Chapter 47

591 23 0
                                    

Chapter 47

"Amanda?" bulalas ni Charles. Halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"Miss me?" nakangising sagot ni Amanda.

Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa, tila ba may dating koneksyon na bumabalot sa kanila, na tila ba'y isa akong hadlang dito.

"W-what are you doing here?" nauutal na tanong ni Charles na hindi makatingin kay Amanda.

Lumapit si Amanda kay Charles at naghalukipkip sa harap niya.

"Well, Mamita just invited me here for dinner. " sabay ngiti kay Charles.

Napahawak nalang ako sa kamay ko na binitiwan ni Charles kanina. Gusto kong umalis at tumakbo palabas pero ayaw gumalaw ng paa ko. Tila ba'y nakapako ito sa sahig.

Gusto kong tanungin kay Charles kung sino siya at bakit parang hindi siya makatingin dito. May nangyari ba hindi pa sinasabi ni Charles?

Mas lalo kong napagtanto na hindi ko pa talaga lubos na kilala si Charles..

"Why? Why are you here?" sagot ni Charles sa wakas nakatingin na ito sa babae.

"Why baby? Don't you miss me?" mas lalo itong lumapit kay Charles at si Charles naman napaatras. Napahalakhak naman ang babae sa ginawa ni Charles.

"Hahaha! Hanggang ngayon parin pala may epekto parin ako sayo! " sabay smirk kay Charles.

"Damn you Amanda!" sigaw ni Charles.

Hindi pinansin ni Amanda ang sagot ni Charles, sa halip tumingin ito sakin.

"Who is she?" sabay turo sakin.

Saka lang natauhan si Charles na kasama niya pala ako, para siyang namutla ng malaman niyang katabi niya ako. Pero agad din itong nawala at inakbayan ako.

"My fianceé" diretsong sabi ni Charles.

"Your Fianceé? Hahahaha really? " taas kilay niyang sabi.

Mas lumapit ito ng husto kay Charles at tila may binulong ito dito. Hindi ko narinig kung anuman ang binulong ni Amanda kay Charles pero base sa nakikita ko, mas lalong nag-igting ang panga ni Charles sa binulong nito.

Tumatawa itong umalis sa harap namin.

Pag alis ni Amanda, agad akong nilingon ni Charles sa kanya.

"Are you okay?" tanong niya sakin.

Parang ako dapat ang natatanong niyan sa kanya.

Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Naguluhan ako sa mga nangyari ngayon, ang daming tanong na nasa utak ko na hindi ko alam kung itatanong ko ba o hindi.

Pero minabuti ko munang magmasid. Gusto ko pag natanong ako sigurado na ako sa itatanong ko.

Pagpasok namin sa loob ng mansion nila Charles agad kaming sinalubong ni Tita Carla.

"Hi Jackie! Its nice to see you again!" nakangiti sabi ni Tita at nakipagbeso sakin.

Pinilit kong iwaksi saakin isipan ang nangyari kanina. Pinilit kong maging masaya dahil ito ang gabing sasabihin namin na ikakasal na kami.

"Its nice to see you again Tita! Namiss ko po kayo!" masigla kong sabi.

Lumingon ito kay Charles na katabi ko ngayon na tila malalim ang iniisip.

"Charles anak, dalhin mo na yang girlfriend mo sa garden. Nandun na sila Mamita." sabi ni Tita sa kanya, pero tila wala itong naririnig.

"Charles!" sigaw ni Tita.

"Oh! Yes Mom why?" gulat na tanong ni Charles.

"Sabi ko pumunta na kayo ni Jackie sa garden, nandun na sila Mamita." ulit ni Tita.

"Ahh okay." tipid na sagot ni Charles.

Nang makarating kami, masayang nakukwentuhan sila Mamita at Amanda.

Agad kaming lumapit at nakipagbeso kay Mamita.

"Its nice to see you again iha." bati sakin ni Mamita.

"Sa inyo rin po. " sagot ko at umupo na kami ni Charles sa harap nila mamita.

Si Charles parang hindi mapakali sa tabi ko.
Hindi na ako nakapagtiis at tinanong ko na siya.

"May problema ba Charles?" tanong ko sa kanya.

Agad naman siyang natauhan tanong ko. "Ahh w-wala naman! Okay lang ako Jackie." at ngitian niya ako. Pero alam kong pilit ito.

"Okay ngayon nandito na ang lahat, hindi na ako mapapatumpik-tumpik pa." basag ni Mamita sa katahimikan na bumabalot samin.

Tumingin sakin si Amanda na parang may sinasabi ang tingin nya sakin. Hindi ako mapakali, nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari.

"Jackie," tawag sakin ni Mamita kaya napatingin ako sa kanya.

"Po?"

"You met Amanda earlier right?"

"Yes Mamita. Bakit po?" naguguluhang tanong ko.

Ngumiti si Mamita. "So you already met the fianceé of my grandson."

"Mamita!" sigaw ni Charles.

"Po? F-fianceé ni Charles?" nanginginig kong sabi. Napahawak nalang ako sa kamay ko kung saan ko suot ang singsing na binigay ni Charles.

Fianceé? Paanong nangyari yun? Dalawa kaming fianceé? Pinagloloko ba ako ni Mamita?

Huminga ako ng malalim at tinawanan ang sinabi ni mamita. "Ayy si Mamita nagjojoke.. Sa katunayan po kaya po kami pumunta dito ni Charles kasi po sasabihin po namin na engaged na kami." lakas loob kong sabi.

"Jackie!" suway sakin ni Charles, pero hindi ako nagpatinag.

"Engaged? Haha! So umabot sa engaged ang pagkukunwari ninyong dalawa? Hanggang kailan nyo pa kaming pagmumukhain tanga huh! I'm so dissapointed to you Jackie! So Dissapointed! You don't have a right to be my grandson's fianceé!" galit na galit na sigaw sakin ni Mamita.

Hindi na ako nakapagsalita dahil natulala ako sa mga nangyari. Sobrang hiyang hiya ako sa harap ni Mamita at Tita Carla dahil nalaman nila ang panloloko namin ni Charles.

Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako. Ang sakit palang masabihan ng ganun. Sobrang sakit!

"Mamita! Hindi na po kami nagpapanggap ni Jackie! Totoo mahal ko sya at ganun din sya! At siya lang ang babaeng pakakasalan ko!" sigaw ni Charles sa lola nya. At sabay hinala ako patayo mula sa pagkakaupo ko.

"Tara na Jackie. Umalis na tayo sa walang kwentang bahay na ito!" sabi ni Charles.

"Charles.!"

Tumigil kami saglit sa paglalakad ng tawagin kami ni Mamita.

"Subukan mong tumapak palabas ng mansion na ito. Hindi ka na makakabalik kahit kailan!" sigaw ni Mamita.

"Then do it. I don't care." sagot niya at hinila na nya ako palabas.

****

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon