Chapter 18 - The Plan

846 29 0
                                    

Chapter 18 - The Plan

Charles Pov.

"Sino yun?" tanung ni Megaphone. At kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat.

"Aba'y malay ko kung sinong baliw ang nagpadala sayo ng mga bulaklak." Sino nga kaya yun? Nababaliw na siguro yun.

"Grabe ka naman! Kahit kailan talaga ang sama mo! Hmmp!" sagot nito at tumalikod sakin.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya.

"Ano!" sigaw din nya pero mas malakas yung sigaw nya kaysa sakin. Megaphone talaga!

"Saan mo gustong kumain?" tanung ko.

Bigla itong lumingon sakin.

" Huh?"

"Sabi ko saan mo gustong kumain!" sigaw ko na naman sa kanya! Shit! Sumasakit ang ulo ko sa kanya!

"Seryoso ka?"

"Oo nga! Ano saan mo gustong kumain dahil nagugutom na ako!" Akala niya siguro niyaya ko siyang makipagdate ah. Nagyaya lang akong kumain dahil gutom narin ako. At isa pa.. Paguusapan namin ni Megaphone yung mga plano na dapat naming gawin.

"Hayy.. Kahit saan! " sigaw na naman nya. Hindi nya ba kayang magsalita ng hindi nasigaw? Ang sakit sa tenga eh! >_____

"Eh bakit ka na sigaw?"

"Paki mo ba? Magdrive ka nalang dyan! Hmmmp!"

"Oo na! Manahimik ka na dyan!" at sa wakas hindi na siya sumagot. Humarap nalang siya sa may bintana. Hayy bakit nga ba sya ang pinili ko para maging fake gf ko? Sakit nya sa ulo!

Jackie's Pov.

"Oo nga! Ano saan mo gustong kumain dahil nagugutom na ako!" sigaw niya sakin. Hayy akala ko pa naman niyaya niya akong makipagdate hayy.. Jackie.. Kahit kailan hindi mangyayari yun kaya huwag ka ng umasa okay?

"Hayy.. Kahit Saan!" sigaw ko sa kanya. Waaaah naiinis na naman ako sa kanya! Parang gusto kong umiyak!

"Bakit ka nasigaw?"

"Paki mo ba! Magdrive ka na nga lang! Hmmp!" sabay talikod ko sa kanya. Humarap nalang ako sa bintana para mawala ang pagkabadtrip ko.

"Oo na! Manahimik ka na dyan!" sagot niya. Hindi na ako sumagot dahil naghahalo - halo yung mga emosyon ko. Ewan ko ba.. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng disappointment na hindi siya yung nagpadala ng mga bulaklak kanina. Tapos nadagdagan pa dahil akala niyaya niya akong makipagdate dahil tinanong nya ako kung saan ko gusto kumain, yun pala dahil gutom lang siya at wala siyang intensyon na magyaya ng date.

Akala ko magiging ayos na talaga kami, dahil dun sa mga nangyari sa EK. Kakaiba kasi sya doon eh. Parang hindi sya yung Rapist na nakilala ko na may pagkamayabang at arogante. Parang... Nung mga araw na yun.. Sobrang sweet nya at kinuha niya pa yung teddy bear para sakin. Hayy Jackie naman kasi eh!!! (╯︵╰,) Umaasa ka na naman..

Dinala niya ako sa isang Italian Restaurant. Hindi ako umiimik habang papasok kami ng restaurant. Pagkaupo namin, inabot agad samin yung menu. Tumingin - tingin din ako ng mga pagkain. Pero ewan ko ba.. Parang wala akong ganang kumain eh. Hindi dahil sa ang mamahal ng presyo ng pagkain dito. I just don't like to eat. Wala talaga akong gana.

"Oi anong oorderin mo?" biglang tanung sakin ni Rapist.

"Hindi ko alam. Wala akong gana eh." sagot ko habang tumitingin parin ako sa menu.

"Waiter!" tawag nya dun sa waiter. Siguro siya nalang ang oorder sa sarili niya kasi diba ang sabi ko wala akong gana. Magtutubig nalang siguro ako.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon