TINO
May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na mas nanaisin na lamang nating bumalik sa nakaraan.Ang buong akala kasi natin magiging masaya tayo sa ating hinaharap,iyong mahahanap natin ang sarili natin,mabubuo tayo.Subalit hindi pala ganoon ang buhay,patuloy ka pa rin pala nitong susubukin at hahamakin ang ating paglalakbay.Kung mahina ka,talo ka.
" maggagabi na,uwi na tayo " ani Luied.Naramdaman ko itong nauna ng tumayo habang ako naman ay nanatili pa rin sa aking kinauupuan.Nagpakawal muna ako ng mababang buntong-hininga bago tuluyang tumayo.
" tara na " aya ko sa kasama at nagsimula na kaming maglakad subalit kaagad ding naantala ng maramdaman ko ang presensiya ng nasa higit limang bultong nakatayo sa aming harapan.Hindi ko na kailangan pa manghula kung sinu-sino ang mga iyon sapagkat kabisado ko na ang kanilang mga presensiya ayon na rin sa lakas na inilalabas nito sa kanilang mga katawan.
" tapos na ba kayong magligawan? " wika ng biluging boses.Agad namang lumikha ng nakakairitang ingay ang mga kasamahan nito na tila ba ang kaniyang sinabi'y isang nakakatawang biro.Subalit sa halip na bigyang pansin ay nilampasan na lamang namin ito at nagpatuloy sa paglakad.
" hoy!huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita! " bulyaw nito sa amin subalit katulad kanina'y hindi namin ito pinansin.
Hindi pa man kami nakakalayo ng biglang pumailanlang sa paligid ang isang enerhiya at ang sunod na nangyari ay ang maramdaman kong pagtama sa akin ng malakas na puwersa dahilan upang tumilapon ako sa damuhan.
" Tino! " narinig ko pang sigaw sa pangalan ko ni Luied.Bumangon ako't inayos ang aking pagkakatayo.Hindi na rin masama ang kaniyang atake.Sapat na iyon upang ang masabik ang dugo ko sa pakikipaglaban.
Inihanda ko ang aking sarili at tinalasan ang aking pandamdam.Lumabas na din ang kanilang pagkukubli.
Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa pabalik sa kaninang kinaroroonan na para bang walang nangyari.Pinunasan ko ang tumulong likido sa aking bibig.Tumigil ako sa harapan nito.
" hindi mo na natiis na ikubli pa ang iyong sarili " nakangisi kong wika at bago pa man ito muling makapagsalita ay mabilis nang kumilos ang aking katawan at kaagad na ipinulupot ang aking mga binti sa leeg nito't buong lakas na ibinagsak sa lupa ang aming mga katawan.Narinig ko pa ang malakas na pagsinghap ng mga kasamahan nito at akmang susugurin pa ako ngunit ipinaubaya ko na muna iyon sa kay Luied.
Nanatiling nakakulong pa rin sa aking pinaglingkis na mga binti ang naturang lalaki habang unti-unting kinakapos sa paghinga.
" alam kong sa una palang ay alam niyo nang darating ako hindi ba,may katanungan lamang ako na hinahanapan ko ng kasagutan at sana'y maibigay mo ito " kaswal kong tanong habang binibigyang puwersa ang aking mga binti.Sa kabilang banda'y nararamdaman ko na nahihirapan na ang lalaki sa kaniyang sitwasyon.Iyon naman ang nais ko sa simula palang,ang mahirapan siya.
" sino? " tanong ko sa kaniya.
" h-hindi ko s-sabihin sa iyo! " aniya't buong lakas na hinawi ang aking binti sa kaniyang leeg.Kaagad naman akong lumayo sa kaniya.
" papatayin muna kita sa aking mga kamay at sa paraan iyon makikilala mo kung sino ang iyong hinaha---! " hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong tapusin ang kaniyang sasabihin at kaagad itong pinutol.
Kasalukuyan akong nakatayo sa likuran niya habang nasa palad ko naman ang tumitibok nitong puso.Wala na akong sapat na oras para makipagtalastasan pa sa kung anu-anong paksa.Maiksi na lang ang pasensiyang mayroon ako.Lumapit ako sa kaniya't itinapon sa kaniyang harapan ang minsan niyang pagmamay-ari.
" pakidala itong sasabihin ko sa inyong pinuno,sabihin mong nakahanda na ako " nakangisi kong pahayag bago ibaon ang mahahaba kong mga kuko sa leeg nito.Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan nito sa lupa habang sumasabay naman sa ihip ng hangin ang masangsang na amoy ng kaniyang dugo.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...