Chapter 21

124 13 6
                                    

TINO

Nakakabingi ang katahimikan ng pasilyo.Malamig ang atmospera sa paligid.Tanging ang ingay lamang na maririnig ay mula sa aking mga yabag at mabigat na paghinga.Hindi ko alam kung saang bahagi na ako nitong lugar.Sinusundan ko lamang ang iniutos ng aking pandama.

Mukhang walang balak magpakita si Clir at tapusin itong kaniyang sinimulang laro.Natatakot kaya siya sa maaaring kalalabasan nito?.

Tumigil ako sa aking paglakad at marahang pinakawalan ang naipong hangin sa aking baga.Kasalukuyang panatag ngayon ang aking katawan at damdamin ngunit sa kabila nito'y hindi ko pa rin binababa ang aking depensa.

" alam mo bang napakahirap magtago lalo pa't mayroong kalabang desididong kang paslangin?minsan na rin akong nasa sitwasyon,mali,nasa sitwasyon mo pa rin pala ako hanggang ngayon " basag ko sa nakabibinging katahimikan.

" ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ng nagtatago,hindi ba nakakatakot,nakakakaba " patuloy ko't muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

" ganiyan ang pakiramdam ko simula umpisa Clir!minsan na rin akong natakot,yaong iyon na lang ang nararamdaman ko sa bawat minutong lumilipas sa aking buhay!pero alam mo,may natutunan ako,walang mangyayari kapag hindi mo hinarap ang kinakatatakutan mo! " sigaw ko't mabilis na kumilos palayo sa aking kinatatayuan.At kasabay niyon ang siyang paglikha ng malakas na pagsabog.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa nangyari.Sa wakas lumabas na rin siya.Kasalukuyan kong nararamdaman ang kaniyang enerhiya sa aking harapan.Hindi ako maaaring magkamali.

" ang dami mong satsat! " malamig na usal nito't naramdaman ko ang muling pag-atake nito sa akin.Kaagad ko namang hinanda ang aking sarili't mabilis na salubungin ang kaniyang atake.

" ngayon napatunayan kong hindi ka pala duwag " nakangisi kong untag habang patuloy na iniiwasan ang kaniyang mga atake.

Mababanaag sa enerhiya nito ang galit na nararamdaman.Masyadong marahas ang bawat binibitawang atake nito na siya namang labis kong ikinatuwa.

Hinugot ko ang aking tabak at buong lakas na ihinagis sa kaniyang direksyon subalit naramdaman kung nagawa niya itong maiwasan.Binilisan ko ang aking kilos hanggang sa lumitaw ako sa tabi nito't walang pag-alinlangang nagpakawala ng malakas na sipa.Bagaman nagawa niyang masangga ang aking atake subalit hindi pa rin maipagkakailang malakas iyon na siyang dahilan ng pagkabagsak niya.

Nilapitan ko ang nakatarak na tabak sa pader at binunot ito bago gumawi ang aking atensyon sa gawi ni Clir.Bagaman nanatili pa rin ito sa kaniyang kinaroroonan,bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Unti-unting nagbabago ang enerhiyang inilalabas ni Clir,at hindi biro ang lakas nito.Pakiwari ko'y nalulunod ako sa habang tumatagal.

Hinanda ko ang sarili sapagkat hindi ito magiging madali lalo na sa lagay ng enerhiya ni Clir.Nasa ganoon akong posisyon ng hindi ko inaasahang isang malakas na puwersa ang tumama sa aking sikmura't tumilapon ako sa kabilang pader.

Napakabilis niya,hindi ko magawang maramdaman ang kaniyang enerhiya.Hindi pa man ako nakakabawi mula sa aking pagkakabagsak ay muli na namang may malakas na puwersa ang tumama sa aking pisngi't muli na naman akong tumilapon sa ibang direksyon.

Masyado yatang minaliit ko ang kakayahan ni Clir subalit hindi maaaring ganito lamang.Mabilis kong itinukod ang aking tabak at kaagad na bumangon kahit hindi pa rin nakakabawi ang aking katawan mula sa mga pinsalang natamo.

Pinakiramdaman ko ang aking palibot,hindi makakatakas sa akin ang bagsik ng kaniyang enerhiya.Mahigpit kong hinawakan ang aking tabak at walang pagkakataong sinayang at kaagad itong sinugod.Nagtama ang aking sandata at ang kaniyang kapangyarihan na siyang lumikha ng malakas na pagsabog.Dahil sa lakas ng puwersa nito'y bahagya akong natangay kaya naman kaagad kong itinarak sa sahig ang aking tabak bago sumirko sa ere't malapitang atakehin si Clir.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon