TINO
Lumalalim na ang gabi subalit nananatili pa rin kami sa lugar na ito,sa kapiterya at taimtim na nakikinig sa pagsasalaysay sa buhay ni Luied.
" ano naman ang dalawang rason kung bakit ka pumaibabaw gayong labag ito sa batas ng inyong kaharian " nagtatakang tanong ni Mira.
" ang una'y nahihiwagaan ako sa kung anong mayroon sa ibabaw,pangkaraniwan lamang iyon sa aming mga nasa ilalim ng karagatan na magkaroon ng pagnanais na makita man lang ang ibabaw,walang araw sa amin o buwan o kahit mga bituin,wala ring mga ulap,mga kapunuan o mga naggagandahang bulaklak,napakapayak ng buhay sa ilalim,hindi tulad ng mga nakikita niyo sa inyong makabagong teknolohiya't napapanood,ang aming mga lahi ay ipinanganak upang gawing tagapagligtas ng aming lahi,musmos pa lamang lamang kami ay sinanay na kami sa pakikipaglaban o hasain ang natatanging kapangyarihan ng buong angkan " pahayag niya.Kung gayon hindi pala katulad ng aking nababasa sa mga aklat o napapanood ang buhay sa ilalim ng karagatan.
" at ano naman ang ikalawang rason? " muling tanong ni Mira.Sandaling natahimik si Luied,may nararamdaman akong pag-aalinlangan sa presensiya nito.Humugot muna ito ng sapat na hangin upang punan ang pangangailangan ng kaniyang baga at dahan-dahan itong pinakawalan.
" ang Kraken " aniya na siyang ikinagulat ko.Marahil hindi lang ako ang nagulat maging ang dalawa rin.
Ang Kraken ang halimaw na nais buhayin ng PRSS na pinamumunuan ng dalawang Dyos.Ito ang nasa likod kung bakit humantong sa ganitong tagpo ang aking kapalaran.Batid ko namang hindi ito nagawang ibalik sa pagkabuhay ng dawalang Dyos dahil hindi nila napakinabangan ang aking mga mata subalit batid kung nananatili pa rin ito sa kailaliman at naghihintay lamang na muli itong bigyang buhay.Ngayon,anong problema't binuksan ni Luied ang paksa tungkol sa Kraken.
" batid kong narinig niyo na ang tungkol sa halimaw na iyon,at alam kong alam niyo ang maaaring kahihinatnat ng mundo sa oras na mabuhay ang nilalang na iyon "aniya.
" bakit anong nangyari sa Kraken? " usisa ko.
" kaming mga nilalang sa kailaliman ang siyang naatasang bumantay sa Kraken,sa halimaw na kinalimutan na ng panahon,buong buhay ko'y itinatak sa amin isipan ang pagkakakinlanlan ng naturang nilalang,matiwasay at mapayapa ang lahat sa ilalim ngunit nitong mga nagdaang mga panahon,may kakatwang nangyayari sa katawan ng Kraken,waring nagbabagong-bihis ito,dahil sa pangyayaring iyon ay nangamba ang lahat sa maaari nitong pagkabuhay kaya walang nagawa ang aking Ama kung hindi ang ipadala ako sa ibabaw upang humingi ng tulong sa lalaking nagngangalang Apo Langkay " salaysay nito at hindi naming maiwasang magulat sa huli niyang sinabi.Marahil ang tinutukoy niya ay ang kilala naming Apo Langkay.
" si Apo Langkay?? " pagkumpirma ni Mira.
" iyon ang pangalang binanggit sa akin ni Ama subalit wala naman siyang ipinakitang larawan nito kaya hindi ko batid kung ano ang kaniyang wangis " aniya.Napakaliit talaga ng mundo.
" ano'ng maitutulong ni Apo Langkay sa inyo? " seryosong tanong ni Elias sa binata.Pinakikinggan ko lang sila.
" ang lalaking daw iyon ay ang nakakaalam kung paano muling maibabalik sa pagiging bato ang halimaw na iyon,nasa pangangalaga raw nito ang isang makapangyarihang nilalang na kayang lumikha ng makapangyarihang sumpa gamit ang kaniyang mga mata " aniya.Hindi ko man sila nakikita subalit batid kong nasa akin ang mga mata nina Elias at Mira.Maging ako ay may hinuhang ako ang tinutukoy nito.
" subalit sa kasulukuyan wala nang kakayahan ang nilalang na iyon na lumikha ng ganoong makapangyarihang sumpa " wala sa sarili kong usal.Biglang binalot kami nang nakakabinging katahimikan hanggang sa marinig ko ang malakas na pagsinghap ni Luied.
" ang Tino'ng tinutukoy ng mga siyentista sa laboratoryo at ang lalaking hinahanap ko ay iisa?! " gulat niyang usal.Wala namang nagkusang magsalita sa amin.Ang aming katahimikan ang siyang nagsilbing kasagutan sa kaniyang katanungan.Nararamdaman ko pa rin ang pagkamangha nito sa natuklasang rebelasyon.Hindi siya makapaniwala na ang nilalang na kaharap niya ay ang inaakala niyang makakatulong sa kanilang suliranin sa ilalim.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...