Chapter 9 - The Real Deal

1.5K 33 0
                                    

( Jackie's Pov)

"Ano! nagkita kayo nung lalaking kumuha ng virginity mo?!"

sigaw ni Tricia. Nandito na kasi kami sa bahay nila, at ngayon nasa kwarto niya ako at ikinukwento ko lahat ng mga nangyari sakin kanina.

"Oo. Shhh Tricia huwag kang maingay baka marinig ni Tita Alma. Isumbong pa ako kay mama."

Sabi ko habang nakaupo sa kama niya.

"Sorry. Eh kasi naman naiinis ako eh! Tapos anong sabi mo kanina??? Gusto ka niyang maging Fake Girlfriend?! Ako na nagsasabi sayo Jackie! Huwag kang pumayag. Mapapahamak ka lang dyan!"

sabi nya habang palakad lakad sa harap ko na para bang inibistigahan ako. Kulang nalang ilaw na umiikot sa ulo ko para maging makatotohanan na talaga. -___-

"Wait Trich. Tumigil ka muna sa kakaikot mo sa harap ko. Nahihilo ako sa ginagawa mo. "

Sumunod naman siya sa sinabi ko, at umupo sa tabi ko.

"So ano na?" tanung niya.

"Hindi ko nga alam kung papayag ako eh."

Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Sa totoo lang talaga, hindi ko talaga alam kung papayag ba ako na maging fake girlfriend niya o hindi, lalo na't pag nakikita ko siya naalala ko yung nawala sakin. Waaaahh ang sakit sa ulo!!

"Pero Trich, Sa tingin ko hindi naman ako mapapahamak kung papayag akong maging fake girlfriend niya. Saka ang inaalala ko pa. Alam na daw ng lola niya na kasama niya ako kanina, at ang iniisip ako ang girlfriend nung lalaking yun. At saka kasalanan ko rin naman eh, kung bakit ako napasama sa gulong ito. Kung hindi sana ako pakalat-kalat kanina sa mall dahil sa kakahanap ng CR edi sana hindi ako namomoblema ngayon. Lintik na CR kasi yan eh!! Ayaw magpakita!!"

At binato ko yung unan na nasa lap ko.  Nakakainis talaga!! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng oras na maiihi ee nung oras pa na un! Buwisit!!

"So papayag ka? Papayag kang maging fake girlfriend niya?" tanung niya.

"Hindi ko alam best! Hindi ko talaga alam!! Meron lang akong Isang araw para makapagdecide kung papayag ba akong maging fake girlfriend niya sa loob ng 3 months!"

Napahiga nalang ako sa kama at pinatong ko ang braso ko sa mukha ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi naman sa natatakot ako o what na maging fake girlfriend niya, natatakot ako kung paano ko ieexpress. Kasi nga diba wala pa akong nagiging boyfriend, so i don't have any exprience of it. Kaya gulong-gulo ako.

Humiga din si best sa tabi ko at niyakap ako.

"Bahala ka ng magdesisyon best, tutal matanda ka naman na. hahaha"

Bigla ako napatingin sa kanya. Tignan mo to?!  Namomoblema na nga ako.. Ipapaalala pa na matanda na ako. Asar ahh!

"Peace.. Hahaha."

Bumangon siya sa pagkakahiga, umupo at tumingin sakin at seryoso na ang mukha nito kaysa kanina.

"Pero kung anuman ang magiging desisyon mo, tandaan mo, lagi lang akong nandito para tulungan ka at suportahan ka."

Napabangon ako sa sinabi ni Trich at niyakap siya.

Alam ko naman na hindi niya ako pababayaan at susuportahan niya ako sa lahat ng magiging desisyon ko. Kaya i'm so thankful that i have a friend like her.

"Maraming salamat best ah, sa paginitindi sakin. Kaya mahal na mahal kita eh." at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"I love you too best. Hahaha. Sige na tama na ito, ang OA na natin. Haha. " at humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon