Chapter 24 - Bati na tayo?

938 24 0
                                    

Chapter 24 - Bati na tayo?

Jae's POV

"Trish.. Akin na yang mga gamit mo ako na ang mag-dadala." sabi ko kay Tricia pagkabigay samin ng susi. Magkahiwalay ang direksyon ng kwarto namin. Kami ni Charles sa may west wing sila naman ni Jackie sa east wing.

Malaki kasi itong resort nila Charles. Hindi ko alam kung gaano kalaki, basta malaki siya. At kahit sobrang laki nitong resort nila napupuno parin. Wala na nga vacant rooms eh, kasi holiday ngayon at marami ang nagbabakasyon at nagrerelax.

"Huwag na Jae. Kaya ko naman eh. Yung kay Jackie nalang ang bitbitin mo." sabay turo niya sakin ng mga gamit ni Jackie. "Teka nasaan na ba kasi sila? Akala ko ba susunduin ni Charles si Jackie? Bakit ang tagal nila? Hindi naman masyadong malayo ang pinagdalhan sakin ni Best kanina eh." sabi nito na tila nag-iisip.

"Ewan ko nga. Ay teka ayan na si Charles." sabi ko. Natatanaw ko na siyang papunta dito, kaso ang pinagtataka ko.. Hindi niya kasama si Jackie.

"Teka bakit wala si Jackie? Huwag mong sabihin na hindi niya nakita si Best?" tanung niya.

"Hoy Charles! Nasaan si Jackie? Nakita mo ba?" tanung ko kay Charles pagkalapit samin. Pero ni Ha o Ho hindi siya sumagot. Kinuha lang niya ang gamit niya at iniwan na kami ni Charles sa lounge.

"Anong nangyari doon? Hindi kaya nag-away sila? Hindi kasi maipinta ang mukha ni Charles." sabi ko. Si Tricia naman hindi mapakali.. Mukha nag-aalala kay Jackie.

"Wait lang Jae ah! Hanapin ko lang si Best. Nag-aalala kasi ako eh. Dyan ka lang ah!" at tumakbo na siya palabas dito sa hotel at iniwan ako mag-isa dito para magbantay ng mga gamit nila. Hays.. Pero mukha nga talagang nag-away sila Charles at Jackie. Sa itsura palang kasi ni Charles, halatang nag-away nga. Pero ano naman kaya ang pinag-awayan nila? Ano kaya?

Jackie's POV

"*sniff* Bakit ang sakit niya mag-salita? *sniff* Anong akala niya sakin? Bitch? *sniff* Nakakainis talaga siya! Wala parin siyang pinagbago! Nagpapakilala lang ang tao, nakikipaglandian agad? Hindi naman siguro mamasamain ng nagmamasid samin kung makipagkaibigan ako. Masama na ba ang makipagkaibigan ngayon? Lalo na kung lalaki? Grabe talaga siya! Nakakabwisit siya!! Waaaaah!!" sigaw ko habang nakaupo ako sa mga bato malapit na sa dagat. Para nga akong tanga dito eh. Kinakausap ko ang sarili ko, minsan ang mga talangkang nakikita kong sumisilip sa mga gilid ng bato.

Naasar kasi ako eh. Ang sakit niya talaga magsalita. Malandi? Hindi ako malandi! Kung malandi ako edi sana may boyfriend na ako ngayon. Yung matinong boyfriend. Yung totoo! Hindi yung katulad ng ganito!

*gruuuuu*

Shemay.. Nagugutom na ako! Sandwich lang kasi yung inalmusal ko. At hindi naman kami nagstop over kanina para mag-almusal. Ang dahilan kasi ni kupal, para daw mapabilis at marami daw pagkain dito. Eh ayokong bumalik doon! Ayoko siyang makita! Galit parin ako sa kanya. Hindi man lang siya nag-sorry sakin. Oo alam kong may mali din ako dahil mukhang nasagad ko siya kanina dahil nagskandalo ako. Pero mas malala naman ang ginawa niya, at mas nakakahiya.

Pero mapapakain ba ako ng pride ko kung mananatili lang ako dito?

*grrruuuuuuuuuu*

Shit! Nagrereklamo na talaga ang tiyan ko! Tsk. Basta hindi muna ako babalik doon! Mamaya nalang siguro.

"Tiyan.. Huwag ka munang magreklamo dyan. Makakakain ka din! Stand by ka lang huh!" sabi ko sa tiyan ko habang hinihimas ito. Parang buntis lang?

Tsk, ganito talaga ang side effect pag nagugutom ka. Pati sarili mo kinakausap mo. Kung may dumadaang tao siguro dito, nagmukha na akong baliw sa mata nila. Hayss.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon