Chapter 6 - We Meet AGAIN!!!

1.5K 28 0
                                    

Chapter 6 - We Meet AGAIN

( Jackie's POV.)

Gabi na nung magising ako. At hawak hawak ko parin yung necklace na binigay ni Julius sakin.  Itinago ko ulit ito sa drawer ako at saka tumayo para ayusin ang higaan ko. Lumabas na ako pagkatapos para makakain ng hapunan.

Naabutan ko si mama  na naghahain na sa lamesa.

"Oh Jackie gising ka na pala. Maupo ka na dito para makakain ka na." sabi ni mama nung napansin niya akong nakatayo sa pinto ng kusina.

"sige po." at umupo na ako.

Tahimik lang ako habang kumakain. Iniisip ko parin kasi yung nangyari kagabi. Hindi ko alam kung nalulungkot ba ako na niinis dahil nawala na yung pinakaiingatan ko. Hayyys nakakaasar!!!! >______<

Nang matapos akong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto ko. Sakto pagkaakyat ko tumunog ung phone ko.

Dali dali ko itong sinagot.

"Hello?"

"Best ayos ka na ba?" si tricia pala..

"Medyo, okay na. Bakit?" tanong ko.

"Gusto mo pasyal tayo bukas? My treat!!"

"Hmmmm sige. Gusto ko rin malibang para hindi ko na iniisip yung nangyari sakin." at bumungtong hininga ako.

"okay. Susunduin kita bukas. At sisiguraduhin ko na makakalimutan mo yan best!"

napangiti ako sa sinabi ni best. Kahit kailan talaga lagi niya akong tinutulungan at sinusuportahan. Siguro kung wala siya, hindi ko alam ang gagawin ko. Hayy anng drama ko na naman!

"Thank you best ahh, na lagi kang nandyan para tulungan ako. Maraming saalamat talaga." sagot ko na medyo naiiyak na. Hayy drama ko talaga.

"Okay lang yun. Alam mo naman na magsisters tayo diba. Saka ikaw rin naman tinutulungan mo din ako. Kaya tama na drama dyan okay. hahaha "

Tingnan mo ito minsan lang magdrama, sisirain pa yung mood hayy.

"Oo na titigil na. Sige na goodnight na. Istorbo ka eh. hahaha"

"Ahh ganun? hahahah sige na nga goodnight na. Bukas ah !"

"Oo. Cge goodnight na." at binaba na niya.

Sana talaga maging okay ako bukas at makalimutan ang makasalimuot na bangungot na ito.

( Charles Pov.)

"Kailan darating dito si mamita?" tanong ko kay mama pagkarating ko sa bahay. Nasa garden siya nung dumating ako.

"Mamayang madaling araw." sagot niya habang inaayos yung mga halaman niya.

""Kaya maghanda ka na." dugtong niya na may halong pananakot yung boses niya.

"

Nanakot ka ba Ma?" tanong ko habang nanatili parin akong nakatayo sa harap niya.

Tinigil niya yung ginagawa niya at saka tumayo at lumapit sakin.

"halata ba? Hohohoho. Humanda ka na anak. Maraming ipapablind date sayo si Mama. Hahahahaha!!" sabi niya at lumakad ng palayo sakin.

"Mama naman eh! Tell Mamita to stop this! Ayokong makipagblind date! You can't make me!" sigaw ko kay Mama.

"Wala na akong magagawa anak. Buo na ang desisyon ng lola mo. Sa ayaw mo't sa gusto mo." sagot niya, at tuluyan na siyang umalis sa garden.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon