Chapter 50

757 23 0
                                    

Chapter 50

5 years later....

Limang taon na din ang lumipas. Sobrang bilis ng panahon. Dati paalis palang ako ng Pilipinas ngayon babalik na ako. Natapos ko na ang 4 year contract ko sa Sweden at nagextend pa ako ng 1 year. Balak ko na din na dun na magtrabaho. I'm planning to stay for good na Sweden. Uuwi lang ako dahil ikakasal na ang bestfriend kong si Tricia at syempre hindi pwedeng mawala ang maid of honor niya!

Habang nasa eroplano ako at bumabyahe na pabalik. Hindi ko maiwasan ang alalahanin ang mga nangyari nung umalis ako. Hanggang ngayon sariwang sariwa parin sakin ang lahat ng nangyari.

Hindi madali ang unang linggo ko sa Sweden. Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Parang akong sinapak sa maga ng mata ko. Hindi rin ako nagbukas ng phone dahil alam ko na puro texts and chats ang mababasa ko. Hinayaan ko muna ang lahat ng tao na kilala ko na walang alam kung nasaan ako. Kahit hirap na hirap ako kinakaya ko.

Nang naging maayos na ako, nagreport na ako sa kompanya nila Tricia dito at sinubsob ko nalang ang sarili ko sa trabaho baka sakaling malimutan ko. Pero hindi parin.

Lumipas muna ang isang buwan bago ako nagkalakas ng loob na tawagan ang pamilya ko. Sinabi ko na nasa Sweden ako at pinadala ako dito. Grabe ang iyak ni mama sakin kasi hindi nila alam kung saan nila ako hahanapin. Lalo na't lagi daw nasa bahay si Charles at hinahanap ako. Hindi ko na mapigilan ang hindi umiyak habang kausap ko si mama. Tinatanong niya ako kung ano bang nangyari samin pero nanatili lang akong tahimik. Hanggang sa narinig ko ang boses ni Charles sa telepono.

"Tita si Jackie po ba yan? " tanong niya kay mama.

"H-hin- ano ba Charles!" mukhang inagaw niya ang telepono kay mama.

"Hello Jackie ikaw ba yan?" sa wakas sa loob ng isang buwan narinig ko din ang boses niya. Pero wala akong lakas ng loob para magsalita. Pinapakinggan ko lang siya.

"Jackie kung ikaw yan, pleassse magsalita ka naman oh. Nasaan ka ba? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito... Jackie! Sumagot ka! Lahat naman binigay ko ah.. Lahat naman ng gusto mo sinusunod ko, pero bakit mo ako iniwan bakit... Ang sakit sakit na Jackie.. Please lang bumalik ka na.. Mahal na mahal parin kita.. Hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko.. Jackie..." humahagulgol na siya habang kausap ako. Hindi ko na kaya ang naririnig ko kaya binabaan ko na siya. After nun balik sa pag iyak na naman ako.

Yun na ang huling beses na narinig ko ang boses niya. Hindi narin daw siya nagpupunta sa bahay sabi ni Mama at huling balita daw nila dito ay dinala ito ng pamilya niya sa US.

"Babe.. Are we there yet?" tanong ng lalaking katabi ko.

Napangiti naman ako dahil sa tawag niya sakin. Hahaha.

"Nope Babe.. We're far pa." sagot ko and i kissed his temple.

Tatlong buwan ang lumipas na parang may kakaiba akong naramdaman sa sarili ko. Lagi akong nahihilo at nagsusuka tuwing umaga. Nung una akala ko may mali lng akong nakain or what pero araw araw ko na itong nararanasan. Kaya nagpasya akong magpatingin sa hospital at dun ko nalaman na apat na buwan na pala akong buntis.

Hindi na rin ako nagulat na buntis ako dahil hindi naman kami gumagamit ng kung anong proteksyon ni Charles. Pero natatakot parin ako kasi ako lang mag isa.

Pero kinaya ko. Kinaya ko magpakatatag para sa anak ko. Inalagaan ko ang sarili ko, monthly ako nagpapatingin sa doctor at iniiwasan ko ang matinding stress.

Hanggang sa mailabas ko sa mundong ito si Elijah Rain Harrison. Oo kinuha ko parin ang apelido ni Charles dahil siya naman ang ama nito at hindi ko un itatanggi. Buti nga nung nanganak ako nasa tabi ko Julius para tulungan ako. Sa kabila ng ginawa ko sa kanya ay hindi parin niya ako iniwan. Kaya sobrang laki ng pasasalamat at utang na loob ko sa kanya.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon