TINO
Malalim na ang gabi subalit nanatiling gising pa rin ang aking diwa.Binabalikan ang mga alaala ng nakaraan.Kahit anong pilit kong kalimot sa mga ito'y may pagkakataong bumabalik sila't sinasariwa na para bang kahapon lang nangyari.
Kanina pa mahimbing ang tulog ni Luied.Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at kinapkap sa aking tagiligiran ang aking tungkod.Tumayo ako't maingat na lumabas ng silid kung saan kami natutulog ni Luied.
Katahimikan ng paligid ang siyang bumungad sa akin sa labas.May maririnig na mga ingay mula sa mga nagdaraang sasakyan sa labas subalit hindi naman iyon nakakabulabog sa mga natutulog.Naupo ako sa upuang natatandaan kong nasa tabi ng bintana.Marahang kong isinandig ang aking tungkod bago marahang binuksan ang bintan.Umihip sa aking mukha ang kalamigan ng panggabing hangin.
Kampante akong walang kakaiba sa paligid dahil wala naman akong nararamdamang kapahamakan.Marahil hindi pa rin kami nahahanap ng mga mutants,malayo marahil ang lugar na ito sa lugar kung saan huli kaming nagkaharap.Gayunpaman,hindi ako maaaring makampante sapagkat naririyan pa si Dahlia.Batid kong mabilis lamang kami nitong mahahanap dahil sa salamangka nito.Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili kung ngayon na ba ang panahong isinaad nito sa huli naming pag-uusap?.
Nanaisin niya pa rin ba ang aking katawan gayong wala na talagang pag-asang makakita ang aking mga mata.Hindi niya marahil gugustuhing maging bulag ang kaniyang panibagong katawan.
Nalulunod ako nang malalim na kaisipan na hindi ko man lang namalayan ang paglapit sa akin ng pamilyar na presensiya.
" hindi ka makatulog? " tanong nito.
" hmmm " tipid kong sagot.Narinig ko ang paghila nito ng bakanteng silya't naupo.Sandaling katahimikan ang pumagitna sa amin.
" nakarinig ka na ba ng kanta ng isang sirena? " biglang basag nito sa katahimikan.
" sa barko " pagtukoy ko sa sitwasyong muntikan na kaming mahulog sa patibong ng mga sirena.
" hindi iyon ang musikang nililikha ng mga sirenang ang tunay na hangarin ay kabutihan,iyon ay musika ng kapighatian at pagkaganid,nang-aakit para sa kanilang pansariling layunin " aniya.Tanging pagtango lang naman ang naging sagot ko bilang tanda na nauunawaan ko ang kaniyang pahayag.
" kung gayon ano ang himig ng musikang nilikha ng mga sirenang katulad mo? " usisa ko.
" ang totoo niyan,hindi namin naririnig ang nililikha naming musika,subalit batid naming hindi ito mapanganib sa mga nilalang na nakakarinig nito bagkus ito'y nagiging kanilang kanlungan at kapayapaan " paliwanag nito.
Ano kaya ang kanilang nararamdaman gayong hindi man lang nila nagagawang marinig ang mismong likhang musika,tila ba'y binigyan sila ng isang napakagandang handog subalit mayroon namang kapalit na sumpa.
" kung gayon,ikinalulugod kong marinig ang inyong musika " nakangiti kong pahayag.Naramdaman ko ang biglang pagbalot ng enerhiya sa paligid,unti-unting nawawala sa aking pandinig ang mga ingay na maririnig mula sa labas.Isang mababang buntong-hininga ang siya munang narinig kong pinakawalan ni Luied.
Sa unang tunog na kumawala sa bibig nito ay tuluyan ng napasailalim ng mahiwagang sensasyon ang aking buong sistema.Tila ba'y may kakaibang enerhiya ang yumakap sa aking katawan at tinangay ako sa ibang daigdig.Bagaman nababalot ng kadiliman ang aking paningin at tanging ang aking tainga lamang ang nagsisilbing gabay sa akin,pakiramdam ko'y nagagawa kong masilayan ang kagandahan ng paligid.
Patuloy sa pag-awit si Luied habang ako nama'y taimtim na pinapakinggan ang napakagandang himig na nililikha nito.Nasa ganoon kaming kalagayan ng bigla akong makaramdam ng kakaiba sa paligid kahit nakakulong pa kami sa loob ng enerhiyang nilikha ni Luied.Kasabay ng pagtatapos ng awitin ni Luied ang siyang malakas na pag-uga ng lupa na siyang dahilan upang kapwa kaming mapatayo ng binata mula sa aming kinauupuan.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...