Chapter 15

83 9 1
                                    

TINO

    Gumising sa akin ang mga mahihinang tapik sa aking pisngi.Iminulat ko ang aking mga mata at sa pagkakataong ito'y hindi na ako umaasang sa paggising ko'y sasalubungin ako ng liwanag.Tila gumaan na ang aking puso sa tuwing hindi na ako umaasam pa ng ganoong himala.Tanda lamang na unti-unti ko nang natatanggap ang aking sitwasyon.

" Tino " tawag sa akin ni Luied.

" ano iyon? " garalgal pa ang aking boses.Bumangon na rin ako sa aking higaan.

" may panauhin tayo " mahinang wika nito sa akin na siyang nagpakunot ng aking noo't nagpatigil sa aking ginagawa.

Panauhin,wala naman kaming inaasahang taong bibisita sa amin at lalo na sa ganitong kaagang oras.

" sino? " nagtataka kong tanong sa katabi.

" magandang umaga Tino! " pagbati ng masiglang boses mula sa aking harapan.Unti-unting naging malinaw sa akin ang lahat dahil sa pamilyar na boses na bumungad sa akin.

Ano'ng ginagawa rito ni Clir ng ganitong kaaga?.May sadya ba siya sa amin?.

" Clir " sambit ko na lamang sa pangalan nito dahil tila nawalan nang kakayahang lumikha ng sasabihin ang aking isipan.Tanging paghagikhik lamang nito ang siyang naging tugon sa akin.

" anong ginagawa mo rito?ano ang iyong sadya? " sunod-sunod kong tanong nang mahanap ko ang sariling katinuan.Naramdaman kong hinawakan nito ang aking kamay at marahang hinila at makaraan ng ilang sandali'y pinaupo ako nito.

" umupo ka nga muna at mag-umagahan,may maganda akong ibabalita sa inyo " puno ng pagkasigla nitong pahayag.Bakas din sa boses nito ang kapanabikan.Sa kabilang banda'y hindi ko namang hindi maiwasang magtaka sa kung ano ang magandang balitang nais nitong sabihin sa amin.

" sige " tipid ko na lamang na sagot.Narinig ko ang pagkaluskos ng mga pinggan at kubyertos sa aking harapan.

Panay ang kuwento ni Clir habang abala naman kami ni Luied sa aming pagkain,at sa halip na mainis dahil sa kaingayan nito'y natuwa pa kami.Minsan hindi rin naman masama ang magkaroon ng isang maingay na kasama,nakasanayan ko kasi na sa tuwing nasa hapag ay kailangang tahimik ka lamang sapagkat isang malaking insulto iyon sa grasya.Iyon ang itinatak sa akin ni Tiyo at iyon din naman ang wastong kaugalian sa hapag.

Tapos na akong maligo at magbihis.Sa labas na ng aming tinutuluyan si Clir at hinihintay na lamang ang aming paglabas ni Luied.Nakatayo ako sa isang sulok habang sinusuklay ang aking may kahabaan ng buhok.Naramdaman ko naman ang papalapit na mga yabag.

" ano kayang magandang balita ang sasabihin sa atin ni Clir? " bukas nito sa usapan.Sandali ko munang itinigil ang aking ginawa at tipid na ngumiti.Maging ako'y wala naman akong kaalam-alam sa bagay na iyon.Hahayaan na lamang namin na maglaro ang kasabikan sa aming mga sistema.

" nakakatiyak naman tayong tunay ngang magandang balita iyon " nakangiti kong saad at ipinagpatuloy ang naudlot na gawain.

Lumabas na kami ni Luied.Bago namin nilisan ang naturang lugar ay pinakiramdaman ko muna ang aming paligid.Hindi na kami kailangang pakampante sapagkat unti-unti na kaming natiktikan ng mga kalaban.Lalo na si Dahlia.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa sasakyan ni Clir.Ito ngayon ang nagmamaneho samantalang nasa tabi naman ako nito't si Luied naman at tahimik namang nakaupo sa likuran.Tahimik lang ang buong biyahe.Kapwa nakatuon ang aming atensyon sa kaniya-kaniya naming mga mundo.

Gumugulo ngayon sa aking isipan ang natuklasan kong nakaraan tungkol sa buhay ni Troy.Gusto kong malaman kung may kaugnayan ba ang mga nilalang na iyon sa organisasyon o baka mayroon pang ibang grupo ng mga kakaibang nilalang na lihim na itinatag?.Naniniwala akong hindi iyon mga kauri kong nilalang,sa pahayag ni Mang Kanor malakas ang kutob kong sila'y iba.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon