TINO
Napuno ng pananabik at kagalakan ang aking dibdib habang tinatahak namin ang daan papasok sa bumukas na lagusan.Hindi ko na maalala ang kariktan ng mundong nilikha ni Apong Langkay para sa mga katulad naming nilalang upang mailayo sa mundo ng mga mortal.Ilang taon din akong nawalan ng paningin at ngayong muli na akong nakakakita,hindi na ako makapaghintay na muli itong masilayan.
" saan tayo pupunta? " nagtatakang tanong ni Valen habang inililibot ang paningin sa maliit na lagusan.
" pupunta tayo sa iyong magiging tahanan " nakangiti kong wika habang nakatuon ang atensyon sa harapan.Samantalang tahimik lang naman si Mark sa aking tabi na tila manghang-mangha rin sa kaniyang nasasaksihan.
Makaraan ng ilang paglalakad,nakikita na namin ang kakarampot na liwanag sa aming unahan.Nangangahulugan lamang na malapit na kami.Dala ng pagkasabik ay mas binilisan ko pa ang aking paghakbang na siya namang sinundan ng dalawa hanggang sa tuluyan na nga kaming iluwal ng nasabing liwanag.
Sinalubong kami ng malamig at preskong ihip ng hangin na tila ba'y inaasahan na nito ang aming pagdating.Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid hanggang sa sumilay sa labi ko ang malapad na ngiti habang nakatingin sa mapayapang mundo ni Apong Langkay.
" ano'ng lugar ito!!! " manghang-manghang bulalas ni Mark habang ang mga mata'y nakapako sa tanawing nasa kaniyang harapan.Gumawi ang aking tingin sa batang kasama,tahimik lang ito habang nakatingin sa palibot.
Yumukod ako at ipinantay ang sarili sa kay Valen,pinaharap ko siya sa akin at laking gulat ko nang bigla na lamang itong humikbi.
" bakit anong problema? " may pag-aalala kong tanong sa kaniya.Sandali niya munang itigil ang kaniyang paghikbi at marahang pinunasan ang mga nagkalat niyang mga luha gamit ang kuwelyo ng kaniyang suot na blusa.
" wala po,natutuwa lamang ako dahil sa wakas may lugar na po akong matatawag ko na tahanan " aniya na siyang nagpangiti sa akin.
" oo at naniniwala akong ligtas ka rito " tugon ko't nagpakawala ng isang matamis na ngiti.
Inayos ko na ang aking pagkakatayo bago namin simulang bagtasin ang daan patungo sa lugar kung nasaan si Apo Langkay at ng mga ibang nilalang na naninirahan.
Nararamdaman ko ang kasiyahan sa dalawang kasama habang hindi mapirme sa isang direksyon ang kanilang mga atensyon.
Makaraan ng ilang sandali,natanaw na namin ang mga kabahayan,napapangiti na lamang ako habang papalapit dito.
" si Tino!!!! " narinig kong sigaw ng hindi nakikilalang boses.Agad ko namang inikot ang aking paningin sa paligid hanggang sa dumapo ito sa isang nilalang na nakatayo sa malaking ugat.Isang duwende.Agad ko naman itong kinawayan at bakas sa mukha nito ang kasiyahan mula sa aking ginawa.Ilang sandali pa'y sunod-sunod na nagsilabasan mula sa loob ng malaking puno ang mga kalahi nito bago magsitakbuhan palapit sa akin.
Bakas ang kasiyahan nila sa muling pagkakita sa akin at ganoon din naman ako lalo na ngayong muli nang nanumbalik ang aking paningin.
" Tino! " tawag pa nila sa aking pangalan at tanging ngiti lamang ang siyang aking naging tugon para sa mga ito habang patuloy na naglalakad patungo sa lugar kung saan nananatili si Apo Langkay.
Maraming pang ibang nilalang ang nakapansin sa amin habang nasa daan pa lamang kami at ang iilan sa kanila ay natutuwang muling masilayan ako samantalang ang iba sa kanila'y tila walang pakialam sa muli kong pagbabalik sa kanilang mundo,gayunpaman hinayaan ko na lamang sila sapagkat hindi ko naman hawak ang kanilang mga damdamin para sa akin.
Dinala kami ng aming mga paa sa tapat ng isang pamilyar na bahay.May kalumaan na ito subalit hind pa rin nawawala ang hiwaga nito.
" nais sana naming makausap si Apo Langkay " pakiusap ko sa nilalang na nakabantay sa gilid ng malaking pinto.Tiningnan muna ako nito mula ulo hanggang paa bago niya kami pinagbuksan.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...