Chapter 2 - The Tropang Cool.

1.8K 40 0
                                    

Chapter 2 - The Tropang Cool

Saktong eight nasa bahay na si Tricia. Agad niyang sinabi kay mama ang dahilan kung bakit siya nasa bahay. Agad naman akong pinayagan ni mama, basta pag si Tricia okay na okay sa kanya hayy.

Sumakay na ako sa kotse niya. May kotse din naman ako, pero bihira ko lang gamitin kasi lagi naman akong sinusundo ni Tricia.

"Saan tayo pupunta best?" Tanong ko.

"Sa bar saan pa ba? Haha. Reunion natin tong magbabarkada." sagot niya habang patuloy parin sa pagmamaneho.

"Reunion?" tanong ko.

Reunion? Alumni Homecoming ba namin ngayon?

"Oo reunion natin." tinigil niya ang sasakyan dahil nagred yung ilaw sa traffic light. Tumingin siya sakin.

"Reunion natin! Reunion ng Tropang cool!" sagot niya at muling pinaandar ang kotse.

"Ta - talaga?! Nandito sila Jade, Mike, Samson at Kyle?" sagot ko na hindi makapaniwala.

Kasi naging busy yung mga yun pagkatapos ng graduation noong college. Ang huling pagkikita naming magbabarkada ay yung kasal nila Jade at Samson, at pagkatapos ay tumira na sila sa ibang bansa dahil nandoon ang trabaho nila. Sila Mike at Kyle naman ay busy sa mga business nila dito sa Manila. Kaya hindi talaga ako makapaniwala na makikita kita ulit kami.

"Oo nandito sila! Excited na nga akong makita yung mga kumag na yon. Hahaha!" sagot ni Tricia

Hindi na ako sumagot, sa halip inalala ko nalang yung masayang college life ko kasama sila.

Nakilala ko sila sa isang club na sinalihan namin ni Tricia nung college. Simula nun naging close kami sa isa't isa.

Iba - iba man kami ng mga katangian pero pagdating sa kalokohan, naguunite kami hehehe.

8:30 pm na kami nakarating sa The Block na pagmamay-ari ni Kyle. Medyo marami ng tao sa loob ng bar pero mas dadami pa ito pagsapit ng alas dose ng gabi.

Pumunta kami ni Tricia sa isang private room sa loob ng bar.

"Long time no see Jackie at Tricia" bungad ni Kyle habang umiinom ng vodka.

Kyle Cedric Garcia ang playboy sa grupo. Marami na siyang pinaiyak na babae including Tricia. Naging mag -on kasi ang dalawa pero hindi rin nagtagal dahil nahuli ni Tricia si Kyle na may kalandiang babae.

"Kamusta na kayo? Tagal ninyo hindi nagparamdam."at tumabi ako kay Kyle at tumabi naman sakin si best.

"Okay lang naman kami, good as new parin! Hahaha Teka Jackie parang gumaganda ka ngayon ah! At nagsusuot ka na ng dress! haha" biro ni Samson.

Samson Dela Paz ang pinakamaloko samin pero siya rin ang pinakamatalino sa grupo. Siya lagi ang takbuhan namin noon pag exam. At ang asawa ng isa pa namin kaibigan na si Jade.

"Che. hahaha" sagot ko.

Nakasuot kasi ako ng dress na hapit na hapit sa katawan ko at above the knees ang haba. Nakasuot din ako ng killer heels.

Kailan lang ako natutong magsuot ng mga ganitong damit. Dati kasi mukha akong tomboy sa mga damit ko. Lagi akong nakat-shirt na maluwag tapos nakajersey short, kaya hindi sila makapaniwala sa new look ko.

"Tama ka dyan hon, babaeng - babae na talaga si Jackie. Natatalbugan na nga niya si Tricia eh. Hahaha" pagsang ayon ni Jade.

Jade Ledesma-Dela Paz, ang pinakasexy samin. Lahat ng lalaki sa school naglalaway sa kanya. Kaya laking gulat namin ng sinabi nila ni Samson na magpapakasal na sila. Hindi kasi halata na may relasyon sila noon.

"Grabe naman. Hindi naman mas maganda parin si best sakin. Saka masama bang magbago ng style?" sagot ko at kumuha ako ng vodka na nasa lamesa.

"Asus pahumble effect pa si Ate. Hahaha" biro ni Kyle.

"Sana matagal mo ng ginawa yang pagaayos mo edi sana.... Ah nevermind hahaha" bulong ni Mike

Mike Carlo Dela Vega ang pinakagwapo sa grupo at sa buong campus. Siya rin ang tumatayong leader ng barkada. Napakacool niya kasi at sobrang bait. Naging crush ko nga yan eh, pero hindi ko sinabi kahit kay Tricia. ^_^

"Ayun oh dumadamoves si leader oh! hahaha" biro ni Kyle

"Sira!" at binatukan siya ni Mike.

Natawa lang ako sa sinabi ni Mike pero may konting kilig narin ako na naramdaman, hindi parin naman nawawala yung pagkacrush ko sa kanya eh. Kung may balak siya na manligaw edi papaligaw ako. Sayang naman yung opportunity diba? Hahaha ang landi ko! ^___^

Nagkwentuhan lang kami sa loob ng private room. Nashare din nila na masaya and successful na sila sa mga business or work nila. At isang great news ang natanggap namin.

Magiging ninang na ako!! tatlong buwang buntis na daw si Jade. Sa wakas ang tagal na nilang kasal ni Samson at ngayon lang siya nabuntis kaya sobrang happy kami para sa kanila.

"Jade congratulations! Magiging mommy ka na!"at hinawakan ko yung kamay niya.

"Thank you Jackie!" sagot ni Jade.

"Oh by the way kamusta ang lovelife Jackie?" tanung ni Kyle

Anak ng tokwa yan oh! Ayan na naman ang tanong na iniiwasan ko eh.

"Ah eh.... wala pa eh?!"at napakamot ako sa ulo ko.

"Wala pa Jackie? Sa ganda mong yan?" biro ni Samson

"Gusto mong sapak? Tigil - tigilan mo nga ako Samson. Di porket nakabihis pambabae ako ngayon ay hindi na kita kaya!" inis na sagot ko sa kanya.

Nakakainis kasi eh. Sekreto lang namin yun pinagkakalat niya pa. Matagal ko ng alam na maganda ako, hindi na kailangang ipaglantaran pa. Hahaha assumming lang? ^__^

"Hinay - hinay lang Jackie! Binibiro lang kita eh. Hahaha hindi ka parin nagbabago." sagot ni Samson.

"Che!" sigaw ko.

"Hahaha kaya walang nagkakagusto sayo eh. Natatakot kasi sayo. haha" biro ulit ni Samson

"Isa pa Samson!" babala ko sa kanya

"Hindi na hindi na. hahaha" sabi nito.

"Tama na nga yan Samson, tara doon tayo sa dance floor." yaya ni Jade

"Teka pwede ka pa ba sa ganyan?" tanung ni Tricia.

"Oo naman. Buntis lang naman ako eh. Tara na!" yaya ulit ni Jade

Nagsipuntahan silang lima sa dance floor. Nagpaiwan ako dahil iniisip ko yung sinabi ni Samson na kaya walang lalaki na nagkakagusto sakin kasi natatakot sila sakin. Masyado kasi akong siga at sadista eh. Hayy baka talagang nakatadhana na tumandang dalaga ako. Huwag naman sana dahil gusto ko pang magkaanak at magasawa.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa bilihan ng mga alak. Nagorder ako ng tequilla para makalimutan ko ang sinabi ni Samson.

"Hi miss nag-iisa ka ata." sabi nung lalaking tumabi sakin.

May itsura siya at sa tingin ko mukhang mayaman dahil narin sa suot nito.

"Ahmm my kasama ako. Nandoon sila sa dance floor." sagot ko at tinungga ulit ang isang shot ng tequilla.

"Sir isa pa nga." sabi ko sa may bartender

"Miss napaparami na ata yung inom mo." sabi ulit nito.

"So?"

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon