LUIED
Nagising ako nang marinig ang malakas na pagsabog malapit sa aming pinagpapahingahan.Kaagad akong napabalikwas ng bangon at hinanap sa paligid si Tino,subalit wala na ito sa kaniyang puwesto.
" Mark gising!! " tawag ko sa lalaking katabi.Nagising naman kaagad ang binata at katulald ko'y naguguluhan din siya sa nangyayari.
Inikot ko ang aking paningin sa paligid at akmang hahanapin na si Tino nang bigla na lamang akong hinila pabalik ni Mark at kasabay nito ang pagbalot sa amin ng mga makakapal na yelo.Yumanig ang buong paligid nang maganap ang malakas na pagsabog.
Wala na akong inaksayang oras pa't kaagad na lumayo sa kay Mark.Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin hanggang sa magliwanag ito't lumantad ang aking salapang.Mabilis ko itong pinaglaruan sa hangin at nang mapansin ang kalabang akmang susugurin ako ay kaagad ko itong ihinagis sa direksyon nito.Tumama iyon sa kaniyang lalamunan na siyang ikinasawi nito.Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin bago muling bumalik sa akin ang aking salapang.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at hinanap si Tino,madalim pa't mukhang malayo pa ang bukang-liwayway.
" nakita mo ba si Tino? " kaagad na tanong sa akin ni Mark pagkalapit sa akin.Naagaw ang pansin namin ng maganap ang sunod-sunod na malalakas na pagsabog may hindi kalayuan sa amin.Wala na kaming inaksayang oras pa ni Mark at mabilis na tinungo ang pinanggalingan niyon.
Bumungad sa amin ang malangsang amoy na bumabalot sa hangin maging ang mga gutay-gutay na katawan na nakakalat sa maputik na lupa.Habang binabalutan naman ng naglalagablab na apoy ang buong paligid kung saan mula rito sa aming kinatatayuan ay naaaninag namin ang bulto ng isang nilalang habang nakatayo.
Umihip ang malakas na hangin at humupa na ang mga naglalagablab na mga kapoy na nakakalat sa kahit saan.Habang nananatili lamang kaming nakatayo ni Mark sa puwesto namin at hinihintay ang susunod na mangyayari.
Pansin ko ring unti-unting nang kumikilos ang nakatayong bulto't sinisimulan ang paglalakad patungo sa aming direskyon.Bagaman may nararamdamang kaba rito sa aming mga dibdib ay isiwanalang bahala na lamang namin iyon sapagkat hindi naman isang kalaban ang nilalang na iyon.
Tumigil sa harapan namin si Tino,walang mababanaag na kahit anong emosyon sa mukha nito.Wala itong pang-itaas na kasuotan sa halip ay naliligo ito sa malapot at may hindi kaaya-ayang amoy na likido.Napukaw ang atensyon ko sa bitbit nito na siyang labis kong ikinagulat.
" sino iyan? " turo ko sa pugot na ulong bitbit nito.
" isa sa mga alagad ni Dahlia " walang buhay nitong sagot bago itapon sa naiwang apoy ang pugot na ulo nito.Wala na rin naman na akong naisagot pa.
Tinalikuran na lamang kami nito't muling tinungo ang lugar kung saan kami nagpapahinga habang inaalalayan ng kaniyang tungkod.Samantalang naiwan naman kami ni Mark habang pinagmamasdan ang naiwang pinaglabanan ni Tino ng sinasabi niyang alagad ni Dahlia.
Sa hinuha ko'y minadali lamang ni Tino ang labang ito at hindi man lang umabot ng isang oras.Pambihira,mukhang hindi na nga mapipigilan si Tino.Mas mainam.
Bumalik na rin kami ni Mark sa dating puwesto kung saan naabutan namin si Tino na pinupunasan ang kaniyang sarilli gamit ang kaniyang damit.
" ang ibig bang sabihin niyan ay gumagawa na ng paraan si Dahlia upang makuha ang katawan mo? " bungad kong tanong.Sandali naman nitong itinigil ang kaniyang ginagawa't makaraan ng ilang minuto'y muli niya itong ipinagpatuloy.
" hindi,sinusubukan niya lang ako " kaswal nitong sagot na tila bang wala lang sa kaniya ang nangyaring labanan.
" hindi nanaisin ni Dahlia na mapunta sa kaniya ang katawan kong may depekto,aantayin niyang maging perpektong sisidlan ang katawan ko bago niya ito kukunin " paliwanag niya.Batid ko ang hinggil sa bagay na iyan.Naroon ako mismo sa tagpong iyon kung saan ipinaliwanag ng lalaking nagngangalang Tiantano ang lahat-lahat.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...