TINO
Nakakapanibagong muli na naman akong napasok sa mundong dati ko nang tinalikuran.Mundong hindi mo alam kung kailan mapapanatag ang iyong sarili dahil baka sa sunod na minuto'y nakikipaglaban ka na kay Kamatayan.Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ang malamig na hangin.Nanunuot na ang lamig sa aking katawan.
Napakislot ako nang maramdaman ang pagbalot sa akin ng mainit na katawan mula sa likurang bahagi.Wala akong pangamba na naramdaman sapagkat ang init na iyon ay kilalang-kilala na ng aking katawan kaya naman malaya ko itong tinanggap upang maibsan ang lamig na nararamdaman.
Pinawi ng init na nagmumula sa kahubdan ni Elias ang lamig na nanonoot sa aking katawan.Sa ganoong paraan ay napanatag ako't nakahinga ng maluwag.
" manatili muna tayong ganito " malambing na sabi ni Elias habang bahagyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin.Naramdaman kong isiniksik nito ang kaniyang mukha sa aking leeg na siyang dahilan upang makaramdam ako ng kakaibang kiliti sa aking sistema.
Nanatili lamang kaming nasa ganoong posisyon habang pinagsasaluhan ang init sa ilalim nang nagraragasang ulan.
" kailangan pa ba iyan? " pukaw sa amin ni Mira.
Dahil wala na kaming masasakyang kotse,nag-abang na lang kami ng kung anumang dumaraang sasakyan sa kalsadang ito.Kailangan lang namin makarating sa malapit na bayan para magpalipas ng ulan at makapagpalit na rin ng aming mga kasuotan.Hindi naman kami maaaring ganito lang hanggang sa mga susunod pang mga araw.Magkakasakit na kami niyon.
Makalipas ng ilang sandali'y may isang sasakyan ang huminto sa amin.Nagawa namang pakiusapan iyon ni Elias at Mira kaya sa kabutihang palad ay napasakay kami.Mahaba-haba ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa malapit na bayan.Bumaba na kami at nagpasalamat sa kabutihang-loob ng tao.
Kaagad na naghanap si Elias ng mauupahang silid sa mismong bayang ito.Bumili na rin si Mira ng mga bagong kasuotan.Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa loob ng naturang silid.Sa aking hinuha'y nakahiga ngayon si Mira habang nakaupo naman si Elias sa isang sulok habang ako naman ay tahimik na nakatayo sa gilid habang abala sa ginagawang pagpunas ng basang buhok.
" saan ba matatagpuan ang kinaroroonan niyong babaeng tinutukoy ni Apong Langkay? " basag ni Elias sa katahimikan.Narinig ko ang paglangitngit ng hinihigang kama ni Mira,isang tanda na bumangon ito mula sa kaniyang dating posisyon.
" San Fernando " sagot naman ni Mira.
" saan iyon? " nagtatakang tanong ng binata.Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila habang abala pa rin sa pagpupunas ng basang buhok.
" isa iyong isla sa isla,malayo sa lugar na ito,nasa timog ng bansa iyon " paliwanag niya.
" nagtataka lamang ako,sino ang babaeng iyon? " pagsingit ko sa usapan.Bumaba ako't naupo sa sahig.
" si Marinah ay dating kanang-kamay ni Apong Langkay subalit mas piniling mamuhay bilang isang pangkaraniwang tao,gayunpaman hindi niya pa rin naman kinakalimutan ang kaniyang pinagmulan.Isa siyang salamangkero,isa sa mga kakayahan niya ay makita ang hinaharap,at maniwala man kayo o sa hindi,kalahati ng kaalaman ni Apong Langkay ay nasa kaniya kaya hindi kataka-takang marami siyang kaalaman sa iyo Tino at sa mundo " paliwanag ni Mira.Higit akong nagulat sa huling sinabi nito.Kilala ako ng babaeng iyon?.
" iyon lang ba ang kailangan natin kaya tutungo tayo sa lugar na iyon upang malaman natin ang aking hinaharap? " tanong ko pa.Sandaling pumailanlang ang katahimikan sa bawat sulok nitong silid.Tanging mga busina lamang ng mga sasakyan ang siyang maririnig.Ilang sandali pa'y narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Mira.At sa paraang iyon,nararamdaman ko ang pagsuko nito.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa 2
FantasyNagising ako na ang bumungad sa akin ang kadiliman.Hinanap ko ang liwanag ngunit pilit ako nitong pinagtataguan. Panibagong buhay.Panibagong libro.Pupunan ko ang mga malinis na papel upang mabuo ko ang bawat kabanata ng aking buhay. Matagal kong hin...