Chapter 20 - Subic??!

936 27 2
                                    

Chapter 20 - Subic??!

Jackie's POV

"Hoy! Anong mukha yan?" tanung sakin ni RP pagkasakay ko ng kotse niya.

"Wala..." walang gana kong sagot habang kinakabit ko yung seatbelt.

Hayy hanggang ngayon ang gulo parin ng utak ko dahil doon sa Mysterious Sender na yun. Hindi ko alam kung sino siya, kung anong motibo niya, at bakit sinabi niyang mahal niya ako.

Wala naman akong maisip na gagawa nito sa mga kaklase ko noong college, dahil lahat sila takot sakin dahil may pagkasiga at war freak ako noon. Kaya hanggang ngayon palaisipan parin siya sakin.

"Hayy.."

" Hoy MP... Anong bang nangyayari sayo? Kanina ka pa nagbubuntong - hininga dyan. Panglima mo na ata yan eh." sabi ni RP habang nagmamaneho.

"Weh? Panglimang beses na yun? Hayy.. Huwag mo nalang akong intindihin. Magmaneho ka nalang dyan. Mamaya mabangga pa tayo." at tumalikod nalang ako sa kanya. Humarap nalang ako sa bintana para hindi na nya ako kausapin. Pero laking gulat ko nang itinigil niya yung kotse at hinawakan ako sa balikad ko at iniharap sa kanya.

"O-oy a-anong bang problema mo.." nauutal kong sagot. Nakakagulat kasi siya eh. Tapos yung mukha niya pa napakaseryoso.

"Bakit ka nga kasi nagkakaganyan?! Kanina pa ako naiirita sa pagbubuntong - hininga mo dyan! Ano ba kasing iniisip mo?!" tanung niya habang nakahawak parin siya sa balikat ko.

"Diba sabi ko huwag mo nalang intindihin." at tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko at tinalikuran ulit siya. Pero ang kulit talaga ng taong ito! Iniharap na naman niya ako sa kanya.

"Ano ba!" sigaw ko.

" Ano nga kasi ang problema mo?! Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi sakin!" sagot niya.

" Oo na! Sasabihin ko na! Matigil ka lang! At pwede ba bitiwan mo muna ako." pagkasabi ko nun, binitiwan niya agad ako.

Umupo muna ako ng maayos saka ko kinuha yung letter ni Mr. Unknown na nasa bag ko. Pagkakuha ko, inabot ko agad sa kanya.

"Ano yan?" tanung niya habang inaabot ko sa kanya.

"Ito yung dahilan kung bakit ganito ako ngayon. Basahin mo nalang." at kinuha na niya yung letter.

Habang binabasa niya. Tinitignan ko yung expression ng mukha niya dun sa letter. Pero sadyang ang hirap basahin ng mukha at reaksyon niya dun sa letter.

After niyang basahin, binalik na niya ulit sakin.

"Wala ka man lang reaksyon dun sa nabasa mo?" tanong ko habang tinititigan siya.

"Gusto mong magreact ako dun sa letter?"

"Oo"

"Gusto mo talaga?!"

"Oo nga!! Ang kul-"

-_______________-

Alam nyo ba kung anong ginawa?

Tumawa lang naman na parang walang bukas. Tsss.. -______- Sana pala hindi ko nalang tinanong. Sumasakit na naman yung ulo ko sa kanya.

"Ahahahahahahahahahaha!!!!! Jackie... I Love You.. I really love you... Hahahahahahahahahahahaha!!! Shet!! Ang sakit ng tiyan ko!! Hahahahahahahahahahahahaha!!!"

"He-he-he.. Ang saya mo no?! -______-"

"O-o-oo sobra!! Hahahaha umiiyak na nga ako sa kakatawa eh! Hahahahaha" sagot niya habang pinupunasan niya yung mata niya.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon