Chapter 19 - The Mysterious Sender

858 27 2
                                    

Chapter 19 - The Mysterious Sender

Jackie's Pov

"MP. Sunduin kita ulit mamaya aa" pasweet na sabi ni RP short for Rapist.

Napagkasunduan kasi namin na magkaroon ng endearment sa isa't - isa at naiisip ko.. I-acronim nalang namin yung tawag namin sa isa't isa para hindi mukhang pang-asar. Kaya yan. MP and RP short for Megaphone and Rapist. Hindi narin kasi namin kaya na mag-endearment pa ng sweet. Nakakaurat kasi!!

"Okay" nginitian ko siya bago ako bumaba sa kotse nya. Hinintay ko muna siya makaalis bago ako pumasok ng building namin.

Ang bilis talaga ng panahon no? Akalain mo yun.. Isang buwan na pala kaming nagpapanggap ni RP na magkarelasyon. At isang buwan narin kaming umaacting na sweet. Kahit na madalas kaming nagsisigawan pag kami lang ang magkasama at walang sumusunod, at kahit madalas kaming mag-away.

Pero kahit ganun sweet parin siya sakin. Kagaya ng pag hatid - sundo nya sakin, pag-aaya ng date pero nagaaway parin kasi hindi magkasundo kung saan pupunta. Tapos pagbibigay nya sakin ng flower and chocolates every week. Pero hindi naman ako umaasa dun sa sweetness na ipinapakita niya. Dahil alam kong acting lang lahat. Hanggang dun lang yun at hindi na hihigit pa.. Kahit na medyo nagugustuhan ko na siya.

Yeah. I'm starting to like him as a friend ah. Dati kasi ang tingin ko sa kanya enemy at hindi dapat pagkatiwalaan. Pero ewan ko ba.. Lately lang na feel ko na nagugustuhan ko na siya as a friend. Kasi hindi pala siya ganun gaya ng iniisip ko. May soft side din pala siya. Oo may pagkamayabang siya pero minsan in a good way naman. Sana mas makilala ko pa siya ng husto in the future. Kahit na two months nalang ang nalalabi samin.

Pagkapasok ko ng office agad na naman akong sinalubong ni Lyra.

"Oh bakit? Bakit ngumingiti ka dyan? Para kang timang haha" sabi ko sa kanya at nilampasan ko na siya at dumiretso na ako sa table ko. Pero napahinto ako sa nakita ko.

"Haba talaga ng hair mo day! Inggit ako sayo!!" kinikilig na sambit ni Lyra na nasa tabi ko.

Isa pa ito sa mga iniisip ko. Simula nung may nagpadala sakin ng 100 pink roses ay araw- araw na siya nagpapadala dito sa office ng kung anu- ano. Minsan coffee sa buong staff dito sa office at may quote pang kasama na hindi ko na matandaan kung ano un. Minsan lunch ko. Minsan flowers ulit minsan letter minsan chocolates.. At ngayon naman pinagsama-sama niya lahat. At galing lang talaga sa iisang sender.

Kay Mr. Unknown.

Minsan nga kinukulit ko talaga RP kung siya ba ang nagpapadala nun pero iisa lang ang lagi niyang sinasabi. "Hindi ako baliw para magpadala sayo ng mga ganyang bagay araw -araw " yan lang naman.  Ang sweet no? -____-

Pero ewan ko ba.. Tuwing nakikita ko yung effort ng taong nagpapadala nito.. Hindi ko maiwasan ang ngumiti at kiligin. ^o^

"Oh Jackie.. May card ulit sayo.. Kyaa. Sige balik na ako sa table ko. Kyaaaaa!!" At inabot nya sakin yung card at bumalik na ulit siya sa table nya.

Pinagmasdan ko muna yung mga pinadala niya at pagkatapos ay umupo muna ako bago ko binuksan yung card.

      "I really love the way you smile everyday.
Kaya hindi ako mapapagod magpadala sayo ng kung anu - anong bagay na alam kong magpapangiti sayo."

- Mr. Unknown.

At automatic.. After kong basahin ang letter nya ay napapangiti na naman niya ako.

Sino kaya siya?

Bakit ayaw niya pang magpakilala?

At bakit siya nagpapadala ng ganito sakin?

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon