Chapter 12

70 5 0
                                    

TINO

     Kapwa kaming nagulat ni Luied nang maramdaman ang biglang pagyakap sa amin ng naturang babae.Hindi ko malilimutan ang babaeng tumulong sa amin ng araw na iyon.

" Clir? " pag-ulit ko sa pangalan nito habang kapwa kaming nakakulong ni Luied sa mga bisig nito.Narinig ko ang mahina nitong halakhak bago kumalas sa amin.

" ako nga! " natutuwa niyang tugon.Mabilis namang gumuhit sa labi ko ang matamis na ngiti nang kumpirmahin nito ang aking tanong.

" anong ginagawa mo rito? " pagsingit naman ni Luied.

" patungo ako ngayon sa kompanya't hindi ko inaasahang makita kayo rito,kayo ba saan ang tungo niyo't mukhang bihis na bihis kayo? " pahayag niya.

" patungo kami sa Mall,magliliwaliw " paliwanag ko naman.

" talaga?! " tila batang wika ni Clir.

" ipapasyal ko si Luied dahil nababagot na siya sa aming tinutuluyang panuluyan " sagot ko pa.

" parang gusto ko ring magliwaliw ngayon,tama!hindi na lang muna ako tutungo sa kompanya't sasama na lamang ako sa inyo " punong-puno nang kagalakan nitong pahayag.Hindi naman naming maiwasan ni Luied na magulat sa hindi inaasahan nitong pasya.Sa kabilang banda'y wala na rin kaming nagawa sa kaniyang nais,hindi na rin naman iba sa amin si Clir.

" maaari naman " ani ko.Tahimik naman si Luied na nakikinig lamang sa aming pag-uusap ni Clir.

" kung gayon tara na,dito na lamang kayo sumakay sa aking sasakyan " anyaya nito.Pinaunlakan na lang din namin ang kaniyang alok kaya naman maingat akong inanyayahang makapasok ni Luied sa loob ng sasakyan.

" anong gusto niyong gawin natin? " mahihimigan ang pagkasabik sa boses nito habang sinisimulang buhayin ang makina nito.Sa totoo lang wala naman akong nais gawin sa loob ng Mall,ang layunin ko lang naman ay samahan si Luied na pumunta roon upang mabatid niya kung ano ang nasa loob nito.

" nais kong masilayan ang inyong makabagong kagamitan " sagot ni Luied.

" makabagong kagamitan? " nagtatakang tanong ni Clir.

" iyon ang sinabi sa akin ni Tino,ang lugar na iyon ay naglalaman ng mga makabagong kagamitan dulot ng pag-usbong ng maunlad na teknolohiya " paliwanag nito sa kay Clir.Kung marahil nakakakita lang ako,batid kong nalilito't naguguluhan na ang naturang babae sa sinasabi ni Luied.

" marahil ang tinutukoy mo ay iyong mga escalator,elevator,at marami pang iba,oo maraming ganoong bagay sa lugar na iyon " ani Clir.

" bakit,hindi ka pa ba nakakita ng mga ganoong bagay sa lugar na iyong pinagmulan? " usisa ni Clir.Sa pagkakataong ito'y ako na ang nagkusang sumagot sa kaniyang katanungan.

" lumaki kami sa probinsyang malayo sa maunlad na lungsod katulad nito kaya wala kaming pagkakataong masilayan ang makabagong mga bagay likha ng teknolohiya " sagot ko.Marahil naunawaan naman kaagad nito ang aking sinabi dahil wala na rin akong narinig na salita mula sa babae.Itinuon na lamang nito ang kaniyang buong atensyon sa daan habang namamayani ang katahimikan sa loob nitong kotse.

Makaraan ng ilang sandali'y huminto na ang sinasakyang kotse.

" narito na tayo " kaswal na sabi nito bago marinig ang mahinang pagbukas ng pinto.Sumunod na rin kami.

" ito na ba ang tinatawag nilang Mall? " manghang usal ni Luied.

" oo " natatawang sagoti ni Clir.Hindi na rin kami tumagal pa sa lugar na iyon at kaagad na kaming gumayak papasok sa loob ng nasabing lugar.Inaalalayan pa rin ako ni Luied sa pagkakataong ito habang si Clir naman ay matiyang binibigyang paliwanag ang bagay na nakikita ni Luied.Samantalang ako naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanilang usapan.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon