Chapter 48

657 24 0
                                    

Chapter 48

"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Charles habang naglalakad kami palabas ng subdivision.

Huminto ako at tumingin sa kanya. Tuloy-tuloy parin ang tulo ng luha ko habang nakatingin sa kanya.

Pinunasan niya ang luha ko habang nakatingim din sakin. "Tsk huwag ka nga umiyak dyan! Pumapangit ka!" sinusubukan niya akong patawanin pero walang epekto.

Bigla ko nalang siya pinaghahampas-hampas. "Sira ka! Bakit ganun ang sinabi mo sa Lola mo! Bakit pinili mong itakwil ka! Bakit mas pinili mo ako kaysa sa pamilya mo! Bak-"

"Kasi ikaw na ang pamilya ko ngayon!! Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi ko kayang mawalay sayo! Ilang beses ko na sinabi sayo na sobrang mahal kita na higit pa sa buhay ko! Wala akong pakialam kung itakwil man nila ako, wala akong pakielam kung tanggalin nila lahat ng nakasanayan ko! Wala ako pakiealam kung anong gawin nila! Basta huwag lang ako mawala'y sayo! Mahal na mahal kita Jackie at hindi ko ka alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko. Hindi ko alam..." narinig ko nalang nahumihikbi na siya. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at sabay kaming umiyak.

Pinatuloy ko muna siya sa bahay dahil ayaw niya sa condo. Simula ngayon tinatakwil na niya bilang isang Harrison. Wala si Mama sa sala kaya dire-diretso kaming umakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok, pinagmasdan niya ang buong kwarto ko at biglang ngumiti sa isang bagay na nakita niya.

"Katabi mo ito matulog?" tanong niya at kinuha nya.

"Oo. Yan ang unang bagay na binigay mo sakin." at kinuha ko mula sa kanya yung teddy bear at niyakap.

"Psh. Ang swerte naman niyang teddy bear na yan!" pagtatampo niya at nahiga sa kama ko.

Natawa nalang ako at pumasok na ako sa Cr para magbihis. Paglabas ko, nakatitig lang sya sa kisame.

Tumabi ako sa kanya "Anong iniisip mo?" tanong ko.

"Bumukod na tayo Jackie. Magsama na tayo." sabay tingin sakin. Halatang seryoso siya sa sinabi nya.

Tinitigan ko siya at determinado siyang magsama kami. Yumuko ako at hinalikan siya sa labi. "Oo sige. Magsama na tayo."

Hinalikan niya ulit ako at pinagsaluhan ulit ang aming pagmamahalan.

****

Isang buwan mula ng bumukod kami. Isang maliit na bahay lang siya na tamang-tama lang samin. Sinuportahan naman kami ng mama ko at mga kuya ko sa gusto namin kaya hindi na naging mahirap samin.

Masaya naman ang pagsasama namin. Puno ng tawanan, asaran at syempre hindi mawawala ang pag mamahalan namin. Nagtatrabaho narin sya. Unti -unti narin nakakaadjust sa ganitong buhay si Charles pero lately pansin ko lang na gabi na siyang umuuwi at laging malalim ang inisip.

Nung una iinisip ko lang na baka sa trabaho niya dahil kaya gabi na siya nauwi. Pero hindi talaga ako mapakali, parang may mali. Kaya minsan naglakas loob akong sundan sya kung saan siya nagtatrabaho para matapos na itong nararamdaman ko. At napaiyak nalang ako sa nakita ko.

Umaalis siya ng bahay na nakaformal attire pero nagpapalit ito ng damit pag dating sa isang construction site at nagumpisa ng maghalo ng mga semento. Ang dating mayabang at sopistikadong tao na siya lang ang nag-uutos noon ngayon siya na ang inuutusan. Hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya umuwi na ako sa bahay. Hindi ko alam na ganung klaseng trabaho ang pinapasukan niya ngayon. Alam ko may kinalaman si Mamita dito. At labis labis na ang pahirap na ginagawa niya sa apo niya.

Nagpanggap nalang ako na wala akong alam sa trabaho niya. Nagpanggap nalang ako na sa isang opisina siya nagtatrabaho. Dahil alam ko lahat ng ito ay ginagawa niya dahil mahal niya ako. At kahit anong mangyari ay hindi ako bibitiw sa laban na ito.

Pero sadyang mahina talaga ako... Dahil sa narinig ko.. Handa na akong bumitiw para hindi siya mahirapan pa.

Gabi na siya umuwi ng araw na un, at ako nagtulog-tulugan lang ako dahil nagagalit siya pag hinihintay ko pa siya.

Narinig kong parang may kinukuha siya sa cabinet namin. Dumilat ako ng konti para makita kung ano un. Mabuti nalang at dim ang ilaw at hindi halatang gising pa ako.

Isang maliit na box yun. May dinukot siya sa bulsa niya at nilagay sa lamisita. Binuksan nya yung box at nakita ko na puro pera ang laman nun at nilagay niya ung isang maliit na sobre na galing sa bulsa niya dun.

"Konti nalang.. Mapapakasalan na kita Jackie.." narinig kong bulong niya at hindi ko maiwasan ang umiyak. Nagpapakahirap siya sa trabaho para lang matupad ang pangarap ko na maikasal sa simbahan. Mas lalo akong naiyak na ng maghubad sya. Na dati ay sobrang matipuno ang ang katawan niya, ngayon ang laki na ng pinayat nya tapos puno na ng salonpas ung likod nya. Sobrang awang -awa na ako. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Alam ko ang unfair ng gagawin ko sa kanya. Pero ito lang ang tanging paraan para bumalik siya sa dati. Kahit na masasaktan ko siya.

Gagawin ko ito dahil sobrang mahal ko siya. Pero kung ganito lang.. Kaya kong bitawan siya..

I'm sorry Charles..

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon