Chapter 31

761 24 0
                                    

Chapter 31

[Jackie's Pov]

Nagising ako bigla dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gumalaw muna ako ng kaunti bago ko dinalat ang mata ko.

Pagdilat ko, isang napakagwapo nilalang ang tumambad sakin. Siguro nanaginip parin ako. Napakaamo kasi ng mukha niya. Parang hindi siya yung lalaking kilala ko na napakayabang, conceited at napakasungit. Para siyang anghel.. Anghel na bumaba galing langit.

Inalala ko bigla yung mga pangyayari kagabi.

After niya akong halikan, nagtitigan pa kami ng ilang minuto at bigla nalang kami natawa sa isa't isa. Ewan ko kung ano yung nakakatawa basta tumawa nalang din ako. Parang pampaalis ng awkward saming dalawa. After nun, nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Na parang walang halikan na naganap. At dahil sa kwentuhan namin yun, mas lalo ko siyang nakilala. At mas lalo akong nahulog sa kanya.

Wala eh. Nafall na nga talaga akong tuluyan. Hindi ko na talaga naiwasan. Ang tanging hiling ko nalang eh sana pareho din kami ng nararamdaman. Pero kung hindi..

Siguro tatanggapin ko nalang kahit masakit.

"Baka matunaw ako niya." bigla sabat ng lalaking kanina ko pa palang tinititigan.

"S-so-sorry." sabay iwas ng tingin sa kanya. Jusko baka maulit yung kagabi kung hindi pa ako iiwas ng tingin.

"Okay lang. Natural lang na tumitig ka sakin. Sa gwapo ko ba namang ito."

Hayys yan na naman siya. Bumalik na ang totoong Charles. -_____- Kahit totoo naman ang sinasabi niya.

"Ewan ko sayo. Tara na umuwi na tayo, baka hinahanap na tayo nila Best." at bumaba na ako ng kotse.

Grabe ang sakit ng leeg ko. Ngayon ko lang naramdaman. Nakastiffed neck ata ako.

"Let's have a breakfast first. Para mamaya mag-aayos na lang tayo ng gamit." sabi niya pagkababa niya rin sa bubong ng kotse niya.

"Ang bilis ng oras no? Akalain mong tapos na agad ang one week stay natin sa resort nyo. At bukas eh balik na naman tayo sa magulong buhay sa Maynila."

"Ang drama mo. Sumakay ka nalang ng kotsa para makapag-almusal na tayo." sagot nito at pumasok na ng kotse.

Bipolar talaga itong kumag na ito. Kagabi ang sweet sakin ngayon naman balik na naman siya sa pagiging masungit niya. Ito ba talaga ang lalaking nagustuhan ko? Hayy buhay.

Habang nasa byahe kami ni Charles papunta kung saan man kami kakain. Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Paano ba naman eh ang sakit talaga ng leeg ko. Hindi ko maigalaw pakanan. Sobrang sakit talaga. At mukhang napansin ata ng katabi ko ang kinikilos ko.

"May stiff neck ka?" tanong niya ni hindi man lang lumilingon sakin.

"Oo. Kasalanan mo kasi ito." pabulong kong sagot.

"What?" tss nag english pa.

"Sabi ko Oo. May stiff neck nga ako." pasigaw kong sagot.

At sa wakas lumingon din siya sakin. "Huwag kang masyadong magalaw. Mawawala din yan mamaya." sagot niya at binalik niya ulit ang tingin niya sa daan.

At dahil sa masunurin ako, hindi ko na ginalaw yung leeg ko. Mukha tuloy akong tangang nakabend ang leeg pakaliwa. Hindi ko talaga maidiretso kasi sobrang sakit.

Huminto kami sa Mcdo. Uyy namiss kong kumain dito. Akalaing mong kumakain din ang mokong na ito dito.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sakin pagkapasok namin ng Mcdo.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon