Chapter 25 - Feelings

977 24 0
                                    

Chapter 25 - Feelings

Jackie's Pov

"Jackie... Sorry talaga sa mga nasabi ko sayo. Alam kong wala akong karapatan sabihin iyon sayo dahil hindi ko talaga kilala kung sino ka at alam kong hindi ka ganun. Hindi ka malandi. Dahil ibang - iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Ibang - iba. Kaya sana mapatawad mo ako. Alam kong napakaimmature ng sasabihin ko pero.. Jackie.. Please bati na tayo.. Please..." sabi niya habang hawak parin niya ang kamay ko.

Hindi ko alam kung anong nafefeel ko. Sobrang naguguluhan ako. Oo inaamin ko na hindi na ako galit kay Charles. Actually kahapon palang hindi na ako galit sa kanya eh. Simula ng bumalik ako dito sa hotel, hindi na ako galit sa kanya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi ko maintindihan? Bakit ayokong tumingin sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayong nagsosorry siya sakin? Nararamdaman ko yung sincerity niya sa pagsosorry niya sakin. Pero ano itong nararamdam ko? Ano ito kakaibang nararamdam ko? Bakit natutuwa na kinikilig ako? Ano ito!? Taena.. Parang mamatay na ata ako!!

"Hoy Jackie ano.. Bati na kasi tayo. Sorry na doon sa kahapon. Uy. Tumingin ka nga sakin!" sabi niya habang hinihila nya ako paharap sa kanya. Pero nanatili parin akong nakatalikod sa kanya.

"A-ayaw k-k-ong tu-t-tumingin!" nauutal kong sagot. Taena. Ano ba ito!

"Ahhh ayaw mo?? " naramdaman kong tumayo siya at bigla niya akong hinigit paharap sa kanya.

"A-ano ba!" sabi ko habang nakayuko. Tsk bakit ba ayoko siyang tignan?

"Bakit ba ayaw mo akong tignan! Uy! Huwag kang yumuko! Tumingin ka sakin.. Please.." sabi niya habang pilit niyang inaangat ang ulo ko. Ako naman nakapikit. Taena talaga!!

"Isa! Tumingin ka sabi sakin eh!" sigaw niya sakin. Kaya napilitan na akong tumingin sa kanya. Unti-unti kong binubuksan ang mga mata ko. At ewan ko ba bakit ganito yung nakikita ko. Parang may liwanag na bumabalot sa kanya. Pusanggala naman oh!

Nang maidilat ko ang mga mata ko, nakatitig lang ako sa kanya.

"Buti naman tumingin ka na sakin." at ngumiti siya. Bakit ngayon ko lang napansin na mas gumagwapo siya pag ngumingiti siya.

Tumitig din siya sa mga mata ko. " Jackie.. Sorry. Bati na tayo please.." seryosong sabi niya habang nakahawak siya sa balikat ko.

Juicecolored! Ano po ba ito! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko! Para akong aatakihin! Ano po ito! Parang hindi ako makahinga! Shit! Ano ba itong ginagawa mo sakin RP! Ano ba ito! Bakit feeling ko maiiyak ako na kinikilig na natutuwa na nalulungkot na ewan!!! Halo-halo! Shit ano ba ito RP!!!

"Jackie.. Uy sumagot ka!!" sabi niya habang inaalog niya ako. Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko... Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at tumakbong palabas ng kwarto niya. Dahil pag nagtagal pa ako doon eh baka mamatay na ako sa sobrang bilis ng takbo ng puso ko. Taena... Ano ba itong ginagawa mo sakin Charles!! Ano ito!!

Charles Pov

Shit! Ano bang problema niya? Nagsosorry na nga ako, ayaw pa niya akong tignan at tinakbuhan pa ako! First time kong magsorry at kainin lahat ng pride ko tapos ganun lang ang gagawin niya? Dati rati, kahit ako ang may kasalanan, babae ang nagsosorry sakin at hindi ako. Pero ewan ko ba kung bakit ganito ang epekto ng babaeng ito sakin.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako napuyat dahil sa pinaggagawa niya kagabi. Actually imbento ko lang yun. Nagsinungaling ako kay Jackie. Wala talaga siyang ginawang ganun. Oo totoo na sinukahan niya ako. Pero hindi totoong nangugulo siya o ikot ng ikot kung matulog. Ang totoo, simula ng bumagsak siya sa sahig dahil sa sobrang kalasingan eh tulog na tulog na siya. Hindi na siya nagising o nanggulo. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya. Pero siya ang dahilan kung bakit ako napuyat. Dahil ayaw niyang mawala sa isip ko. At hindi ko alam ang gagawin ko para magkaayos kami. Buong gabi ko lang siyang tinititigan at iniisip ang dapat sabihin sa kanya. Pero pucha! Kung kailan nagkalakas na akong sabihin sa kanya.. Ayaw niya akong tignan at tinakbuhan pa ako. Taena Jackie! Ano bang gagawin ko sayo! Bakit feeling ko.. Nababaliw na ako sayo.. Ano ba ito nararamdam ko sayo? Bakit ang lakas ng epekto mo sakin? Sa loob ng isang buwan na pagsasama natin sa kasinungalingan ito.. Ano itong ginawa mo sakin? Ano ito?

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon