Chapter 34

667 20 0
                                    

Chapter 34

[Charles Pov]

To: Jackie

Hey! Where are you?! Are you awake? Please hurry up I'm goddamn bored here!

Text ko kay Jackie.

Nandito ako sa tapat ng bahay nila Jackie para ihatid siya sa trabaho niya. Kaso namumuti na ang mata ko sa kakahintay sa babaeng iyon!

Kanina ko pa tinatawagan ang phone niya pero hindi niya ito sinasagot, kahit din text hindi siya sumasagot. Ewan ko kung anong pumasok sa isip nun at hindi niya ito sinasagot.

Baka siguro tulog pa?

Tulog pa? Anong oras na kaya!

Napapabuntong hininga nalang ako. Wala din naman akong choice kundi hintayin ang babaeng yun. Hayy..

Nakasandal lang ako sa kotse ko na nasa tapat ng bahay nila. Napaayos ako ng tayo ng makita kong lumabas ang Mama niya. Tss akala ko siya na.

Tila nagtataka ito nung nakita ako.

"Iho? Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin nito.

"Sinusundo ko po si Jackie." nakangiti kong sagot.

"Sinusundo? Ang akala ko sinundo mo na siya kanina? Maaga siyang umalis dito sabi niya may kailangan daw siyang gawin sa trabaho niya."

What? Umalis siya nang hindi sinasabi sakin? So mukhang tanga pala akong naghihintay sa kanya dito.

Pinilit kong ngumiti sa harap ng Mama niya kahit deep inside nabubuwisit na ako. Tangna naubos lang ang oras ko sa paghihintay sa wala!

"Ahh ganun po ba? Ahh sige po aalis na po ako." mahinahon kong sabi kahit sa loob loob ko eh naiinis ako.

Nagpaalam na ako at saka umalis sa kanila. Kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko dahil umalis na siya. Pero bakit hindi niya sinabi sakin na umalis na siya? Pinagmukha niya pa akong tanga sa paghihintay!!

[Jackie's Pov]

Ring... Ring.. Ring..

Shit kanina pa tumatawag si Charles sakin. For sure alam niyang wala na ako sa bahay. At ramdam kong galit na galit na ito sakin.

"Hindi mo ba sasagutin yan Jac? Mukha atang importante. Kanina pa ring ng ring eh." sabi ni Julius.

Nasa isang Cafe kami na malapit sa lugar kung saan ako nagtatrabaho. Dito kami dumiretso after niya akong sunduin sa bahay.

"Ahh? Huwag mong intindihin. Hindi importante to. Hehehe!! Ahmm.. W-wrong number lang!" pagdadahilan ko.

"Sure ka? Mukhang hindi eh?"

"O-oo nga! Haha!"

Tinitignan ko lang ang cellphone kong patuloy parin sa pagring. Napapabuntong hininga nalang ako dahil sa ginagawa ko.

Oo sinadya ko na hindi magpasundo kay Charles. Sinasadya ko rin na hindi sagutin ang mga text at tawag niya.
In short..

Nilalayuan ko na siya..

Habang kaya ko pang umiwas sa kanya. Kasi doon din naman ang punta nito after matapos ng buwan na ito. Lalayuan ko din naman siya. At kung hindi pa ako lalayo ng mas maaga.. Masasaktan lang ako.

"Ayos ka lang ba Jac?" tanong ni Julius na medyo may halong concern ang boses niya.

Napansin niya siguro na malalim ang iniisip ko.

"Oo naman!" pag sisinugaling ko.

Ngumiti ako. " Julius huwag ka ng mag-alala. Okay lang ako!" tumingin ako sa relo ko. Kahit medyo maaga eh papasok na ako. Ayokong mapansin ni Julius na hindi ako okay.

"Sige Julius papasok na ako. Thank you sa pagsundo at sa paghatid." tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Okay lang. Mamaya sunduin ki-"

"Huwag na Julius. May pupuntahan pa ako eh." putol ko sa kanya at pagsisinungaling narin. Wala naman akong pupuntahan mamaya eh. Gusto ko lang mapag isa mamaya.

"Ahh ganun ba? Sige." at ngumiti lang siya.

Hinatid niya ako hanggang sa entrance ng building namin. Naging mapilit pa nga siya na sasamahan daw niya ako mamaya sa pupuntahan ko, pero sabi ko huwag na at kaya ko naman ang sarili ko. Hayy kahit sa totoo lang eh wala naman talaga akong pupuntahan.

Lutang ako habang nalalakad sa loob ng building. Tumigil narin ang pag ring ng phone ko. Hayy napagod na siguro sa pagdial ng number ko.

Pero bakit ganun?

Nakaramdam ako bigla ng lungkot?

Lungkot dahil tumigil na siya sa pagtawag sakin.

Hayy ang gulo mo Jackie!!!

Maghapon akong tulala at wala sa wisyo. Nag-aalala na nga sina Lyra sakin kasi baka maysakit ako, pero sinabi kong wala naman.

Maghapon kasi ako nag-iisip kung paano pa ako lalayo kay Charles. Kung paano ko tatanggalin itong nararamdaman ko kay Charles. Tsk! Bakit kasi ngayon lang dumating si Julius eh! ╥﹏╥

Hanggang sa matapos ang shift ko eh tulala parin ako. Hayy sa wakas natapos din. At sa buong maghapon na iyon hindi na siya tumawag sakin. Hayy siguro galit na galit yun sakin, o kya...

Bakit pag iniisip ko yun, nasasaktan ako? Waaaah tigilan mo na kakaisip mo dyan Jackie!!

Hindi ko alam na nasa baba na pala ako dahil sa mga kakaisip ko. Hayy..

Nakaka- ilang buntong hininga na ako sa buong araw. Hayy.

---

Lumipas ang ilang araw ay ganun lagi ang ginagawa ko. Papasok ako ng maaga para hindi niya ako maabutan. Kahit nga si Mama parang nahahalatang iniiwasan ko si Charles kasi lagi niyang nakikitang naghihintay si Charles sa tapat ng bahay namin. Iniintriga na nga ako minsan eh, pero hindi ko sinasagot.

Isang linggo na pala ang lumipas simula ng iwasan ko siya. Ilang beses niya rin akong tinatawagan pero hindi ko sinasagot.

Sa totoo lang namimiss ko na siya.. Pero kailangan kong gawin to para hindi na ako masaktan pa.

Nagpasya akong maggala mag isa, magkapagmuni-muni ba. Lagi ko kasing kasama maggala pagtapos ng trabaho ay si Julius. Buti nalang nandyan si Julius at lagi akong pinapasaya. At namiss ko rin kasama si Julius, sa tagal ba naman namin na hindi magkasama eh.

At ngayon nandito ako sa mall. Ano naman ang gagawin ko dito? Ahh manunuod nalang ako ng sine.

Pumunta ako sa may sinehan at pumili ng palabas. Hmmm ano kaya ang maganda? Kahit ano nalang siguro.

Hindi ko naintindihan ang buong palabas. Bakit? Dahil tulala ako. Hayy ano ba kasi ang mga iniisip ko? Pumunta ako dito para mag-unwind, pero anong ginagawa ko? Hayy.. Tigilan mo muna ang pag-iisip sa kanya! A little time for yourself naman Jackie!

Hayy mukha akong tanga na pinapagalitan ang sarili. Baliw na nga talaga ako!

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may humawak sa braso ko.

"Uy t-teka --" napatulala ako nang makita ko kung sino ang humawak sa braso ko.

"May kasalanan ka sakin. Kaya dapat samahan mo ako!" at tuluyan na niya akong hinila pasakay ng kotse niya.

I'm dead!!

(━┳━○━┳━)

*********

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon