Chapter 1 - My Life

2.4K 48 0
                                    

Chapter 1 - My Life

"Jackie 29 years old ka na anak wala ka paring boyfriend, baka tumandang dalaga ka niyan" sabi ni mama habang nagluluto sa kusina.

Hayy ayan na naman si mama eh. Lovelife ko na naman ang pinoproblema. Lagi nalang isyu sa kanya yan hayy..

"Mama eh sa wala pa po nagkakamaling manligaw eh" sagot ko at saka umupo.

"Yan naman ang lagi mong sinasabi anak eh! Naunahan ka na ng mga kuya mo." sabi ni mama habang patuloy parin sa pagluluto ng ginatan. hmmm sarap my favorite. ^_^

"Mama pwede po ba huwag ninyo na lang po pakielaman ang lovelife ko. Baka lalo pang walang manligaw sakin niyan eh." sagot ko at iniwan ko na siya.

Kasi pag hindi ko pa iniwan si mama, mas hahaba pa ang usapan. Mababadtrip lang ako.

Ay by the way I'm Jaclyn Jose or Jackie, tunog artista no? Nanay ko lang naman ang may pakana niyan. Masyado niya kasing paborito si Ms. Jaclyn Jose yung artista. Kaya lahat kaming magkakapatid ay may "JAC" sa pangalan. Hindi naman siya tinutulan ni papa nung nabubuhay pa ito.

Namatay kasi si Papa sa isang car accident noong 7 years old pa lang ako. Labis kaming nagdalamhati ng nawala si papa, kaya nagsikap si mama na maitaguyod niya kaming magkakapatid.

Back to the previous isyu, tatlo kaming magkakapatid.

Si Kuya Jac Vincent Jose ang panganay, si kuya Peter Jac Jose ang pangalawa and last ang nagiisang prinsesa at ang bunso ay walang ibang kundi ako. hehe ^_^

Diba lahat kami may "JAC" sa pangalan at nagkataon pa na ang apelido ni papa ay Jose, so tuwang tuwa si mama. Hayy kung hindi niya lang alam, lagi akong tampulan ng tukso noong bata pa ako. Lagi nila akong binubully, noong una hindi ako lumalaban pero simula nung may taong nagsabi sakin na matuto akong lumaban at huwag papaapi kahit kanino ay natuto akong makipag away. So ang effect lahat ng lalaki sa school ko noon ay takot sakin kasi may pagkasiga ako. ^_^ Kaya isa yun sa dahilan kung bakit NBSB parin ako ngayon.

Naputol ang pababalik tanaw ko ng tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko si Tricia ang tumatawag.

Si Tricia Beatrice Jimenez ay ang aking bestfriend since birth. Kasi naman magbestfriend din ang mga mga nanay namin, at parehas ding die hard fan ni Ms. Jaclyn Jose pero mas die hard ang nanay ko, obvious naman diba?

"Hello best why?" tanong ko ng masagot ko yung tawag.

"Best gimik tayo mamaya. Ipapaalam kita kay tita. " sagot ni Tricia

"Hmm sige, iintayin kita dito." sagot ko.

"Yehey.. Mga 8pm nandyan na ako bye best." sabi ni Tricia na tuwang tuwa

"ok bye" sagot ko at binaba na niya.

Tiningnan ko ang wrist watch ko, 5 o' clock palang ng hapon. May 3 hours pa ako para makapag ayos.

Saturday kasi ngayon kaya wala akong pasok. Nagtatrabaho ako sa kompanya nila Tricia bilang manager ng isang department at masuwerte talaga ako dahil ang boss ko ay walang iba kundi si Tricia. Kaya kahit na minsan umaabsent ako dahil sa puyat dahil lagi kaming nasa bar ay ok lang sa kanya. Kasi ganun din daw siya. hahaha pasaway talaga kami.

Bumaba na ako sa kwarto ko para kumain ng meryenda. Sana hindi na ungkatin ni mama ang pagiging loveless ko.

Naabutan ko si kuya Peter na nasa kusina at kumakain ng ginatan na ginawa ni mama.

Bihira ko nalang makita sila kuya dito sa bahay. Kasi si kuya Jac may sarili ng pamilya, si Kuya Peter naman nagtatrabaho sa isang call center at malapit narin siyang ikasal.

Binati agad ako ni kuya ng tumabi ako sa kanya.

"Hey my baby sister!!" sabi ni kuya pagkaupo ko.

"Baby sister ka diyan! Hindi na ako baby! >_<" sabi ko.

"Kahit na baby ka parin namin!"at ginulo niya ang buhok ko.

"Ay asar naman si kuya eh." sabi ko na kunwari naiinis.

Si kuya Peter ang pinakaclose ko saming magkakapatid. Close ko din si kuya Jac, pero hindi kasing close ni kuya Peter.

6 years older sakin si kuya Peter, si kuya Jac naman 10 years. Laki ng agwat ng age namin no? Yan ang family planning! Hahahaha xD

Si kuya Peter kasi ang naging tatay - tatayan ko nung nawala na si papa. Siya kasi ang lagi kong kasama pag wala si mama. Si kuya Jac naman lagi ding wala, laging nasa barkada niya. Kaya ganito ang closeness namin ni kuya Peter, kaya hanggang ngayon baby sister parin ang tawag niya sakin. Kaya sobra ko itong mamimiss pag nagpakasal na ito.

"Kamusta ka na kuya? Tagal kitang hindi nakita" tanong ko habang kumakain ng ginatan na niluto ni mama.

"Busy kasi si kuya baby, dami kong inaayos pati narin yung kasal namin ni ate Cynthia mo inaayos ko din." sagot ni kuya.

"Kailan po ba ang kasal ninyo ni ate Cynthia? " tanong ko.

"Next year pa, mga Febuary. Pero habang maaga pa kailangang maisaayos na." sagot ni kuya at tumayo para kumuha ulit ng ginatan.

"Ahhh" Hayy mamimiss ko talaga si kuya. T.T

"Ikaw kailan mo balak magpakasal?" tanong niya at bumalik sa tabi ko.

Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni kuya. Hayy kuya pati ba naman ikaw?! >_<

"Kuya ikaw ba yan? Oh sumapi sayo ang kaluluwa ni mama? Parehas kasi kayo ng tanong eh. Mas malala lang yung sayo. Kay mama bf lang ikaw kasal agad?" sabi ko at tinarayan ko siya.

"Aba tinatarayan na ako ng baby sister ko ah." say niya at bigla akong kiniliti.

Napatayo ako sa ginawa ni kuya. Baliw talaga ito. >_<

"Kuya naman eh!" sigaw ko

"Hahaha! Basta pag may nanliligaw na sayo ipakilala mo sakin at ng makilatis ko ang lalaking yon!" sagot niya at tumayo para pumunta sa sala.

"Asa ka pa na magkakabf ako agad!" sigaw ko.

Narinig ko lang siyang tumawa. Adik talaga yun, pati ba naman siya yun ang iniisip? Hindi pa naman ako ganun katanda ah!

( malapit ka lang naman mag thirty.) sabi ng konsensya ko.

"Ganun ba? ayy ewan! bahala na nga?!" sigaw ko sa sarili ko.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon