Chapter 39

655 19 0
                                    

Chapter 39

[Julius Pov]

"Tanga ka ba pare? Bakit pinakawalan mo? Ayan na oh.. Pinakawalan mo pa? Akala ko ba mahal mo?" naiinis na tanong ng kaibigan kong si Henry.

Napabuntong hininga nalang ako at saka ininom ang alak na hawak-hawak ko ngayon. Nasa bar kasi kami ngayon. Dapat ako lang, kaso nagkita kami ni Henry dito. Dumating na pala galing States itong lalaking to.

"Mahal ko nga kasi kaya ko pinakawalan." lakas loob kong sabi. Kahit kailan kasi hindi naman ako vocal sa mga barkada ko na magsabi ng problema, lalo na ang lovelife ko. Pero alam niya yung tungkol sa kababata kong si Jac.

"Martyr lang? Hindi na yan uso pre! Ang tagal mong hinintay to! Na matuloy ang ang naudlot nyong pagmamahalan ng bestfriend mo tapos pinakawalan mo lang dahil may mahal ng iba? Bakit hindi mo pinaglaban?! Tanga mo tol!" umiiling na sabi niya.

Uminom ulit ako ng beer na hawak ko. Naalala ko na naman ang tagpong nakita ko kahapon sa mall. Kaya ko naman ipaglaban eh, kaya ko! Pero.. Ayoko ng magalit pa siya sakin. Ayokong isipin na naman niya na inagaw ko na ang lahat sa kanya. Na kahit kailan ay hindi ko naman ginawa .

Kaya nagparaya nalang ako kahit masakit.

Ipaglalaban ko naman talaga eh, dahil alam kong hindi naman totoo ang meron sa kanila. Na palabas lang nila yun, kaya nga naglakas ako ng loob na humingi ng isa pang pagkakataon para bumawi sa mga taon na wala ako sa tabi niya. Pero nagbago lahat nang sundan ko sila kahapon.

Oo tanga na kung tanga dahil sinundan ko. Sinundan ko sila kahapon at dun ko nakompirma na kailangan ko ng pakawalan ang babaeng matagal ko ng minamahal.

Kaya nang tumawag siya sakin para magkita kami ay alam ko na kung anong sasabihin niya. Handa na ako sa sakit na ibibigay niya sakin. Handang-handa na ako.. Dahil mahal na mahal ko siya at handa akong pakawalan siya.

Kaya kahit hindi niya masabi sakin na itigil ko na ang panliligaw ko sa kanya, ay ako na mismo ang bumitaw. Masakit man, pero kailangan kong magparaya.

Masakit man na makita ko siya kanina na hinaharanahan at halikan ng kasama niya ay pinilit ko nalang maging masaya. Siguro nga nahuli na ako ng dating. Dahil naunahan na niya ako.

Padabog kong binaba ang bote na hawak ko at saka lumingon ako kay Henry na nakakunot ang noo sakin. " Kaya kong ipaglaban pre! Kaya ko.. Pero ano pang ipaglalaban ko kung hindi naman siya sasaya sakin. At saka.." napatigil ako sa pagsasalita at umiwas ng tingin sa kanya. Uminom ulit ako ng alak. Tangina alak to! Kanina pa ako umiinom pero bakit hindi pa ako tinatamaan! Gusto ko nang makalimutan itong sakit na nararamdaman ko, kahit pansamantala lang!

Inilingon ako ni Henry pabalik sa kanya. "At saka ano Julius? Ano?!" tanong niya.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin. "Ayokong kalabanin siya. Ayoko." tumunga ulit ako.

"Sino?"

I sigh "Basta!" at inilunod ko na ang sarili ko sa alak.

Huwag ko lang makikitang umiiyak si Jac dahil hindi na ako magdadalawang isip na kunin siya. And i swear to God that i will never ever let her go again!

[Jackie Pov]

"Nakakahiya yung ginawa mo kanina.. Kainis ka!" naiinis kong sabi sa kanya.

Paano ba naman isigaw niya sa harap ng building namin na " This girl is belong to me! No one will ever touch her or court her! She is mine only mine!!" sabi niya kanina. Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa kakahiyan pero deep inside eh kinikilig ako sa pagiging possessive niya. Hindi pa kami niyan ah! Nakakakilig lang sabihin niya na pag-aari niya ako, at walang sino man ang pwedeng pumorma sakin.

Lumingon siya sakin pagkatigil ng sasakyan namin. "Eh bakit ba?! Gusto kong malaman nilang lahat na akin ka lang! Walang sinuman ang pwedeng lumapit sayo na lalaki kundi ako lang! Ako lang na boyfriend mo!" at binalik niya ulit ang tingin niya sa harap at pinaandar niya ulit ang sasakyan.

"Hep hep! Anong boyfriend na kita? Pumayag lang ako na ligawan mo ako. Hindi pa kita sinasagot no!" halukipkip ko.

Grabe ang kilig ko kanina nang sabihin niya pumapayag na siyang manligaw sakin at kung pwede ba daw manligaw. Syempre ako aayaw pa ba ako? Eh sa una palang kahit na hindi naman siya manligaw eh sasagutin ko parin siya! Pero hindi ko inaasahan na ganun yung effort na ipapakita niya sakin. Bihira ka lang kasi makakita ng lalaki ngayon na kaya ipakita ang pagmamahal nila sa tao sa public. Kaya sobra akong natouch, kulang nalang eh humagulgol ako sa iyak. Grabe nakilala ko lang si Charles eh naging iyakin na ako.

Ngumisi siya. "Akala ko makakalusot na ako. Hahaha"

Pabiro akong umirap sa kanya at tumingin na sa bintana. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko! Never pa akong naging masaya ng ganito sa tanan ng buhay ko. At ngayon ko lang naramdaman na maging espesyal sa mata ng ibang tao. Except sa pamilya ko at kay Tricia. Pero nang dahil kay Charles, naramdaman kong espesyal din ako sa kanya na para bang hindi siya mabubuhay ng wala ako.

Lumingon ako sa kanya, at nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ulit ang napakagwapo niyang mukha. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Lumingon siya sakin at ngumiti. My Gosh..bakit ba ako binayayaan ng lalaking napakagwapo!

"Basta.. May isa pa akong suprise sayo!" aniya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. " Just seat back ang relax mahal ko.." sabay kindat sakin.

Pwede ba akong himatayin? Jusko! Bakit ganito ang epekto mo sakin! Lalo na pag tinatawag mo akong mahal ko! Baka atakihin na ako sa puso dahil sa pagkalabog ng puso ko ngayon!

Ngumiti ako ng nakakaloko. "Corny mo!" sabi ko. Nakita kong nagpalit ng expression ang mukha niya. Mula sa pagiging masaya, nalukot ang mukha nito dahil sa sagot ko.

"Jackie naman eh! I'm trying my best okay?!" naiinis niyang sabi. Natawa naman ako bigla.

"Hahaha sorry na. Ang cute mo kasi tignan pag naiinis ka. Saka hindi ako sanay na nagiging sweet ka sakin." paglalambing ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at napabuntong hininga. " Pwes.. Masanay ka na." at ninanakawan niya ako ng halik sa lips. Mabilis lang pero ramdam na ramdam ko.

Mabilis na uminit ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Nang matauhan ako, hinampas ko siya ng mahina sa braso. "I-ikaw ah! N-nanamantala ka ah!" nauutal kong sabi.

Siya naman walang awat sa pagtawa. Napahalukipkip nalang ako at tumingin sa bintana. Maya maya tumigil din kami. At sariwa pa sa alala ko ang lugar na ito.

"Diba dito mo ako dinala kahapon?" tanong ko sa kanya pagkababa namin.

"Oo. Napakaespesyal kasi ng lugar na ito sakin. Hindi dahil dito tayo nagkaaminan, kundi dito kami madalas magbakasyon ng pamilya ko noon." sabi niya at medyo may nakita akong bakas ng lungkot sa mga mata niya.

Lumapit ako sa kanya. "Bakit?" biglang tanong ko.

"Anong bakit?" nakakunot noo niyang tanong sakin.

"Bakit may halong lungkot yung pagkakasabi mo kanina na dito kayo nagbabakasyon ng pamilya mo dati?" tanong ko.

Ngumiti siya sakin ng mapakla at umakbay siya sakin. " Wala ah! Guni-guni mo lang yun. Tara na may suprise pa ako sayo" at dinala na niya ako. Siguro hindi pa siya ready na iopen sakin kung ano yun. Pero okay lang.. Hihintayin ko nalang hanggang sa kaya na niyang sabihin sakin.

*****

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon