TINO
Kakatapos lang namin kumain ni Mark at kasalukuyang binabagtas namin ang malapad at magulong kalsada pabalik sa aming pansamantalang tutuluyan ngayong gabi.Bagaman malapit nang maghating-gabi'y kapansin-pansin pa rin ang ingay at sigla ng nasabing nayon.Kapwa kaming dalawang tahimik habang naglalakad,inaalalayan pa rin ako ni Mark sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang braso ayon na rin sa kaniyang kagustuhan.Hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang nais sapagkat sa pagkakaalam niya'y ako isang bulag pa rin.
Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang inoobserbahan ang naturang lalaki at ingat na ingat ito sa pag-aalalay sa akin.
" malayo pa ba tayo? " pagbubukas ko ng mapag-uusapan kahit alam ko naman na malapit na kami sa bahay-panuluyan.
" may mga ilang kanto pa " aniya pero sa ibang direksyon nakatuon ang kaniyang atensyon kaya sinundan ko naman ito ng tingin.
Ang kaniyang mga mata'y nakatutok sa mga panindang nakakalat at nakasabit sa mga bangketa sa gilid ng kalsada.Marahil nahihiwagaan siya sa kung ano ang mga bagay na iyon.
" baka may gusto ka pang daanan bago tayo bumalik,maaga pa naman ang gabi at kakakain lang din natin " wika ko.Nakita kong tila nag-isip pa ito at may pag-aalinlangan pa sa kaniyang mukha.
" ayos lang naman sa akin " dugtong ko pa.Hindi naman nakatakas sa akin ang paglambot ng kaniyang mukha at pagguhit ng kasiyahan.Pinagkaitan ng kabataan si Mark kaya alam kong kahit nasa wastong edad na ito'y nananatili pa rin sa kailaliman ng kaniyang puso ang pagiging bata.At sino ba naman ako na katulad niya'y pinagkaitan din ay gagawin iyon sa kaniya.
Naramdaman ko ang mahina nitong paghila sa akin,wala naman akong nagawa kung hindi ang magpatianod na lamang sa kaniya.Lihim akong napapangiti habang pinagmamasdan itong nakatingin sa mga bagay na nasa bangketa.
May mga tindang makukulay na pulseras,kuwintas,hikaw at kung anu-ano pa,maaaring pambabae o panlalaki,lahat meron.
" may nagustuhan ka ba? " usisa ko.Mukha kasing hindi siya makapag-desisyon sa kung ano ang kaniyang bibilhin sa sobrang daming mapagpipilian.
" ang dami,hindi ko alam kung ano ang mas maganda! " naguguluhan niyang bulalas.
"kung gayon,pumili ka ng para sa iyo at sa kapatid mo,para sa oras na magkita kayo'y mayroon kang iri-regalo sa kaniya " suhestyon ko naman.Sandali naman itong natigilan at waring nag-isip.Marahil tinitimbang niya kung susundin ba ang suhestyon ko o hindi.
" sige " pinal niyang desisyon.
" sana'y magustuhan niya " nangingiting sabi niya habang iniaangat sa liwanag ang napiling pulseras.Pabalik na kami sa bahay-panuluyan." sigurado akong magugustuhan niya yan kaya huwag mong iwawala " wika ko naman na siya niyang tinanguhan habang hindi naalis sa pulseras ang kaniyang paningin.
Isang kanto na lamang ay nasa bahay-panuluyan na kami.Panay ang kuwento ni Mark habang naglalakad kami at ako naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kaniya.Bago kami tuluyang makarating ay may madadaanan kaming isang looban,madalim sa loob niyon at parang bihira lang ang dumaraan dito kaya noong dumaan kami bigla kaming tigilan dahil may narinig kaming mga kaluskos at malakas na pagbagsak.
Tinalasan ko ang aking pandama at inihanda ang aming mga sarili dahil baka kalaban ang mga ito.Subalit kapwa kami natigilan ni Mark nang marinig ang paghikbi at base sa timbre nito'y mula ito sa isang babae.Bumitaw ako sa kamay ni Mark at nilapitan ang gawing iyon,kaagad naman akong pinigilan ng aking kasama.
" huwag na tayong makialam diyan " mahina nitong saway sa akin subalit hinayaan ko lang siya at nagpatuloy sa ginagawa.
Tumigil ako sa bukana ng nasabing looban,naramdaman kong may mga tao nga sa loob at tama akong mga pangkaraniwang tao lamang sila.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...