Chapter 14 - Date?!

1.2K 24 0
                                    

Chapter 14 - Date?!

Charles Pov.

Nandito ako sa sasakyan ni Jae at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Mukhang naging close agad si Jae at yung bestfriend ni Megaphone. At nagkasundo sila kung saan pupunta.

"Hoy! Jae! Ano bang pumasok sa utak mo at niyaya mo sila Megaphone?" tanung ko kay Jae na nagmamaneho.

"Hmmm... Wala lang. Gusto ko lang makilala yung tinatawag mong Megaphone." sagot niya habang patuloy parin sa pagdadrive.

"Eh diba nakita mo na at nakilala mo na kanina? Hindi pa ba sapat yun at nakuha mo pang imbitahan sila. At mukhang close agad kayo nung bestfriend niya ah!" sagot ko.

Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nung bestfriend ni Megaphone ay Tricia Jimenez. Tama ba? Hmmm parang pamilyar, parang narinig ko na kung saan..

"Eh sa gusto ko pang makilala ng lubusan eh. Bakit selos ka?" at ngumiti ng nakakaloko itong sira ulo.

"Gago! Bakit naman ako magseselos huh?"

"Hmmm ewan.. Hahaha! Manahimik ka na nga lang Charles! Hindi ako makapagfocus sa pagmamaneho dito. Ang tagal ko na kasi since huli akong nakapunta dun." sagot niya.

"Saan nga kasi tayo pupunta!"

"Just watch and see."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya at tumigin sa side mirror kung saan nakikita kong nakasunod ang kotse ng bestfriend ni Megaphone.

Hayy.. Sana maging maayos itong araw na ito.. -_____-"

Jackie's Pov

"Bessy naman eh! Bakit ka pumayag dun sa Bestfriend ni Rapist! Akala ko ba bonding time natin ito!" pagmamaktol ko sa loob ng kotse ni Tricia. Siya naman busy sa pagsunod dun sa kotse ng bestfriend ni Rapist.

"Wala lang. Ang cute kasi niya eh." napafacepalm nalang ako sa sinabi niya.

Sabi na nga ba eh. Kaya ito pumayag kasi nakursunadahan niya yung bestfriend ni Rapist. Hindi naman ito basta basta sasama sa mga nagyaya sa kanya kung hindi nya natipuhan yung nagyaya. Hayy napapakamot nalang ako sa sobrang inis. ヽ(*≧___≦)ノ

Bigla itong lumingon sakin pagkatigil ng kotse namin. May stop light kasi kaya tumigil.

"Joke lang. Ito naman. Gusto ko kasi makilala yung lalaking kumuha ng pinakaiingatan mo. Saka wala naman masama kung sumama tayo sa kanila. Makakapagbonding parin naman tayo. Ayaw mo nun, naiba naman ung hangout place natin, hindi na puro mall lang. Kaya pagbigyan mo na ako. Ngayon lang naman eh. Huh!" sabi niya habang nakatingin sakin.

At ano pa nga ba ang magagawa ko kundi pumayag. May magagawa pa ba ako eh nasa loob ng ako nitong kotse at hindi ko alam kung saan kami dadalhin nila Rapist. Hayy sana naman maging maayos nga!

After 30 mins, nandito na kami sa parking lot ng hindi ko alam na lugar. Nakatulog kasi ako sa byahe at kanina lang ako nagising habang nagpapark si Tricia. Nakita kong lumabas na ng kotse yung bestfriend ni Rapist at kasunod nito si Rapist. So lumabas narin kami ni Bessy sa loob ng kotse.

"Nasaan tayo?" sabay naming tanung ni Rapist. Talagang sabay pa kami ah, don't tell me nakatulog din siya kagaya ko?

"Just watch and see.." sabay na sagot nung dalawa at nag-apir pa. Close na agad sila ah!

After 100000000 years na kakalakad.. Di joke.. after ilang minuto lang naman na paglalakad nakita ko na kung nasaan kami at labis akong nagulat.

"Enchanted Kingdom!" sigaw namin ni Rapist.

He stole my Virginity and my HEART?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon