Chapter 11

102 8 1
                                    

TINO

Makalipas ang ilang buwan...

Tahimik kong pinupunasan sa aking kandungan ang tungkod na ginawa para sa akin ni Elias.Hindi ko akalaing mahahanap ito ni Eli sa dating kanlungan ni Marinah.

" hindi na ba talaga kita mapipigilan sa iyong ninanais? " narinig kong tanong ng pamilyar na boses mula sa aking likuran.Sandali kong itinigil ang ginagawa upang sandaling timbangin sa aking isipan kung ano ang sagot sa kaniyang katanungan,subalit buo na ang aking loob,ito na ang pagkakataong hinihintay ko.

Ilang buwan na rin akong nanatili sa mundong ito,at sa loob ng panahong iyon ay iginugol ko ang lahat sa pagbibigay ng oras sa aking sarili,nagpalakas ako hanggang sa malampasan ko ang limitasyon ng aking kakayahan,sinubukan kong buhayin yaong enerhiyang tinutukoy ni Marinah subalit bigo ako,mukhang wala na talaga akong pag-asang maibalik pa ang aking mga mata at sa pagkakataong ito'y tinanggap ko na sa akin sarili,maging ang makahanap ng katulad kong anak din ng babaeng ahas ay itinigil ko na.Sapat na sa akin ang lahat nang pagsisikap na aking ginawa upang paunlarin ang sarili.

" buo na ang desisyon ko Eli,hindi ako maaaring tumago lamang sa loob ng mahabang panahon,kailangan ako sa labas at mayroon akong iniwang laban doon " litanya ko sa lalaki.Batid kong inaasahan na nito ang aking sagot kaya naman wala akong narinig na tugon mula rito.

" dahil pa rin ba ito sa pagnanais mong makapaghiganti sa sinapit nina Elias at Mira? " aniya na siyang dahilan upang tuluyan akong matigil sa ginagawa.Inalis ko sa aking kandungan ang aking tungkod at maingat itong inilapag sa aking tabi.Tumayo na rin ako habang sinasalubong ang banayad na paghampas ng hanging panggabi.

" marahil mayroong bahagi sina Elias at Mira sa gagawin ko subalit ang totoo niyan Eli,para ito sa sarili ko ang aking gagawin " pahayag ko.Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin.Ilang sandali pa'y narinig ko ang mga yabag nito palapit sa aking harapan.

" kung gayon wala na akong ibang magagawa kung hindi ang bigyan ka na lamang ng aking basbas,sana'y magtagumpay ka at manaig ang kabutihan sa iyong puso Tino " buong pagsuko nitong sabi.Napangiti na lang din naman ako sa kaniyang sinabi.

" maraming salamat Eli " buong sinseridad kong sabi sa kaniya.Ang buong akala ko'y mahaba-habang pakikipagtalastasan pa ang mangyayari sa pagitan namin.

Kinabukasan,tuluyan na nga kaming lumabas sa kanilang mundo,nagpaalam na kami sa kanila at nagpasalamat sa mga panahong inilagi namin rito.

" paalam!!! " may galak na pamamaalam ni Luied sa kanila subalit mahihimigan pa rin sa kaniyang boses ang kalungkutan.Tanging matamis na ngiti lamang ang gumuhit sa aking labi habang unti-unti kong hindi nararamdaman ang enerhiya nila.Isang mabigat at mahabang buntong-hininga ang narinig kong pinakawalan ni Luied.

" maligayang pagbabalik sa tunay na mundo " ani Luied.

" bakit parang hindi ka man lang masaya na nakabalik na tayo sa mundong pinagmulan? " usisa ko.Naramdaman kong hinawakan nito ang aking kamay at inalalayan akong maglakad.

" paano ako magiging masaya gayong batid ko kung ano ang sasalubong sa ating muling pagbabalik " aniya.

Ang tinutukoy niya ay ang muling pagsunod sa amin ng mga mutants at si Dahlia.

" asahan na natin iyon kaya nga sa ating muling paghaharap batid kong mayroon kang inihandang pagsalubong sa kanila " nakangiti kong wika.

" hindi ko naman batid kung masisiyahan ba sila o hindi " aniya.

Kaming dalawa na lang ang naiwan,hindi ko inaasahang ang lalaking ito ang tutulong sa akin at magiging kaagapay ko sa aking susuunging laban.Kaya nagpapasalamat talaga ako sa kapalaran at pinagtagpo ang aming mga landas.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon