Chapter 3

133 17 1
                                    

TINO

    Tatlong oras ang itinagal ng biyahe.Bumaba na kaming tatlo habang nakakapit ako sa bisig ni Mira.Ayon sa kaniya'y papalubog na raw ang araw at mula rito sa aming kinatatayuan ay tanaw na tanaw ang kagandahan nito.Inihalintulad niya ito sa kulay kahel na isinaboy sa kalangitan.

Sandali kaming iniwan ni Elias upang magtanong-tanong sa mga tao.Wala kaming kaalam-alam sa lugar na ito kaya mas mainam na iyong kami ay lumapit sa mga tagarito.Ayon sa kay Mira'y nasa iisang lugar lang daw ang daungan ng mga barko't lantsa at ang paradahan ng mga bus at jeep.

" nagugutom ka na ba? " tanong ni Mira.Nakaupo kami ngayon sa sementong bangko kaharap ang malawak na karagatan.May kalakasan ang ihip ng hangin kaya magaan sa pakiramdam.

" medyo " sagot ko.Naramdaman kong may kinuha ito sa kaniyang tabi't ibinigay sa akin.Isa iyong biscuit.

" ito lang ang nabili ko kanina " aniya.

" sapat na sa akin ito " wika ko.Tahimik kong kinain ang ibinigay nitong pagkain,habang si Mira naman ay marahil pinapanood ako sa ginagawa.

Mga ilang sandali'y dumating si Elias.Nakatayo ito sa haparan namin.

" bukas pa raw ng umaga aalis ang barko papuntang San Fernando kaya mapipilitan tayong magpalipas ng gabi sa lugar na ito,sa kasamaang palad ay walang bakanteng panuluyan sa araw na ito dahil dagsa ang mga pasaherong tutungo rin sa nasabing lugar " balita ni Elias.

" ayos lang iyon ang mahalaga ay makakapunta tayo sa San Fernando " ani ko.Naupo sa tabi ko si Elias.Naramdaman ko ring binigyan ito ni Mira ng pagkain.Tahimik naming pinagsaluhan ang aming magsisilbing hapunan habang yinayakap ng lamig ang aming mga katawan.

Sa pantalan na nga kami nagpalipas ng gabi.Kanina pa mahimbing na natutulog sina Elias at Mira subalit ako nama'y nanatiling nakamulat ang mga mata.Hindi ako magawang dalawin ng antok.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inaliw ang sarili sa pamamagitan ng malayang pagtanggap ng mga sariwang hangin.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng may maramdaman akong kakaiba sa ibang direksyon.Hindi naman mapanganib ang kaniyang presensiya subalit batid kong may kakaiba.Dala ng katakhan,inabot ko ang aking tungkod at maingat na bumangon.Maingat ang bawat hakbang ko upang hindi magising o maabala sa kanilang pagtulog ang dalawa.

Tinungo ko ang kinaroroonan niyon.Hindi naman iyon gaanong kalayo mula sa aming puwesto.Habang papalapit ako sa presensiyang iyon,nagiging malinaw sa akin ang inilalabas nitong enerhiya.Kasingtulad ito ng enerhiyang inalalabas ng mga nilalang na naninirahan sa nilikhang mundo ni Apo Langkay.Tumigil ako sa aking paglakad nang maramdamang nasa tapat na ako nito.

" anong ginagawa mo rito? " kaswal kong tanong.Batid kong nagulat ito sa aking biglang pagsulpot sa kaniyang harapan at hindi ko maiwasang maramdaman ang takot at pangambang naghahalo sa kaniyang enerhiya.

" s-sino ka? " bakas sa boses nito ang takot.Sino ang nilalang na ito at bakit tila kakaiba ang pinagmumulan ng kaniyang pangamba.

" hindi ka tao tama ba? " hindi iyon isang tanong bagkus isang pahayag.Narinig ko itong biglang napatayo at akmang lalayuan ako nito subalit kaagad kong naabot ang kaniyang bisig.Nanginginig ang katawan nito.

" natatakot ka,nararamdaman ko ang takot sa iyong dibdib,bakit?may tinatakasan ka? " patuloy ko.Tumigil ito at naramdaman kong bahagya itong humarap sa akin.

" anong alam mo?anong kailangan mo sa akin,ipinadala ka ba nila para ibalik ako sa impyernong iyon?! " puno ng galit nitong asik.Hindi ko naman maiwasang hindi mabigla sa kaniyang sinabi.Malakas ang kutob kong may nangyayaring kakaiba sa nilalang na ito.Unti-unting kumalas ang pagkakahawak ko sa kaniyang bisig.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon