Chapter 28 - Before The Party

752 22 0
                                    

Chapter 28 - Before The Party

Jackie's POV

"Okay Jackie kaya mo yan. Just act normal. Be yourself. Just be yourself!!! Wag kang magpapatalo sa mararamdaman mo!! Just act normal okay!! " para akong tanga na kinakausap ang sarili sa harap ng salamin.

Takte naman kasi eh!!? Bakit naman kasi kailangan pa ng ganito? Hindi ba pwedeng t shirt nalang? O kaya sando? Sando maatim ko pang isuot..

Pero ito? Parang isinusuko ko na sa kanila yung katawan ko!! Si Tricia kasi eh! Bakit ba ganito ang binili niya sakin!! (>д<)

Alam nyo ba kung bakit ako nagkakaganito?

Ngayon na kasi yung araw na nagpasyahan namin na magsuot ng two piece ni best, at naknang pusa naman.... Akala ko maayos yung binili niya sakin. Pero mali ako ng akala..

Flashback

"Best this is the day!!" gising niya sakin with matching alog alog sa aking katawan.

"Huh? Bakit anong araw ba ngayon? " sagot ko habang nag-uunat sa kama.

"This is the day!!" ulit niya. Anong day nga???

"What day nga?! Pusanggala naman oh. Ano nga yun? Gigisingin mo lang ako para dyan sa 'This is the day' mo! Kung hindi importante yan eh.. Pwede bang patulugin mo ulit ako? Doon ka na shoo.." at sabay taklob ng unan sa mukha ko.

Tinanggal naman nitong babaeitang ito.

"Sungit naman nito?! Don't you remember? Na this is the day na magsusuot tayo ng two piece?"

Bigla akong napabangon sa sinabi niya.

"What did you say?"

"Wow napaenglish ka bigla. Hahaha sabi ko ngayon tayo magsusuot ng two piece. Kasi last day na natin dito at bukas eh back to Manila na tayo."

"You're not kidding right? Aray!" bigla ba naman akong batukan.

"Masakit yun ah!" sabi ko habang hinihimas yung part ng ulo ko kung saan niya ako binatukan.

"Ewan ko sayo. O yan na. Isukat mo kung bagay. " sabay lapag ng paperbag sa kama ko. " Pero feel ko naman bagay kasi ako ang pumili. Haha" tsss nag-aassume na naman..

Kinuha ko yung paperbag na pinatong niya sa kama ko. Kinuha ko yung laman at nagulat ako sa itsura ng two piece na ito.

"Sure ka bang two piece ito best? Parang tali lang itong nakikita ko?" sabi ko habang pinamamasdan yung puting two piece. Actually maganda siya kaso masyadong daring.

Bigla niyang hinablot yung two piece sa kamay ko at hinila ako patayo ng kama.

"Dami mo pang sat - sat! Isukat mo nalang para makita natin kung bagay. Tsk for sure maglalaway sayo si Charles hahaha. Sige na isukat mo na yan, iiwan muna kita para may privacy ka. Isusuot ko narin yung akin. Bye.." at iniwan na niya akong nakatayo habang hawak hawak ang letcheng two piece na ito.

End of Flashback

At ngayon eh nakatayo ako sa harap ng salamin at suot - suot itong two piece na ito. Bagay naman siya sakin pero masyado talagang daring. Hindi talaga ako sanay magsuot ng ganitong kasexy na damit. Feeling ko kasi eh wala akong suot, feeling ko nakahubad ako kasi kitang kita yung hubog ng katawan ko.

Bakit ba kasing kailangan pa itong suotin eh. Hayy. Bahala na nga! Papatungan ko muna ito ng sando at short para hindi masyadong daring!

Lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa dining area ng hotel. Nagugutom na kasi ako eh. Hindi kasi ako makakain kagabi dahil sa mga naiisip ko. Nakatulog na nga ako ng yung ang iniisip eh. At hanggang ngayon eh yun parin ang iniisip ko.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon