Chapter 7

107 12 1
                                    

TINO

      Ang naramdamang pagkirot sa aking balikat ang siyang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog.Marahan akong bumangon upang hindi ko masyadong maigalaw ng labis ang bahaging iyon ng aking katawan.Nanatili muna ako sa ganoong posisyon hanggang sa unti-unting mawala ang nararamdamang kirot.

" Elias? " tawag ko sa pangalan ng lalaki subalit laking pagtataka ko na wala akong nakuhang tugon mula rito kaya naman inulit ko pa ang pagtawag sa kaniya.

" Elias? " muli kong pagtawag subalit ganoon pa rin ang nangyari,wala akong nakuhang tugon mula rito.Sa pagkakataong ito'y bigla na akong nakaramdam ng kaba.Akmang tatayo na sana ako nang muling nanariwa sa aking alaala ang nangyari kanina.

Magkakasama kami kaninang apat at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay namalayan ko na lamang ang sarili na tinatangay ng hindi matukoy na nilalang at pagkatapos niyon ay wala na akong maalalang kasunod na kaganapan.Kaagad kong tinalasan ang aking pandamdam,ngayon ko lang napansin ang malakas na puwersang bumabalot sa lugar na ito.Hinanap ko ang pinanggagalingan niyon at nagawa ko namang matunton ang pinagmumulan niyon.Tumayo ako't hinarap ang gawing iyon.

" sino ka at anong kailangan mo sa akin? " malamig kong tanong sa nilalang na batid kong kanina pang nakatingin sa akin.Wala man akong nakuhang tugon mula rito,nararamdaman ko pa rin naman ang kaniyang presensiya.

" anong binabalak mo? " muling tanong ko sa kaniya.Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa marinig ko ang mahihinang mga yabag papalapit sa akin.Hindi ko matukoy kung ang nilalang na ito'y isang lalaki o babae.

Ilang saglit pa'y tumigil ito sa aking harapan at hindi ko inaasahan ang susunod nitong gagawin.Halos bumagsak ako sa aking pagkakatayo ng bigla na lamang dumapo sa aking pisngi ang isang malakas na sampal mula rito.Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking pisngi subalit nanatiling tahimik lamang ako kahit sa kaloob-looban ko'y nagpupuyos na ako sa galit.Hindi ko naman maunawaan ang aking sarili kung bakit hindi ko siya ginantihan.

" hindi ko sukat akalaing napakakapal pala ng mukha mo't nasugatan pa ang aking palad! " puno ng panunuya nitong asik. Muli kong inayos ang aking pagkakatayo't pinunasan ang tumulong likido sa gilid ng aking labi.

" tapos ka na? " kalmado kong tanong dito.Kung gayon ang nilalang na ito'y hindi isang babae.Bagaman kinukubli ng kaniyang matinis na boses ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan,hindi niya pa rin magawang maitago kung ano ang tunay niyang katauhan.

" matapang ka? " aniya at naramdaman ko ang muli na namang pagsampal nito sa akin subalit sa pagkakataong ito ay kaagad kong nahuli ang kaniyang gagamiting kamay,umipon ako ng lakas sa aking palad at buong lakas na sinampal siya,nang paulit-ulit.Wala siyang takas dahil nahuli ko ang kaniyang kamay at mahigpit itong hinawakan.

Kahit bulag ako,batid ko ang kinalulugaran ng mga bagay-bagay.Dahil na rin iyon sa tulong ng aking pandamdam at pang-amoy.

Binitawan ko ang kaniyang kamay at itinulak.Narinig ko na lamang ang pagbagsak nito sa sahig habang nananatili akong nakatayo sa aking puwesto.

" nakalimutan kong sabihing hindi lang mukha ang makapal sa akin,maging ang aking palad din " wika ko.

" kanina,may naramdaman akong malakas na puwersa sa silid na ito,nakakasiguro akong hindi iyon mula sa iyo dahil napakababaw nang inilalabas mong puwersa,sabihin mo sa akin sino ang nagmamay-ari niyon? " usisa ko.

Kanina,bigla na lamang itong naglaho matapos akong sampalin ng nilalang na ito.Pakiwari ko'y kumukubli ito at ayaw ipakilala ang kaniyang pagkakakilanlan.At ang nilalang na aking kaharap ay isa lamang na nagbabalat-kayo.

Makaraan ng ilang sandali ay narinig ko ang impit na daing nito.Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng bigla na lamang may malakas na puwersang tumama sa aking dibdib dahilan upang tumilapon ako't bumunggo sa isang matigas na bagay.Halos kapusin ako sa hangin dahil sa malakas na epekto nito sa aking katawan.Dahan-dahan akong tumayo habang pinapakiramdaman ang paligid,nananatili pa rin sa kaniyang puwesto ang kaninang nilalang at malakas ang kutob kong hindi iyon nagmula sa kaniya.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon