Chapter 11 - Fake Girlfriend Operation part 2

1.2K 29 0
                                    

Author's note : Hi guys! Sorry dahil matagal ako bago ulit nag-update. Sobrang busy kasi ako, tapos wala pa kaming internet connection, tapos pabago - bago pa ang plot ng story ko. Gulo kasi ng utak ko eh. Daming iniisip. Sorry talaga! Babawi nalang ako. Dadamihan ko nalang yung mga chapters na iuupdate ko. Pasensya na talaga... Sana suportahan ninyo parin ito. Thank you. :)

Chapter 11 - Fake Girlfriend Operation part 2

Jackie's Pov

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagpapahinga. Grabe buti nalang nakalusot ako kanina dun sa mga tanung nila sakin. Sobrang nahot seat ako!

*flashback*

"Sino yung naghatid sayo huh? Ikaw Jackie ahh diba sabi ko sayo kung may manliligaw ka dadalhin mo dito sa bahay! Sino yun?!" sabi ni Kuya Peter.

"May naghatid kay Jackie na lalaki kanina?" biglang sabat ni mama na may hawak pa ng sandok.

Talaga bang ganun kaseryoso to? Na kailangang mapalabas pa si mama mula sa kusina dahil sa sinabi ni kuya? Ganito ba kabigdeal ito na may naghatid sakin na lalaki? Sabagay wala pa naman talagang naghahatid sakin na lalaki kundi siya palang. Ang laging naghahatid sakin ay si Tricia...

Ayy speaking of Tricia... Hindi yun umuwi noon natulog ako sa kanila. Kahit paggising ko wala akong Triciang nakita. At hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam sakin yung babaitang yun. Baka mamaya nagpakamatay na yun o kaya nasalvage? o kaya narape.. o kaya... Waaaaah ano ba itong pinagiisip ko? Puro negatives! Think positive lang Jackie.. Ayos lang si Tricia.. Ayos lang yun...

"Sino yun Jackie!"

"Ayy kabayong natuklaw! Kuya naman eh! Huwag kang mang-gulat. Mamatay ako sayo ng hindi oras eh!"

Langya talaga tong si Kuya Peter oh! Sumigaw ba naman.. Nagulat tuloy ako! (>y<)

"Jackie!" seryoso at nakakatakot na tawag sakin ni Kuya. Pag ganyan na siya tumawag ibig sabihin galit na yan at kailangan mo ng magpaliwanag sa kanya.

Waaaaah!!! Patay ako!! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Sasabihin ko bang fake boyfriend ko yun na nakakuha ng virginity ko? Ay hindi - hindi Jackie!! Baka gusto mong mapatay agad!

Ting!

Alam ko na! Sana kumagat!

"Kuya wag ka nga maparanoid dyan! Hindi ko manliligaw yun at lalong hindi ko boyfriend yun! Ahmm ano siya ay..." Sana kumagat!! sana kumagat!! *crossfingers* O(≧∇≦)O

"Siya ay ano?" tanung niya.

Waaah nanginginig ako!!!

"Jackie!"

"Company driver!!"

Oo company driver! Sorry Charles!

"O-oo c-company driver namin yun. Naiwan ko kasi yung wallet ko kila Tricia kaya nagshuttle ako. Tapos nagkataon na taga dito din yung driver kaya hinatid na nya ako dito sa bahay" Please!!! Sana kumagat!! (>y<)

"Company Driver lang naman pala yun Peter eh. Huwag ka ng magalit sa kapatid. Saka matanda na yan. Hayaan mo na siya makipagdate o magpaligaw. Saka hindi naman magsisinungaling satin si Jackie eh. Diba anak?" tanung ni mama.

"O-opo Ma." sorry ma! ╥﹏╥

"Siguraduhin mo yan Jackie ah. Sige na pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na." utos ni kuya.

Pagkasabi niya nun ay kinuha ko na ang gamit ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

*end of flashback*

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon