Chapter 35

717 21 1
                                    

Chapter 35

[Jackie's Pov]

"Saan mo talaga ako dadalhin? Kailangan ko ng umuwi!" sigaw ko sa kanya habang patuloy parin siya sa pag drive.

Pero hindi siya sumasagot, diretso lang ang tingin niya at patuloy lang sa pag drive. Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa kanya dito pero hindi niya talaga ako pinapansin.



Galit nga talaga siya..

Sino bang hindi magagalit sa ginawa ko?



Hayy..



Dahil tahimik, binuksan ko ang radyo. Hindi naman siya umangal.

Pinili ko nalang ang manahimik, kasi mapapaos lang ako sa pagsigaw dito eh hindi naman niya ako pinapansin.




Tumingin nalang ako sa bintana.
Sa totoo lang, gusto ko ng bumaba ng kotse. Feeling ko kasi nasayang lahat ng pag-iwas ko sa kanya nitong mga nakalipas na araw. Kasi ang bilis talaga ng tibok ng puso ko.



Naramdaman ko nalang na lumuluha na pala ako.



Bakit ako umiiyak?


Kasi ano? Naiinis ako sa sarili ko? Tsk.. Bakit pa kasi ako nafall sa lalaking to eh. Tapos pinipilit ko na nga lumayo pero ano ang ginagawa niya? Lapit parin siya ng lapit. Hindi naman siya ganito dati eh. Bakit bigla nalang siyang naging ganito?



Palihim kong pinunasan ang luha ko. Baka kasi mahalata niya. At palihim ko din siyang tinignan.



Oh God.. I really missed him! Pero kailangan talagang pigilan kasi hindi pwede.



Kasi alam kong hindi naman siya magkakagusto sakin.



Hindi talaga..


[Charles Pov]


Patuloy parin ako sa pagdrive kahit sinisigawan ako ng katabi ko ngayon. Oo inaamin ko na galit ako sa kanya. Kasi bigla nalang siyang hindi nagparamdam. Hindi sinasagot ang tawag ko, mga text ko at kung anu-ano pa.



Nakita kong binuksan niya ang radyo. Hindi naman ako umangal.

♪Hello everyone. Here's is our last request song for the day. Hope you enjoy it.♪



Kaya nung nakita ko siyang naglalakad mag-isa sa mall ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon na puntahan siya at hatakin pasakay ng kotse ko.

♬ Sadya nga ba ang tadhana na, mula ng ikaw ay makita sinta.♬

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta gusto ko lang siyang makasama. Gusto ko siyang asarin, gusto ko siyang pangitiin. Basta gusto kong gawin yun!

♬ Kislap ng 'yong mata ay nadarama..♬

I'm kinda miss her. ..

♪ ikaw na nga.. Ikaw na nga..♪

I missed her laugh, her sarcastic answers to me and her beautiful face. I don't know.



♪ At sa paningin pag ikaw ay wala..♪


Basta namimiss ko talaga siya. ..

And this few days is like a hell to me. Kasi parang iniiwasan niya ako and i don't know why? Kung may nagawa ba ako na ikinaiiwas niya.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon