TINO
Tumigil ako sa aking paglakad ng maramdaman ang banayad na pagdampi sa akin ng malamig na hangin.Ninamnam ko ang lamig nito na yumayapos sa aking buong katawan.Ito na marahil ang labas ng gusali.Unti-unti ng bumagal ang aking paghinga,tanda na kalmado na ang aking katawan mula sa laban.
Sinimulan ko ng ihakbang aking mga paa palayo sa lugar na iyon.Hinayaan ko lamang aking mga paa kung saan man ako nito dadalhin.Alam kong walang patutunguhang eksaktong direkson itong aking paglalakad subalit batid kong dadalhin ako nito sa lugar kung saan mapayapa ang aking sistema.
" tss " usal ko nang maalala ang mga kaganapan.
Nalulungkot ako,hindi ko alam kung bakit subalit napakabigat nitong uri ng emosyong namalagi rito sa aking dibdib.Unti-unting bumagal ang aking paglakad na tila ba'y may pag-aalinlangan.Hanggang sa namalayan ko na lamang ang aking sariling tumigil sa ilalim ng nagraragasang init ng araw.Nakakapaso ang init nito subalit hindi ko iyon ininda sapagkat mayroong gumugulo sa aking isipan.
" ano ba itong nagawa ko? " tanong ko sa aking sarili na mayroong pagkabahalang maririnig mula sa aking boses.
Tama ba itong daang aking tinahak,bakit pakiramam ko ako na ang nagiging masama sa aking kuwento.Bakit pakiramdam ko'y nawawala ang dating Tino.Nagsisimula na ba ako magbago o matagal nang panahon nagkaroon ng pagbabago sa akin.
" Tino!!!! " malakas na tawag sa aking pangalan ang siyang pumukaw sa akin.Umusbong ang galak sa aking dibdib nang makilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon at pansamantalng naiwaksi sa aking isipan ang ma katanungan sa aking sarili.
Isang mahigpit na yakap ang siyang sumalubong sa akin na siya ko namang sinuklian.Nagagalak ako na ligtas silang nakalabas sa lugar na iyon at nahihinuha ko ring maayos naman ang kanilang kalagayan.
" ayos ka lang ba? " puno ng pag-aalala nitong tanong sa akin habang marahil sinisipat ang aking kalagayan.Bahagyang sumilay sa aking labi ang sinserong ngiti bilang tugon na rin sa kaniyang katanungan.
" nasaan si Mark? " tanong ko nang hindi maramdaman ang presensiya ng binata.Naramdaman ko ang biglang pananahimik ni Luied.Bahagya itong lumayo sa akin at ang sunod ko na lamang na narinig ay ang mga yabag nito palayo sa akin.Sumunod naman ako sa kaniya.
" nagkaroon ito ng malaking pinsala,inilihim lamang nito " sumbong sa akin nito habang sinusundan ito.Tumigil din ako sa paglakad nang maramdaman ang paghinto ng naturang binata.Unti-unti ko nang naramdaman ang mahinang enerhiya sa isang sulok,marahil iyon na siguro ang kinaroroonan ni Mark.
" Mark? " tawag ko sa pangalan nito.Wala akong nakuhang tugon mula sa binata kaya muli kong tinawag ang pangalan nito at sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko ang mahina nitong pag-ungol.Pahina na nang pahina ang enerhiyang lumalabas sa katawan nito,tanda na hindi na nagiging maganda ang kalagayan nito.Lumapit ako sa kaniya at yumukod,wala man akong kakayahang mapagaling ang binata subalit makakaya ko pang dugtungan ang kaniyang buhay.Isa iyong kakayahang aking natutunan habang nakatago sa mundo ni Eli.Sa pamamagitan ng aking kamandag,magagawa kung mapigilan ang ano mang pagkawala ng kaniyang lakas.Hindi man ito magtatagal subalit magiging sapat na rin iyon upang mailayo siya sa kamatayan bago makahanap ng magiging lunas.
Inabot ko ang kaniyang kamay at walang inaksayang oras at kaagad na ibinaon ang aking mga pangil.Narinig ko pa ang pag-impit na pagdaing nito't mahinang pagpupumiglas subalit wala na siyang magawa.
Hinayaan ko lamang ang sariling kamandag na dumaloy sa kaniyang sistema.Batid ko'y naglalaro ngayon sa mukha ng dalawa ng pagkagulat at pagtataka ngunit sa ngayon ay marapat ko munang ituon dito ang aking buong atensyon.Ang aking ginagawa ay may dalawang magiging kahihinatnan,kapag ang aking kamandag na ibinigay sa kaniya'y sumubra,maaari niya itong ikamatay.At kung ito'y kumulang nama'y maaaring maging unti-unti itong maging lason sa kaniyang katawan hanggang sa maging paralisado't maging walang silbi ang kaniyang katawan.Kaya kailangan ko nang buong pag-iingat habang ginagawa ang bagay na ito.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...