Chapter 28

45 3 2
                                    

TINO

Muling pumailanlang ang malakas na puwersa mula sa kay Dahlia subalit sa pagkakataong ito'y pilit namin itong nilalabanan ni Mark.Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniya habang pilit siyang kumakawala.Maging ang kaniyang galamay ay patuloy kaming inaatake,mabuti na lamang at pinapalibutan kami ng nilikhang orbe mula sa kay Puraw na nagsisilbing aming kalasag.

" papatayin ko kayo!!!! " singhal nito na siyang sinundan ko naman ng isang malakas na suntok.Naramdaman kong tumalamsik sa mukha ko ang mga likidong mula sa mukha ng babae ngunit isiwinalang-bahala ko na lamang iyon.

Naramdaman ko ang kakatwang paggalaw ng kaniyang palad patungo sa direksyon nina Puraw at Dagtum.Huli na bago ko pa maagapan ang sunod na mangyayari nang bigla na lamang mabilis na sumugod ang mga galamay nito patungo sa direksyon nina Puraw at Dagtum.Akmang bibitawan ko na sana si Dahlia upang maagapan ang kaniyang atake nang maramdaman ko ang presensiya ni Mark na mabilis na nilapitan ang mga galamay nito at walang pag-alinlangang nagpakawala ng kaniyang kapangyarihan hanggang sa mabilis itong balutin ng yelo at bago pa man ito makalapit sa dalawa'y tuluyan na itong naging estatwang yari sa yelo.Bumaling ang atensyon ko sa babaeng nasa harapan,nararamdaman ko sa enerhiya nito ang paglalaro ng samu't-saring emosyong hindi ko lang mabigyan ng pangalan.

" hindi ko makakalimutang ganitong-ganito rin ang nararamdaman ni Baltazar noong huli naming pagkikita " nakangisi kong usal at kahit alam kong hindi ko nakikita ang kaniyang reaksyon,batid kong punong-puno ito ng pagsuklam hindi dahil sa binanggit ko ang pangalan ng kaniyang dating kabiyak bagkus ay ikinompara ko siya sa isang mahinang nilalang.

" takot,pagkabigo at talunan " asik ko

Nagpumiglas ito dahil mukhang hindi nito nagustuhan ang kaniyang narinig subalit higit na mas malakas ako kumpara sa kaniya na tanging sa mahika lamang higit na mas makapangyarihan.

" huwag kang pakampante Tino,hindi dahil ako'y pansamantala mong napasailalim ay hindi na ako maaari pang pumaibabaw,tandaan mo higit akong mas makapangyarihan sa iyo " natatawa niyang tugon.

" matagal ka nang nasa ilalim ko Dahlia,iyon ang bagay na kailanma'y hindi mo matanggap,kaya nga nais mong makuha ang katawan ko sapagkat iyon lang ang bagay na magpapaangat sa iyo mula sa ilalim " seryoso kong usal.Wala akong nakuhang tugon mula rito kaya pinakiramdaman ko ang aking paligid.

Mula sa aking puwesto'y bigla kaming binalot ng kakaibang enerhiya,agad kong inihanda ang aking sarili subalit hindi pa rin binibitawan si Dahlia.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang bigla ko na lamang maramdaman ang enerhiya mula sa aking likuran kaya naman kaaagad akong sumirko sa ere habang nakahawak sa kay Dahlia't kapwa kaming napatayo.At ang sunod na nangyari ay ang paglikha ng malakas na pagsabog sa aking harapan na sinundan naman ng impit na daing ni Dahlia.

MARK

Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang mahagip ng mga mata ko ang mabilis na pangyayari sa aking harapan.Sa bilis ng mga nangyari'y hindi ko alam kung paano't ano ang naganap sa isang kisap-mata.

Mula rito sa aking puwesto'y malaya kong nakikita ang kasalukuyang sitwasyon sa pagitan nina Tino at Dahlia,kapwa silang nakatayong tila mga estatwa at tila ba nagpapakiramdaman.

Akmang lalapitan ko na sana sila nang bigla akong natigilan at napatuon ang mga mata sa gawing direksyon ni Dahlia.Naging malinaw sa aking kanilang kinaroroonan at sa hindi mawaring kadahilanan ay bigla akong nilukob ng kakaibang kaba.

Malinaw sa paningin ko ang unti-unting pagsilaglagan ng nagpira-pirasong bahagi ng katawan ni Dahlia sa lupa habang nagsisimulang sumirit ang maalingasaw na likido mula sa katawan nito.Tuluyan ng nalagas ang katawan ni Dahlia at ang tanging natira na lamang ay ang mga bahagi ng katawan na nasa kamay ni Tino na hanggang ngayon ay nanatiling nakatayo pa rin.Bigla naman akong nilukob ng takot sa kung ano ang nangyayari rito at hindi man lang gumagalaw kaya naman namalayan ko na lamang ang aking sariling mabilis na binabagtas ang direksyon niya.

The Son Of Medusa 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon