung update ko. Wala talaga ako sa mood magsulat ngayon. Dahil sobrang magulo ang utak ko ngayon kakaisip. Mukhang mababaliw na ata ako eh. XD. Nakakainis kasi siya eh! Hayy pasencya na ah. :) Sa susunod maguupdate ako ng mas maganda at mas marami. :) And thank you guys sa pagbasa nyo! Waaah sobra akong natuwa dahil umabot na sa 2 K ung readers ko. Kahit na 2 K lang yun masaya parin ako. Kasi ngayon, alam ko na may sumusuporta ng mga gawa ko. Kaya maraming - marami salamat sa inyong lahat! Pangako ko sa inyo na maguupdate pa ako ng husto dito sa HSMHV. Thank you!

jelly.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon