Chapter 30

756 18 0
                                    

Chapter 30

[Jackie's Pov]

"Saan mo kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Charles habang papunta kami sa parking lot.

Pero hindi siya umiimik, patuloy parin siya sa paglalakad.

"Sakay." sabi niya pagkarating namin sa kotse niya.

"O-okay.." at sumakay na ako pati din siya.

Buong byahe namin ay tahimik lang, walang nagsasalita samin kahit isa. Gusto ko sanang magsalita at tanungin siya kung saan niya ba talaga ako dadalhin pero hindi ko nagawa dahil alam ko naman na hindi niya ako sasagutin. Kaya pinili ko nalang tumahimik.

After 30 mins na byahe namin ay tumigil kami sa isang malawak na field. Nauna siyang lumabas ng kotse at sumunod ako.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya habang nakasandal siya sa pintuan ng kotse niya.

"Wala lang. Gusto ko lang magpahangin." kibit balikat niyang sagot.

"Yung nga lang ba?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya.

"Bakit ano ba sa tingin mo?" pangaasar niyang tanong sakin.

"W-wala!!" nauutal ko sagot.

Narinig ko nalang siyang tumawa. As tawang walang bukas. At ang sarap sa feeling na nakikita ko siyang tumawa ng ganito. Bihira ko lang kasing makitang tumawa itong mokong na ito.

"You look so handsome when you laugh. Sana lagi kang tumatawa ng ganyan." wala sa loob kong nasabi yun.

Napatigil siya bigla sa pagtawa dahil sa sinabi ko.

"Really?" and then he crack a shy smile na hindi ko pa nakikita kahit kailan.

"Ang cute mo." oh shit! Bakit hindi ko mapigilan itong bibig na ito!

"You too.. You look so lovely tonight. And bagay na bagay sayo yung dress. Talagang sinunod mo yung sinabi ko sayo sa card." sagot niya habang nakangiti sakin.

Oh my gosh.. Feeling ko nagkukulay kamatis na yung pisngi ko dahil sa sinabi niya. Oh shit! Puso huminahon ka muna!!

"M-masunurin kasi ako.. By the way thank you for this dress. It's so beautiful. " halos pabulong kong sagot.

"Your welcome.." sagot niya.

After that, no one dares to speak. Parang may awkwardness na bumabalot saming dalawa.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang sumapa sa kotse niya at nahiga sa bubong kotse niya.

"What are you doing?" tanong ko.

Tumingin siya sakin. "Stargazing. Halika umakyat ka din dito." sagot niya habang nakatingin parin sakin.

Tinanggal ko muna yung heels ko at nilahad niya yung kamay niya para tulungan ako sa pagakyat ng kotse niya. Nang makahiga ako sa tabi niya bigla siyang nagsalita.

"Whenever I'm sad.. This is the place where i can go and think.. It makes me so relieved and comfortable." sabi niya habang nakatingin sa langit.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon