Chapter 23 - LQ!?

918 22 0
                                    

Chapter 23 - LQ!?

Jackie's Pov

Ready na ba lahat ng dadalhin ko? Naiready ko na ba ang lahat??

Damit ... Check!

Undies ... Check!

Lotion and Sunblock ... Check!

Flipflops .. Check!

Toiletries .. Check!

Nandito na lahat! Kompleto na ba??? Oo kompleto na!

Dinodouble check ko kasi ang mga gamit na dadalhin ko sa outing. Anytime kasi darating na si RP para sunduin ako. Inaantok pa nga ako eh. Paano ba naman hindi ako makatulog dahil doon sa... Ay ewan!! Kalimutan mo na yun Jackie!! Hindi pwede yang iniisip mo! Hindi talaga pwede! Siguro itutulog ko nalang ito mamaya pag nasa byahe na kami.

Alas kuwatro palang ng umaga at anytime darating na si RP. Nandito ako sa salas namin at hinihintay siya. Nagpasya muna akong kumuha ng inumin habang hinihintay siya. Nakakauhaw kaya ang mag-hintay!

Kumuha ako ng juice at naglagay ako sa baso. Kumuha narin ako ng sandwich na nasa ref. Naalala ko.. Hindi pa pala ako nag-aalmusal.. Hehe. Habang kumakain ako sa kusina, bigla dumating si Mama. Oo nga pala ganitong oras nga pala gumigising si Mama para magluto ng almusal.

"Good Morning ma!" bati ko kay Mama sabay kagat ng sandwich ko. Hmmm Tuna sandwich!

"Good morning din. Hindi pa ba dumadating si Charles?" tanung ni Mama habang tumitingin ng pagkain sa ref. Nilabas niya ang natirang ulam kagabi at ilang itlog din.

"Hindi pa po." sagot ko.

"Alam mo Jackie.." at lumapit siya sakin.

"Nakikita kong masaya ka ngayon."

"Po? Paano ninyo po nasabi?" tanung ko. Woah.. Nakakapanibago si Mama ngayon.

"Kasi iba ang ngiti mo kagabi habang kasama mo siya. Bihirang-bihira kong makita ang mga ngiti mong iyon. Sobrang bihira anak. Kaya alam kong masaya ka sa kanya. At sa nakikita ko naman eh mahal ka talaga niya." sabi ni Mama

Kung alam nyo lang Ma!

"Talaga po? Hahaha. "Iyon lang ang naging sagot ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kay Mama eh. Kasi hindi naman talaga totoo na mahal ako RP. Hayy nakakaguilty!

"Kaya Jackie.. Magenjoy ka lang ngayon sa outing nyo ah. Mag-iingat kayo."

Nilagay ko na sa labado ang mga pinagkainan ko at lumapit ako kay Mama para yakapin siya.

"Opo Ma. Thank po talaga Ma!" sabi ko habang nakayakap kay Mama.

"Sus.. Naglalambing ang dalaga ko. Hahaha"

*beep! beep!*

Nandyan na si RP. Bumusina na.

"Oh nandyan na ang boyfriend mo. Tama na lambing. Haha ingat ka doon Jackie ah!" tinanggal ko na ang pagkakayakap ko kay Mama.

"Opo Ma! Sige po alis na po ako." hinalikan ko muna sa pisngi si Mama at saka tumakbo papuntang salas para kunin ang mga bag ko.

Pagkalabas ko, nasa labas narin si RP. Lumapit siya sakin at kinuha ang mga gamit ko at nilagay sa likod ng kotse.

"Halika na. Sumakay ka na." sabi nya pagkatapos niyang mailagay ang mga gamit ko.

"Okay." at binuksan ko na ang kotse. Nagulat ako nang makita ko si Best at si Jae sa loob ng kotse. Teka? Sinundo niya rin si Tricia?

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon