TINO
Mahigpit kong hinawakan ang dulong bahagi ng aking tabak bago ito ibinaon sa katawan ng kalabang nilalabanan pa ang pagkuha sa kaniya ni Kamatayan.Naramdaman ko pa ang pagsirit ng sariwa nitong dugo sa aking mukha't sa gawing gilid na bahagi ng aking labi kaya hindi ko magawang hindi malasahan ito.
At sa kauna-unahang pagkakataon,naging masarap sa panlasa ko ang dugo.Kakaiba ang lasa nito na wala akong maikukumparang pagkain.Tumayo ako't binunot ang nakatarak na tabak.Pinakiramdaman ko ang aking paligid at wala naman akong napansing pagbabago.Wala nang kahit na anong enerhiya ang nakakalat sa paligid.
" tayo na " anyaya ko sa dalawang kasamahan.Nauna na akong maglakad.Malalaki ang aking mga binibitawang hakbang,kinakailangan na naming makaalis dito bago pa nila kami mapikot sa lugar na ito.Hindi sa kanila magiging alintana kung magsayang sila ng napakaraming buhay hangga't maisakatuparan lamang nila ang kanilang nais.Ang pagkulong nila sa amin sa silid na iyon ay isang palpak na estratihiya.
Ang buong akala nila na hindi ibig sabihing wala ng kakayahan ang aking mga mata'y magiging madali na lamang sa kanila ang paslangin ako.Nagkakamali sila,nais kong patunayan na hindi magiging hadlang ang bagay na iyon upang hindi ko mapabagsak ang kanilang organisasyon.
Umabot na sa sukdulan ang aking galit para tumigil pa sa aking ginagawa't magtago sa kanila.Tiniis ko ang lahat ng paghihirap at pasakit nila sa akin sa paraan ng pagkitil sa mga nilalang na malapit sa akin.
Sa aking Ina,sa aking Tiyo at sa kay Mira at Elias maging ang aking pinakamamahal na irog,si Troy.
Magbabayad sila.
Binilisan ko pa ang aking paglakad hanggang sa kusang huminto ang aking mga paa.Napangisi ako habang pinapakiramdam ang mga kalabang nakaabang sa amin.Wala na akong inaksayang oras at mabilis itong sinugod.Dahil sa aking pagsasanay sa mundo ni Eli ay mas higit na naging malakas ang aking katawan at pamamaraan sa pakikipaglaban.May malaking pagbabago sa aking bilis,lakas at tibay.Tinanggap ko na nang mga panahong iyon na wala na talagang pag-asa pang maibalik sa dati ang aking mga mata kaya nag-isip ako ng ibang paraan upang hindi na ako maging pabigat pa sa hinaharap.Sinisisi ko rin ang aking sarili sa pagkawala nila Elias at Mira sapagkat mas pinili nitong mailigtas ako't i-sakripisyo nila ang kanilang mga sarili.
Patuloy kung iniiwasan ang kanilang mga atake,at sa bawat hampas ng aking tabak ay mayroong buhay ang nawawala.Hindi sila nararapat na mabuhay.
Kaagad akong sumirko sa ere nang maramdaman ang gagawing pag-atake mula sa aking likuran.Mabilis kong inikot ang aking katawan at kaagad na ipinilupot ang aking mga binti sa leeg nito't buong lakas na ibinagsak sa sahig hanggang sa mabali't sumabog ang ulo ng kalaban.Kumawala ako't mabilis na iwinasiwas sa aking harapan ang aking sandata at ng makahanap nang pagkakataon ay kaagad ko itong itinarak sa dibdib ng naturang kalaban.
Makaraan ng ilang sandali'y muling natahimik ang paligid.Wala na akong maramdaman na bakas ng buhay mula sa mga kalaban.Sinimulan ko ng ihakbang ang aking mga paa subalit hindi ko inaasahan ang biglang pag-atake sa akin ng isang malakas na enerhiya na siyang naging dahilan upang tumilapon ako't bumagsak.
Sandali ko munang dinamdam ang sakit na namayani sa aking katawan bago muling nakabawi.Bumangon ako't inayos ang aking pagkakatayo.Naramdaman ko naman ang mabilis na paglapit sa akin ng dalawa.
" anong nangyari sayo? " usisa ni Luied.
" nakakatuwa! " natatawa kong usal bago mawala sa aking kinatatayuan.
Alam ko kung nasaan nagkukubli ang may likha ng atakeng iyon at sa tingin niya ba'y makakatakas siya sa aking pandama?.
Umipon ako ng lakas sa aking kamao at mabilis na pinakawalan ng suntok ang gawing harapan.Isang malakas na pagyanig ang naganap at pagkaguho sa bahaging iyon ng pader subalit hindi roon nakatuon ang aking atensyon sa halip ay sa nilalang na kumukubli roon.Naramdaman kong nagawa nitong makatakas bago pa man lumapat ang aking kamao sa kaniyang puwesto kaya maswerte siya sa pagkakataong iyon.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...