Chapter 9

107 15 1
                                    

TINO

    Pagmulat ko ng aking mata'y muling kadiliman ang sumalubong sa akin.Inaasahan ko naman ito subalit hindi ko pa rin maiwasang malungkot.Naagaw ang pansin ko nang marinig ang sunod-sunod na pagsabog sa paligid.Naramdaman ko ang mga enerhiyang nakapalibot sa amin.

" dito! " narinig kong utos ng babae.Marahil mula iyon sa kay Marinah.Kaagad akong inakay ni Elias at tinungo ang sinabing direksyon ni Marinah.Nakahawak pa rin ako sa kay Elias ng maramdaman ang biglang pagbabago ng paligid,maging ang puwersang napakaloob dito.

" pansamantala tayong magiging ligtas dito " aniya.Hindi ko alam kung nasaang lugar kami subalit kapansin-pansin ang pagbabago ng temperatura sa lugar na ito.

" ito ba ang iyong tahanan? " nagtatakang tanong ni Mira.Narinig ko ang mahihinang mga yabag na pabalik-balik sa magkakaibang direksyon.

" ito ang aking lihim na kanlungan,ang aking bahay ay iyong nasa labas,paumanhin kung ito'y masyadong magulo at marumi,naging abala ako nitong mga nagdaang araw " paumanhin nito subalit nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang boses pagkasabi niya sa huling parirala.

" mga aklat,mga lumang aklat " narinig kong usal ni Luied.Ito siguro ang unang nakakuha ng kaniyang atensyon.

" ako ang may akda lahat ng niyan " nahihiya niya pang kumpisal.Kung nakakakita lamang ako,lubos akong matutuwa't mananabik sa mga aklat na nakapalibot sa akin.

" tungkol saan ang iyong mga isinulat? " usisa ko.Naramdaman kong iginiya ako ni Elias sa isang tabi at marahang pinaupo sa isang malambot na bagay.

" marami,samu't-saring mga paksa " aniya.

" katulad ng? " sandali itong nanahimik,waring nag-aalangan kung sasabihin niya ba ang bagay na iyon.

" paumanhin kung marami akong katanungan " mabilis kong wika.

" mga pangitain sa hinaharap,mga lihim at pinagbabawal na salamangka,mga gamot at kasaysayan ng mga lahi " aniya.Mangha-mangha ako habang patuloy nitong isinasawika ang ilan pang paksa sa kaniyang mga nalimbag sa aklat.

Sandaling binalot ng katahimikan ang lugar.Mukhang nagpapahinga na ang ilan kong mga kasamahan habang nananatili pa ring gising ang aking diwa.Tahimik lang ako habang inaalala ang kaninang sinabi ni Marinah sa aking isipan.

Sino ang tinutukoy niyang magiging tukso ko sa hinaharap?,Lalasunin ang aking isipan?,kung gayon mayroong panibagong tauhang papasok sa buhay ko?.

" anong iniisip mo? " pukaw sa akin ng lalaking katabi.Buong akala ko'y natutulog ang isang ito dahil wala naman akong maramdamang pagkilos mula sa kaniya.

" kanina,sa pag-uusap namin sa isipan ni Marinah,sa lugar na iyon bumalik ang aking paningin,lahat ng kulay ay malinaw kong nasisilayan at pangalanan " may bahid ng kalungkutan kong salaysay sa kaniya.Mahina lang ang aming pag-uusap dahil baka maantala namin ang mahimbing na pagtulog ng mga kasamahan namin.

" hindi ka ba masaya na sa wakas ay makakakita ka na?naniniwala akong matutulungan ka ni Marinah,kaya nga tayo pumarito hindi ba? " aniya habang marahang hinahaplos ang aking palad.

" masaya ako dahil ilang hakbang na lang ay malapit na tayo sa ating hangarin subalit hindi ko lang maiwasang malungkot dahil napagisip-isip ko na kung kailan nawala na sa atin ang isang bagay tsaka pa lang natin malalaman ang kahalagahan nito " ani ko.

" kailangan natin pahalagahan kung ano ang mayroon tayo sa kasalukuyan upang wala tayong pagsisisi sa hinaharap " makahulugang payo nito na siyang mahina kong ikinatango.Marahan kong itinagilid ang aking ulo hanggang sa lumapat ito sa malapad at matigas na balikat ni Elias.Sa paraanng iyon,natagpuan ko ang aking kapayapaan.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon