Chapter 43

732 22 0
                                    

Chapter 43

"Salamat sa paghatid mahal. Mamaya ulit." i said and then i lean forward to kiss him on the lips.

Napangiti siya dahil sa ginawa ko. "Okay." nakangiti niyang sagot at saka bumaba na ako.

Hinintay ko munang umalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa building namin.

2 weeks na ang nakakalipas since nung sinagot ko sya. At sa 2 weeks na yun mas lalo namin nakilala ang isa't isa. Mas lalo kaming naging sweet. Lagi narin siyang pumupunta sa bahay at nakikipagkulitan sa mga kuya ko. Ang sarap sa feeling ng mga ginagawa niya sakin, at dahil dun mas minamahal ko pa siya.

Nakangiti akong dumating sa office ko at nandatnan ko dun si Tricia na 2 weeks kong hindi nakita.

"Long time no see my friend." nakangiti niyang sabi habang nakaupo sa swivel chair ko.

"Long time no see.." sagot ko.

"Wow best! Blooming na blooming ka ngayon! Ganyan ba ang nagagawa pag in love?" natatawang sabi nya.

Natawa rin ako sa sinabi niya. "Well, siguro nga. Grabe best.. Sobrang mahal na mahal ko na talaga siya!"

"I know. Halata naman sayo! Saka ginawa mo pa akong Mico ah! Minsan ka na nga lang tumawag sakin, pagpapanggapin mo pa akong Mico!"

"Sorry best! Ayaw kasi akong kausapin ni Charles nun, kaya ang ginawa ko pinagselos ko. Hindi ko naman alam e-effect sa kanya."natatawa kong sabi at inalala ulit ang tagpong yun.

"Well atleast happy na kayo! Sabi ko na nga ba dyan din talaga kayo babagsak eh. Oh sige na babalik na ulit ako sa office ko. Dumaan lang talaga ako dito para kamustahin ka. At sa nakikita ko eh ayos na ayos ka!" tumayo na siya sa upuan ko at niyakap ako.

"Thank you Tricia! " at gumanti din ako ng yakap.

Natapos ang araw ko na hindi nawawala ang ngiti sa aking labi, kahit na may mga mabibigat kaming problemang kinakaharap ngayon sa kompanya eh nanatili parin akong masaya.

Siguro ganito talaga pag in love. Lagi kang masaya!

Habang busy ako sa pagaayos ng gamit ko, nakatanggap ako ng text galing sa mahal ko.

Charles Pangit
I'm here! Namimiss na kita!

Hanggang ngayon hindi ko parin pinapalitan ang pangalan niya sa cellphone ko. I find it more attractive pag ganyan ang nilagay ko. Hahaha!

Agad akong nagpaalam sa mga kasamahan ko at saka bumaba na ako pag makita ang prince charming ko.

Sumakay agad ako sa kotse niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Hello! Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya. Siya naman iniistart na ang kotse.

"Nope, kakarating ko lang. Hatid na kita sa inyo?" tanong niya habang nagdadrive.

"Hmmm. Parang ayokong umuwi sa bahay. Wala akong kasama dun eh."

Wala kasi si Mama ngayon dahil sinama ni Kuya Jack sa outing nila. Kaya mag-isa lang ako dun, ayoko kong umuwi samin dahil malungkot.

Napatingin siya sakin. "Gusto mo doon tayo sa condo ko?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti. "Sige! Pero bago yun daan muna tayo sa supermarket!"

Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Anong gagawin mo dun?"

"Basta!"

After a few minutes dumating ka kami sa supermarket, nagpark lang siya saglit at saka kami bumaba.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon