Chapter 29 - The Party

839 26 0
                                    

Chapter 29 - The Party

Jackie's POv

"Oh best may isusuot ka na ba mamaya?" tanong ni Tricia habang nag-aayos ng sarili sa salamin.

"Dapat nga wala eh.. Kaso binilan ako ng damit ni RP. Ito oh." at kinuha ko sa box yung dress na binili niya sakin at pinakita ko sa kanya.

"Kyaaaaaaaaa!!! Iba na talaga this best. Parang may something na talaga sa inyo. Parang hindi na kayo nagpapanggap. Parang.. Totoo na!!!! Kyaaa kinikilig ako best!"

"Huwag ka nga mag isip ng ganyan! Walang iba samin no?! At.. At.. Nagpapanggap parin kami! T-tumigil ka nga dyan!" medyo naguutal ko sabi sa kanya.

"Sure ka ba talaga? Na nagpapanggap parin kayo? Oh.. Ikaw ang nagpapanggap na hindi ka nagkakagusto kay Charles? Hmmm aminin... Kilala kita remember?!" panunukso parin ni Tricia sakin.

"T-tumigil ka nga!! A-ako? Magkakagusto sa mayabang, overconfident at.. At.." ano pa ba??

"At ano? At gwapo, sweet at gentleman na lalaking yun? Kyaaa super kilig na talaga ako best! Sa wakas magkakaboyfriend ka na din! I'm so proud of you!!"

"Hindi! Mayabang, overconfident at suwapang na lalaking iyon! Never ko yun magiging boyfriend yun! Itaga mo yan sa bato! Kaya tumigil ka na sa pangaasar sakin sa kanya. Dahil never ko siyang magugustuhan!" sagot ko sa kanya.

Pinagdidiin ko talaga na hinding hindi ako makakagusto kay RP pero sa totoo lang at sa tingin ko..

Nagkakagusto na ako kay RP...

Narealize ko ito noon gabing magkasama kaming nanunuod ng fireworks. Doon ko napagtanto na gusto ko na talaga siya.

Oo, may gusto ako sa lalaking kumuha ng virginity ko. Pangit mang pakinggan pero yun naman talaga ang kinuha niya.. At sa ngayon..

Pati ata puso ko eh kukunin narin niya..

Pero ayoko munang ibigay lahat. Ayokong dumating yung panahon na yun. Ayokong dumating sa puntong hindi na pagkagusto yung nararamdaman ko sa kanya, kundi Love na. Ayoko.. Kasi alam ko na ako rin ang masasaktan sa dulo.

Sa ngayon, ililihim ko muna kay best itong nararamdaman ko kay RP dahil ayoko rin namang lumaki itong nararamdaman ko. Konting tiis nalang Jackie malapit ng matapos ang tatlong buwan. After nun eh makakabalik ka na talaga sa totoong buhay mo. Hintayin mo nalang.

Charles Pov

"Ano naibigay mo ba kay Jackie yung damit na pinapili mo sakin?" tanong ni Amber na kausap ko ngayon sa phone.

Tumawag siya ngayon para tanungin kung kamusta na yung pagbigay ko ng regalo kay Jackie.

Ewan ko nga kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong bilhan si Jackie ng damit. Basta after nung gabi na nanuod kami ng fireworks eh bigla ko nalang kinontact si Amber at inutusan na pilian ng damit si Jackie na pwede niyang isuot mamaya sa party.

"Oo naibigay ko na. Okay na? Pwede ko na bang ibaba?" naiirita kong sagot.

Naiinis kasi ako sa way ng pagbigay ko ng regalo sa kanya. Na hindi ko nalang ibigay sa kanya ng harapan at kailangan pang kumatok sa pinto niya at iwan yung regalo sa harap ng pintuan niya.

Naiinis kasi ako sa kanya. Bakit kasi kailangan niya pang magsuot ng ganung damit. Hindi ba niya nahahalatang pinaguusap at pinagtitinginan siya ng mga lalaki dahil sa suot niya. Kaya sa sobra inis ko eh hinubad ko yung sando ko at binato sa kanya. And i said some rude words to her na hindi ko napigilang sabihin.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon