Chapter 38

717 22 1
                                    

Chapter 38

Nandito ako ngayon sa coffee shop na malapit sa work ko at hinihintay ko si Julius. Napagpasyahan ko na kasi na sabihin sa kanya na itigil na niya ang panliligaw niya saakin.

Itong mga araw na umiiwas ako kay Charles, nagsimula na siyang manligaw sakin. Oo inaamin kong naging masaya din ako nung mga araw na magkasama kami at talagang masasabi kong bumawi talaga siya sa mga taon na wala siya sa tabi ko. At talagang naappreciate ko yun. Pero, hindi parin matatago sa sarili ko na parang ginamit ko lang siya para piliting kalimutan si Charles, pero wala... Hindi talaga kayang turuan ang puso na magmahal ng iba.

Natalo talaga ni Charles ang pagmamahal ko sa aking first love. Akalain mo yun, na ang tagal kong hinintay na dumating siya at matuloy ang naudlot naming pagmamahalan noon. Pero anong ginawa ko? Itatapon ko nalang lahat ng paghihintay ko ng dahil sa pagmamahal ko kay Charles. Grabe talaga ang tama ko kay Charles.

Nagpasya akong tawagan si Julius kanina at makipagkita sa kanya ngayon. Masakit man saakin ang gagawin ko, pero mas lalong ko lang siyang masasaktan pag pinatagal ko ito.

Sorry talaga Julius...

"Hi miss beautiful!" masiglang bati niya sakin pagkalapit niya. Binigyan niya ako ng halik sa aking ulo bago siya umupo sa upuan na nasa harapan ko.

Napakapit nalang ako ng mahigpit sa coffee mug na hawak-hawak ko ngayon. Para bang kumukuha ako ng lakas dito. Shit! Masasaktan ko talaga ang bestfriend ko ngayon! Tama ba talaga ito?!

"Namiss kita Jac... " at binigyan niya ako ng napakatamis ng ngiti. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ang sakit makita na punong-puno ng pagmamahal ang mata niya para sakin tapos anong gagawin ko? Sasaktan ko lang? Shit! Bakit ba ako pinaparusan ng ganito?!

"Kahit na isang araw lang tayong hindi nagkasama namimiss na kita! Nakakaba--"

"Ahmm J-Julius.." nanginginig kong putol sa kanya. Nang pagtamain ko ang paningin namin, may nakita na akong bahid ng kalungkutan sa kanyang mga mata. Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya.. Mukhang alam na niya ang sasabihin ko..

"Dahil ba yan sa lalaking kasama mo kahapon?" biglang tanong niya kaya napalingon agad ako sa kanya.

"T-teka? N-nakita mo ako kahapon?" nauutal ko tanong.

"Lalapitan sana kita kahapon dahil mukhang malalim ang iniisip mo, kaso biglang may humila sayong lalaki." sagot niya at nanahimik siya ng kaunti bago ulit siya nagsalita.

"Dahil ba sa kanya... Kaya ka nakipagkita sakin ngayon?" tanong niya na bahid ng kalungkutan. Tumingin ako sa kanya at saka tumango.

Ngumiti siya ng mapakla. "Mahal mo siya no? Masaya ako para sayo dahil nakakita ka na ng lalaking mamahalin mo." puno ng kalungkutan ang mga sinasabi niya ngayon. At wala akong magawa kundi ang yumuko. Hindi ko narin napigilan ang umiyak dahil nasasaktan ko ang isang taong mahalaga din saakin.

"I'm so sorry Julius.." umiiyak kong sabi sa kanya. Yan lang tanging kaya kong sabihin sa kanya ngayon. Kung kaya lang burahin ng isang 'Sorry' ang sakit na idinulot ko sa kanya, araw - araw akong magsosorry sa kanya.

"Kaya ba pinipilit mong maging masaya habang kasama mo ako?" tanong niya, nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumingin sa kanya. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako nagsalita.

"Hindi yan totoo. Totoo naging masaya ako habang kasama kita. Totoo yun!" bumagsak na naman ang mga luha sakin mata.

Pinilit niyang ngumiti sa harap ko kahit kitang-kita ko sa mata niya ang sakit na idinulot ko.

"Mabuti naman kung ganon. Pero mukhang huli na talaga ako. Napakaswerte niya dahil minamahal mo siya. Pero Jac..." hinawakan niya ang kamay ko at isang malalim na tingin ang binigay niya.

"Lagi mong tatandaan na hindi parin ako titigil ng pagmamahal sayo. Alam ko na yan ang gusto mong sabihin ngayon na itigil ko na ang pagmamahal ko sayo, pero Jac.. Hinding-hindi ko magagawa yun. Mamahalin parin kita hanggang sa abot ng aking makakaya."

"J-julius.." nahihirapan kong tawag sa kanya. Bakit ganito pa yung kinikilos niya? Mas lalo akong nagiguilty sa ginawa ko!

"Sorry Jac.. Sadyang mahal talaga kita. Pero sino naman ako para pigilan ka. Magiging masaya nalang ako para sayo. Pero sa oras na makita ko ulit na malungkot yang mga mata mo.. Hindi na ako magdadalawang isip na kunin ka sa kanya. Tandaan mo yan Jac. Hindi talaga ako titigil ng pagmamahal sayo." sabi niya at saka tumayo at lumapit sakin para halikan ako sa ulo at saka umalis.

Wala na akong nagawa kundi ikulong ang mukha ko sa aking kamay at saka umiyak ng umiyak. Bakit ba kasi nangyayari sakin ito?! Dati hindi ko naman kailangan na mamili o manakit ng tao para sa sarili kong kaligayahan, bakit ngayon kailangan ko pang saktan ang matalik kong kaibigan para maging masaya?

Dati siya lang ang mahal ko, si Julius lang. Kaya nga hindi ako pumapasok sa isang relasyon dahil sa kanya. Nang dahil lang sa isang gabi, nabago ang lahat. Nabago ang ikot ng mundo ko.. Na dati eh napakasimple lang, ngayon naging komplikado na. Pero kahit ganun, masasabi ko na ito ang mga masasayang pangyayari na naganap sa buhay ko.

Dahil nakilala ko siya..

Nakilala ko ang taong kinaiinisan ko ang ugali, pero minamahal ko.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at saka tumayo para umalis. Parating narin kasi si Charles para sunduin ako. At hindi nga ako nagkakamali dahil nasa tapat na siya ng building namin.

Nang magtapat ang aming mga mata, binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na nagpasingkit pa lalo ng mata niya.
Sino bang hindi maiinlove sa lalaking ito? Na kahit napakasungit at conceited eh kung magpakilig wagas..

Tumalikod siya sandali na parang may kinukuha siya sa kotse niya. Pagkakuha niya nun, humarap siya sakin. May hawak-hawak siyang gitara.

Ano kaya pakulo ng isang ito?

Nagsimula na siyang magstrum sa gitara.


♪ You look so wonderful in your dress, i love your hair like that.The way it falls on the side of your neck, down your shoulders and back.♪


Kumakanta siya habang papalapit sakin. Nasa kabilang kalsada kasi ko siya naman nasa kabila. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito dahil sa ginagawa niya.

Nakangiti lang siyang habang kumakanta.


♪ we are surrounded by all of this lies, and people talked too much. You got the kind of look in your eyes, as if no one knows anything but us.. ♪


Unti- unti na siyang lumapit sakin habang hindi mapawi ang ngiti niya sa labi. At ako rin! Na kahit nahihiya na ako ng konti dahil marami nang nanunuod samin at kinikilig din sa ginagawa niya.

Jusko.. Ano bang nakain ng isang ito? At grabe akong pakiligin!!


♪ should this be the last thing i see, i want you to know its enough to me. Cause all of you are is all that i ever need...♪


At ngayon nasa harap ko na siya mismo at hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa sumunod na sinabi niya..


♪ So in love.. So in love.. So in love.. So in love..♪

"I'm so in love with you Jaclyn Jose! And i can't get you out of my mind.. I love you so much sweety.." bigla niya akong hinila at siniil ng malalim na halik. Bago pa ako tumugon ay humiwalay na siya sakin.

Nginisian niya ako. " Ayan na sinunod ko na ang gusto mo.. Liligawan na kita.. So pwede ba akong manligaw mahal ko?"

****

Yehey!! Happy New Year po sa inyong lahat!!

Jelly

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon