Chapter 7 - The Deal

1.3K 28 0
                                    

Cjhapter 7 - The Deal

(Jackie's Pov)

Nandito kami ngayon sa Starbucks, dito niya ako kinaladkad matapos kaming makita nung mga bodyguards na humahabol sa kanya. Ang ingay ko raw kasi kaya kami nakita. Hmmp! Ako pa talaga yung nasisi ah! Eh siya nga tong may kasalanan, nadamay pa ako. >___<

"Buti naman hindi na nila tayo nasundan. Ang ingay mo kasi megaphone! Narinig tuloy tayo. " sabi niya at saka tumayo sa inuupuan nito. " Oh anong gusto mo? Libre na kita, bayad narin sa paghila ko sayo." dagdag ni Rapist.

"Anong maingay! Anong megaphone?! Megaphone your face! May pangalan aji at hindi Megaphone!" sigaw ko. Asar eh tawagin ba naman akong megaphone!

Pera sana pala hindi nalang ako ulit sumigaw. Kasi dahil sa ginawa pinagtinginan ulit kami ng mga tao. Huwaaaa kanina sa park ngayon naman sa Starbucks! Bakit ba kasi ang ingay mo Jackie eh!

"Oo na! Wag ka ng sumigaw! Pinagtitinginan na naman tayo eh. Hayy..." bumuntong hininga siya bago ulit nagsalita. " Hoy ano bang gusto mo?" tanong niiya ulit.

"Bahala ka na umorder." lumapit ako ng kaunti sa kanya. "Teka bakit ka ba nila hinahabol?" tanong ko.

"Mamaya ko na sasagutin niyan." tinulak niya ako paupo. " maupo ka muna dyan at magoorder lang ako." sabi niya at umalis na sa table namin.

After 5 mins. bumalik na siya sa table namin na may dalang dalawang coffee jelly at dalawang cheese cake. Huwaaaa cheese cake! My favorite!!

"Oh ayan na. Hindi ko alam kung anong gusto mong pagkain kaya yan nalang yung inorder ko." sabi nito pagkaupo niya. Inabot niya rin sakin yung isang slice ng cheese cake at coffee jelly.

"Ayos nga ito eh! Sa katunayan nga favorite ko itong cheese cake na inorder mo." at kinuha ko yung tinidor at sinimulan ko ng kainin yung cheese cake. Hmmmm ANG SARAAAAP!!!

"Ang sarap! Thank you!"

"Marunong ka pala magthank you, last time kasi -" hindi na niya natuloy yung sinasabi niya dahil padabog kong ibinaba yung tinidor na hawak hawak ko.

"Sa tingin mo magtethank you ako sa lagay na yun? Wow ah! Ako na nga yung nawalan tapos ako pa yung magtethank you? Kapal ah! Binabawi ko na yung thank you ko! Ang yabang!" sabi ko at kinuha ko ulit yung tinidor ko at kumain ulit ng cheese cake. Hayy buti nalang may cheese cake dito, kundi kanina ko pa ito sinapak!

"Parang virginity lang naman yung nawala" bulong niya na narinig ko naman.

Tumigil ako ulit sa pagkain at tiningnan ko siya ng masama. Anong parang virginity lang! Para samin mga babae mahalaga yun! Palibhasa wala naman mawawala sa inyo!

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Sige Jackie konting tiis pa! Kaya mo yan!

"Bakit ka ulit hinahabol nung dalawang bodyguard kanina?" tanong ko. Iniba ko na yung topic dahil baka hindi na ako makapagpigil at baka masapak ko ito.

Tumigil siya sa pagkain at uminom muna bago magsalita.

"Tinakasan ko kasi yung kablind date ko." sagot niya at pinagpatuloy ulit ang pagkain niya.

"Blind date? Bakit mo naman tinakasan? At ano naman ang kinalaman ng dalawang bodyguards na yun?" tanong ko

"Pwede isa-isa lang ang tanong?"

"Sorry.."

Inubos muna nito ang kinakain niya bago ulit magsalita.

"Lola ko kasi ang may pakana nung blind date na yun. Pinagaasawa na kasi ako kahit ayoko pa, kaya tumakas ako. Yun naman ang lagi kong ginagawa noon eh. Kaso ngayon may pinagkaiba dahil pinapasundan na niya ako ng mga bodyguards niya." paliwanag ni Rapist.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon