Chapter 26 - Pop Pop.

962 26 1
                                    

Chapter 26 - Pop Pop.

Charles POV

Hayys nababadtrip na naman ako! Bakit niya kasama yung ugok na yun kagabi? At nagdate pa sila ahh! Ang saya nila siguro! Tapos ako nag-iisip ng paraan kung paano makikipagbati sa kanya dahil sa sinabi ko.. Yun pala kasama niya pala yung lalaking yun! Kaya pala tinakbuhan niya ako kanina! Kaya pala ganun ang mga kinikilos niya! Don't tell me na type niya ang ugok na yun?!

Okay lang sakin kung type niya, dahil wala naman akong pakialam eh. Pero habang hindi pa natatapos ang tatlong buwan.. Hindi siya pwedeng tumingin sa ibang lalaki. Sa akin lang siya. Sa akin lang dapat siya titingin. Dahil baka mapansin ng mga sumusunod samin.

Habang naggagalaiti ako sa inis dito, nakita ko siyang naglalakad mag-isa. Sa tingin ko.. galing siya sa garden.

Na-isipang kong tawagin dahil mukhang tulala at may iniisip siyang malalim. Don't tell me iniisip niya yung ugok na yun?!

"Jackie!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin at tila nagulat pag tingin sakin.

Nakatingin lang siya sakin. Hindi ko alam kung bakit ganun siya makatingin. Hindi ko maexplain kung bakit. Parang iiyak na siya na ewan.

Nang maisipan kong lapitan siya.. Bigla siyang tumakbo papasok sa pinagtutuluyan namin. Ano bang problema niya? Anong problema niya sakin at kanina pa niya ako tinatakbuhan?!

Susundan ko na sana ng biglang magring ang phone ko. Nang tignan ko.. Si Mama ang tumatawag.

"Hello. Bakit!" walang gana kong sagot kay Mama na nasa phone.

"Nabalitaan mo na ba?" tanung niya na tila seryoso ang boses nito. Parang may something na nangyari.

"Ang ano?" tanung ko.

"Darating sa Linggo ang magaling mong ama. At next week ang half brother mo naman."

"What! Bakit kailangan pumunta pa nang taong yun! Matapos niya tayong iwan at sumama sa kabit niya, ngayon babalik siya dito? Para ano? Ipakilala sa buong kompanya ang anak niya sa labas! What the hell Ma! " hindi ko na naiwasang sumigaw. Pinagtinginan tuloy ako dito sa beach. Pero wala akong pakialam sa kanila. At mas lalong wala akong pakialam sa taong iyon! Matapos niya kaming iwan noon! Kamamatay lang ng kakambal ko noon dahil sa sakit sa puso, tapos bigla niyang sinabi na iiwan niya rin kami dahil hindi daw niya kayang mahalin ang nanay ko. At hindi naman daw niya talaga minahal ang Mama ko dahil arranged marriage lang sila. Napakabata ko pa noon, at kailangan ko pa ang kalinga ng isang ama pero ano? Anong ginawa niya? Iniwan niya kami! Iniwan niya ako! Hindi man lang niya inisip ang magiging kalagayan ko. Mas inisip niya ang kabit niya at ang anak niya doon.

Nalaman nalang namin ni Mama na may tinatagong anak pala siya doon sa dati niyang kasintahan. Mas matanda sakin ito ng dalawang taon. Bago pa maikasal sila Mama, may anak na siya dito. Ang sakit lang malaman noon. Na mas pinili niya pa ang anak niya sa kabit niya, kaysa ang tunay niyang anak. Ang sakit sa damdamin na habang lumalaki ako, wala akong tatay na masasandalan noon. Kaya lumaki akong ganito. Laging galit sa mundo. Dahil walang ginawang maganda ang mundo sakin. Lagi nalang akong pinapahirapan. Lagi nalang akong sinasaktan. Lagi nalang akong mag-isa. Puro lagi nalang..

"Sorry anak. Ngayon ko lang nalaman.. Sana hindi nalang kita pinapunta dyan. Ngayon lang din nasabi sakin ni Mamita eh." paliwanag ni Mama na mukhang umiiyak. Shit! Umiiyak na naman si Mama. Umiiyak dahil sa walang kwentang lalaking yun!

"So matagal na itong alam ni Mamita? Talagang kinakampihan niya ang magaling niyang anak! Anong akala niya? Tatangapin ko ang isa pa niyang apo? Hindi pa ako nababaliw Ma para tanggapin yun! Mamatay muna ako bago ko ituring na kapatid yun. Baka hindi pa nga Ma eh. Hinding - hindi!" at binaba ko na yung phone. Kahit gusto ko pang kausapin si Mama at pakalmahin dahil umiiyak siya. Hindi ko rin nagawa dahil naiinis ako. Naiinis ako sa walang kwentang taong yun! Pati kay Mamita! Oo nauunawaan kong kami ang pinili niya kasya sa kabit ng magaling niyang anak. Pero ang apo niya doon kaya niyang tanggapin? Mukha kaya nga. Kasi uuwi dito next week. Ang galing lang! Ang galing lang nila!!!

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon