Chapter 1

237 16 2
                                    

TINO

      Tumingala ako sa itaas habang sinasalubong ang mabagal na pagbagsak ng mga pinong butil ng ulan.Unti-unti nitong pinapawi ang pagod na namayani sa aking katawan mula sa natapos na pakikipaglaban.Hindi ko batid kung ano ang kasalukuyang itsura ko sa mga sandaling ito subalit may hinuha akong napakarumi ko sapagkat nababahiran ako ng mga pinaghalo-halong mga dugo mula sa mga nakalaban.Nanunoot ang lansa ng mga ito sa aking ilong subalit wala akong magawa kung hindi ang tiisin ito dala na rin nang kapaguran na nararamdaman.

Habol ang hiningang napaupo ako sa tigang na lupa na unti-unti'y binabasbasan ng kalangitan.Sinimulan kong sariwain sa aking isipan ang mga pangyayari bago humantong sa ganitong tagpo.

Ito ang araw na kinakailangan na naming lisanin ni Elias ang aming binuong mundo dulot ng nagbabadyang panganib.Panganib mula sa mga panibago't dating kalaban.Subalit hindi lubos namin akalain na binabantayan na nila pala kami't nakahanda nang umatake.Wala kaming nagawa ni Elias kung hindi ang makipaglaban.

Sa buong tagal ng labanan ay nasa tabi ko si Elias upang bigyan ako ng proteksyon.Batid kong kapwa kaming nahihirapan sa mga pagkakataong ito dahil na rin sa tagal naming hindi pagiging aktibo sa larangan ng pakikipaglaban,lalo na ako't walang kakayahan ang aking mga mata na makakita.Umaasa lang ako sa aking pandamdam.

" wala na sila " mahinang wika ni Elias sa pagitan ng kaniyang habol na paghinga.Lumingon ako sa pinagmumulan ng kaniyang boses,bagaman hindi ko nakikita ang kaniyang itsura,batid kong pagod rin ito katulad ko.Marahil kailangan ko nang tanggapin ang panibagong katotohanan,tuluyan nang nagsara ang aklat na naglalaman ng aking kalayaan,at sa mga pagkakataong ito,sinisimulan ko ng iulat ang aking hinaharap.

Katahimikan ang namagitan sa amin ni Elias habang patuloy na nagsisibagsakan ang malalakas na ulan.Ang musikang nililikha ng ulan ang siyang pumapawi sa lumulukob na pagod sa aming katawan.

Kanina,tuluyan na nga kaming nilusob ng mga kalaban.Mga mababangis na nilalang na ngayon ko pa lamang nagawang makalaban.Noong una'y gumugulo sa aking isipan kung ano ang pinagmulan niyon hanggang sa maglaon ay nasagot ko na ang bagay na iyon,nahanap ko ang pagkakatulad ng enerhiyang inilalabas ng mga halimaw at sa salamangkang bumabalot sa kay Dahlia.Sigurado akong si Dahlia ang nagpadala ng mga iyon upang tugisin ako.

Isang malakas na busina ang gumulantang sa amin ni Elias kaya naman kapwa kaming napahanda sa aming sarili.

" Elias?!Tino?! " narinig kong tawag sa pangalan namin ng pamilyar na boses.Napanatag ang aking dibdib nang makilala ang may-ari niyon.

" Mira!! " puno nang kagalakan kong tawag sa pangalan ng babae.Narinig ko ang papalapit na mga yabag patungo sa aming direksyon.Isang mainit na yakap ang sumalubong sa akin mula sa mga bisig ni Mira.

" anong nangyari?! " puno nang pag-aalala nitong tanong.Tahimik lang naman ako habang sinusuklian ang kaniyang mga yakap.

" natunton kami ni Dahlia at nagpadala na nga ito ng mga halimaw,hindi ko na nagawang mapigilan dahil nawala na ang harang na nilikha ni Apong Langkay,marahil kagagawan din iyon ng bruhang iyon " narinig kong paliwanag ni Elias.Maingat na kumalas si Mira sa aking bisig.Hindi ko man ito malayang nakikita subalit nahihinuha ko'y nababahala ito sa nangyari at sa mga mangyayari.

" pasensiya na't nahuli ako ng dating,nabahiran pa tuloy ng dumi ang iyong mga kamay " sinserong paumanhin nito.

" kailangan na nating makaalis sa lugar na ito,malakas ang kutob kong lulusob pa rin ang mga halimaw na iyon " wika ni Elias.Agad namang kumilos si Mira upang alalayan ako patungo sa direksyong pinagmulan nito.

Mahaba-haba ang naging biyahe namin.Halos ilang oras na akong nakaidlip subalit nararamdaman kong patuloy pa rin sa pagmamaneho ng sinasakyang kotse ni Mira.Hindi ko alam kung saan kami pupunta,wala naman silang sinabi sa kung saan.May hinuha akong baka sa mundo ni Apong Langkay kami tutungo.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon