Chapter 10 - Fake Girlfriend Operation part 1

1.5K 29 0
                                    

(Jackie's Pov)

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko na nasa side table ko. Lintik naman oh! Ang aga-aga pa! Sino bang itong tumatawag? Sinisira niya beauty sleep ko ah!

(Beauty sleep? Saan mo nalaman yan?)

Che! Minsan lang magfeeling eh! Masagot na nga yung tawag, naiirita na ako ee. Saka baka importante.

"Hello?"

"Wow bedroom voice... It's nice to hear it. Hahaha"

Huh? Sino ba ito?

Nilayo ko sa tenga ko yung cellphone ko, Tinignan ko kung sino yung caller. At sa dinami-rami ng tatawag sakin.. Bakit siya pa? Buwisit talaga oh!

"Oh bakit ka napatawag! Ang aga-aga nambubwisit ka! " sigaw ko sa kanya.

"Hanggang sa phone ba naman sinisigawan mo parin ako? Ahh By the way, kaya ako tumawag para ipaalala sayo na ngayon tayo magkikita para mapag-usapan yung tungkol sa deal nating dalawa."

Ayy teka ngayon ba yun? Hala nakalimutan ko! Ngayon pala yun! Anong gagawin ko! TT.TT

"Huwag mong sabihing nakalimutan mo?"

sabay sabi nito. Hala!! nababasa niya ata yung nasa isip ko...

"Aa eee H-hindi n-noh! Ano ka ba hindi ko nakalimutan. Hehehehe." sagot ko.

Please kumagat ka!! Please!! (crossfingers>______<)

"Sure? Okay basta same place. Meet you at 5 pm bye." at ibinaba na niya.

Yun lang yun? Tumawag lang siya para ipapaalala yun? Buwisit sinira niya yung tulog ko! Pero okay narin kasi pinaalala niya yung tungkol sa pagmeet namin mamaya kundi patay talaga ako!

After kasi ng pagkikita namin nun sa mall, ay isinubsob ko na ang sarili ko sa trabaho para makalimutan ko ang trahedyang nangyari sakin. Kaya nawala rin sa isip ko yung meet up namin.

Napilitan na akong bumangon kahit ayoko pa, dahil nawala narin ang antok ko. Nang tignan ko ang orasan na nasa side table ko, Alas syete palang ng umaga. Hayy buwisit talaga yung lalaking yun kahit kailan!

Inaayos ko muna ang higaan ko bago ako bumaba para makapagalmusal.

Pagbaba ko ko, naabutan ko si mama na naghahanda na ng pagkain sa lamesa.

"Good morning anak!" bati sakin ni Mama.

"Good morning din!" sagot ko at umupo na ako sa lamesa.

"Bakit ang aga mo atang nagising? Diba umaga ka umuwi dito kanina dahil may tinapos ka pang presentation nyo?" sabi ni mama na nakaupo narin.

"May asungot po kasing sumira ng beauty sleep ko kaya maaga akong nagising." sabi ko habang naglalagay ng sinangag sa plato ko.

"Huh?"

"Aaahh wala, wala Ma. Hehehe huwag ninyo na po intindihin yung sinabi ko. Hehehe tara kain na po tayo."

At inabot ko na sa kanya yung fried rice. Hayy buti nalang hindi na ulit nagtanung si Mama hayy.

Dalawa lang kaming kumakain ngayon dahil mamaya pa ang uwi ni Kuya Peter. At ako naman walang pasok dahil may employee's day sa office ngayon kaya pinagpahinga muna kami ng isang araw.

After namin kumain ni Mama, ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. After nun umakyat na ulit ako sa kwarto ko para makatulog ulit, At sa awa naman ng Diyos nakatulog ako ulit.

Saktong alas tres ng hapon, nagising na ako. Agad akong naligo at nag-ayos para pumunta sa meet up namin ni Rapist.

Walang pang alas singko nandito na ako sa meeting place namin, sa Starbucks kung saan kami last nagmeet. Nagorder muna ako ng drinks habang hinihintay siya. Kaso nakalipas na ang thirty minutes, wala pa siya. Nasaan na kaya yun?

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon