Chapter 16

93 9 1
                                    

TINO

" tinatanggap namin ang inyong alok na trabaho rito sa inyong bukirin " sagot ko.

Sa tingin ko'y tama itong aming desisyong tanggapin ang alok ni Clir.Sa bandang huli'y walang nagawa si Troy kung hindi ang tanggapin kami ni Luied na maging manggagawa sa kaniyang bukirin.

Ayon sa paliwanag nito'y tumatayo ng bagong proyekto si Troy sa kaniyang bukirin.Nais nitong ang kaniyang bukirin ang siyang magbibigay ng mga produkto sa kanilang publiko't pribadong pamilihan.Gusto niyang mapalawig ang kaniyang negosyo.

" sana'y hindi kamalasan ang iyong ibibigay sa akin " mapaklang pahayag nito na siyang hindi ko naman masyadong binigyang pansin.Kailangan kong masanay sa pasmadong bibig nito.

" kung gayon,malinaw na sa atin ang lahat,libre ang lahat ng bagay dito sa aking bukid,tubig,kuryente,pagkain at mga kung anu-ano pa,walang problema sa pagpapasahod ko subalit lahat ng iyon ay mayroong isang kondisyon,nais ko ang inyong katapatan at kasipagan sa iniatas na gawain,ayoko ng mga pabigat,malamya,at walang respeto " pahayag nito sa mga alintuntunin niya.

" wala tayong problema kung gayon " kaswal kong sagot.Nais kong ipaabot sa kaniya na hindi ako matitinag sa kaniyang mga ipinahayag.Karaniwan lamang iyon sa isang negosyante na maging estrikto sa kaniyang mga nasasakupan.Hindi nga naman isang laro ang pagpapatakbo ng negosyo kaya nauunawaan ko siya sa kaniyang mga itinatag na kondisyon.

" that's great!! " puno nang kagalakang bulalas ni Clir na sinasabayan niya pa ng pagpalakpak ng kaniyang mga kamay.

Sa kabilang banda'y nararamdaman ko naman ang tila pagiging iritable ni Troy.Wala na siyang nagawa sa layunin ni Clir na ipasok kami bilang manggagawa sa kaniyang bukirin.

" kailan ba kami magsisimula? " tanong ko.

" bukas " malamig na sagot ng lalaki.

" mas mainam " nakangiti kong sagot.

Wala na kaming pinag-usapan pa at nagpaalam na ang magkasintahan dahil kinakailangan daw muna nilang pumunta sa lungsod at may dadaluhang mahalagang pagtitipon.

Kasalukuyan kami ngayong nakatayo ni Troy sa lilim ng isang puno.Kapwa pinapakiramdaman ang bawat isa't tinatangkilin ang kapayapan ng paligid.

" hindi pangkaraniwan si Troy " basag ko sa katahimikan.Naramdaman kong bahagyang nagulat ito sa aking sinabi.

" ano ang ibig mong sabihin? " nagtataka nitong tanong.Sandali ko munang pinunan ng sariwang hangin ang aking baga bago marahang pinakawalan.

" nararamdaman niya ang kaninang enerhiya " sabat ko.Nararamdaman kong nakapako pa rin sa akin ang buong atensyon nito't mayroon pang hinihintay na rebelasyon sa aking bibig.

" nandito lang sa lugar na ito nagkukubli ang nilalang na iyon " dagdag ko pa.

" iyon ba ang dahilan kung bakit mo tinanggap ang gawaing ito? " tanong niya.Mahinang pagtango naman ang siyang aking itinugon.

" may mga dahilan ako kung bakit ko tinanggap iyon,una ay kung ano ang ugnayan ni Troy sa mga nilalang na iyon,batid kong mayroong malalim na kadahilanan kung bakit pinaslang ng mga iyon ang kanilang magulang " paliwanag ko.

" hindi ba't parang nanghihimasok na tayo sa pribadong buhay ni Troy sa ginagawa natin? " ani Luied.

Kung sa mababaw na pang-unawa,OO.Panghihimasok na iyon sa pribadong buhay ni Troy subalit kung titingnan natin ito sa ibang aspeto,iyon ay magiging gabay na rin sa amin upang malaman namin kung ano nga ba ang kinakalaban namin.Ang bawat kalaban namin ay batid naming may layunin sa amin subalit hindi naman namin alam kung ano ang layunin ng pakikipaglaban sa kanila,hindi sapat sa amin ang kadahilang ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili sa kanilang ninanais.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon