Chapter 36

724 25 0
                                    

Chapter 36

[Jackie's Pov]

Pangiti-ngiti akong nakahiga ngayon sa kama ko habang yakap ko ang teddy bear na binigay niya. Nakakatawa man isipin, pero parang bumalik ako sa pagiging teenager sa ginagawa ko.

Kinikilig kasi ako everytime na naalala ko yung nangyari kanina. Na nagkaaminan na kami at nagdesisyon na gawin na itong totoo. Hmmm ang sarap pala sa feeling nito. Ang feeling na mainlove.. Lalo dun sa taong kayang suklian yung pagmamahal na yun.

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na may gusto pala siya sakin. All of this time eh mukha ako tanga kaiisip na hindi niya ako magugustuhan.

Eh kasi..

Sino bang magkakagusto sa isang tulad ko? Na hindi naman maganda, hindi sexy, hindi rin ganun katangkaran at mas lalong hindi babaeng kung kumilos. Lagi pang nakasigaw kung kausapin siya. Kaya hanggang ngayon hindi parin magsink in sakin na..

Its Official!

Not that as official talaga.. Anong akala niya? Na after kong umamin at pati siya eh kami na? Hahaha nagkakamali siya! Hahaha. At yan din ang dahilan kung bakit pangiti-ngiti ako ngayon.

Flashback

"Tara pasok na tayo sa loob, medyo malamig na dito." aya niya sakin after namin tignan ang magandang view dito.

Tinigan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Oh God.. Ang tagal kong hinintay to. Sa wakas nagkatotoo rin.

Napansin niya atang nakatingin ako sa kamay namin, kaya itinaas nya yun at hinalikan ang kamay ko.

"Hindi ka parin ba makapaniwala?" nakangiti niyang sabi. At yung ngiti na yun ay yung ngiti na pinakita niya sakin noong nasa Subic kami.

Tumango ako bilang tugon sa kanya.

Pumunta siya sa likod ko at niyakap ako.

"Kahit din ako. Hindi ako makapaniwala na inlove ako sayo." narinig ko siyang tumawa. "Sino ba naman kasing magkakagusto sa isang babaeng napakaingay?"

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Thanks for ruining my mood! Mr. Harrison!" sarcastic kong sagot.

Siya naman tawa ng tawa. Pinagtitripan na naman ako ng isang to! At dahil sa inis ko, nagwalkout ako. Pero bago ko man magawa yun eh hinila na naman niya ako at niyakap.

"Hindi pa kasi ako tapos.. Walkout ka agad dyan eh! " at tumawa na naman siya. Pumipiglas ako sa pagkakayakap niya, pero mas lalo niya ito hinigpitan.

"Sino ba naman kasi talaga ang magkakagusto sa isang babaeng napakaingay, lalaki kung kumilos at mas siga pa sakin. Haha" kailangan niya talagang sabihin yan? Nakakainis na ahh!

"Pero wala akong pake kahit ganun ka.. Kahit na maingay ka, kahit na siga ka pa, kahit na pinipilosopo mo ako, kahit na hindi ka naman ganun kaganda, kahit na hindi ka ganun kayaman, kahit na iniinis mo ako. Kahit na ano.. Kasi bago ko man mahalin ang ikaw.. Eh mas una kong minahal ang mga flaws mo. At hinding-hindi ako magsasawa mahalin yun. "  sincere niyang sabi habang yakap yakap niya ako.

Hindi ko maiwasan ang hindi umiyak sa sinabi niya. Na minahal niya muna ang mga flaws ko bago ako. Ang sarap sa feeling na natanggap niya ang pagiging ako. Pero no choice naman talaga siya na tanggapin yun. Minahal niya ako eh.

Narinig niya akong humihikbi, kaya humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at hinarap niya ako sa kanya.

"Why are you crying? " tanong niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon